Pumunta na ko sa field ng school namin dahil dun ang lugar na sinabi ni Yuan na antayin ko siya.
Masaya ang unang klase bagama't hindi pa kami masyadong magkakakilala ay hindi naging hadlang yun para sumaya ang unang klase para sakin.
Maya maya pa may kamay na tumakip sa dalawang mata at agad kong naamoy ang kanyang bango.
Hindi ako pwede magkamali.
"Tara na sha?"yaya ni Yuan.
"Yeah"
"May pupuntahan tayo"nakangiting sabi niya.
"Ha?saan?"nalilitong sabi ko.
"Secret."
"Ikaw ang hilig mo mag secret sakin!ayaw ko ng ganun!"sigaw ko.
"Malalaman mo din naman mamaya eh, sorry na baby girl"malambing na sabi niya.
Di ko man ipakita o di ko man sabihin pero sa totoo lang kinikilig ako tuwing tinatawag nya kong baby girl, hmp, ang landi Sha HAHAHA.
"Baby girl?galit ka ba sakin?"malungkot na sabi niya with his puppy eyes.
Damn, Yuan bat ka ganyan?
"Hindi"
"Bat nakabusangot yung mukha mo?"
"Dahil ayaw ko ng naglilihim sakin"
"Baby girl malalaman mo din naman mamaya eh, pupunta nga tayo dun ngayon"maamong sabi niya.
"Okay"
"Galit ka?"
"Hindi nga!"
"Parang galit."nagmamaktol na sabi niya
Damn, Yuan ang kulit!aishh!
Para tumigil sya agad ko na syang kiniss sa cheek, nakita ang pagkagulat sa kanyang mukha.
Gustong gusto ko talaga yung epekto na nagagawa ko sa kanya kahit sa simpleng paraan.
"See?di nga ko galit"
"Ngayon, naniniwala na ko pero mas maniniwala sana ako kung sa lips mo ko ikikiss"pangaasar nya.
"Tse!tara na nga!"sigaw ko sa kanya.
Nasigawan ko na sya dahil naiinis na mo sa mga babaeng tingin ng tingin sa kanya! Nakakainis!
"Alright baby!"sabi niya at agad nya kong pinagbuksan ng pinto.Agad syang pumunta sa driver seat at nagsimula nang magdrive.
"Ang moody mo ngayon baby girl, meron ka ba?"pangaasar nya.
"Tigil tigalan mo ko Yuan, Wala ako sa mood makipagasaran sayo"malamig kong sabi.
Naiinis pa din ako!bat kailangan sya tignan ng mga babae!bat ganyan sya kagwapo!bat ang daming nahuhumaling sa kanya?damn, sharina, si Yuan Roi Gutierrez yan, bat ka pa magtataka?
"Wow?wala ka sa mood?eh baliw na baliw ka nga sakin"pangaasar nya pa
"Wow ako pa ha?ikaw kaya"
"Ikaw sharina"
"Ikaw kaya Yuan"
"Ikaw kaya-"
"IKAW!"
"Sabi ko nga Sha ako haha"
Tumingin na lang ako sa bintana dahil nakakabadtrip si Yuan.
Parang alam ko yung daan na to, di ako nagkakamali
"Andito na tayo"sabi ni Yuan.
"Yuan, anong gagawin natin dito?"
"Malalaman mo mamaya"nakangiting sabi niya at pinagbuksan na ko ng pintuan.
Pinagsiklop niya ang aming mga daliri bago naglakad papasok sa paboritong lugar ni Yuan.
DONT FORGET TO VOTE AND COMMENT EVERY CHAPTER!THANK YOU SA SUPPORT GUYS!LOVELOTS!GOD BLESS YOU!
BINABASA MO ANG
Fight For You (On-going)
RomanceLumaki si Sharina na kapos sa buhay, sanay na sya sa hirap at hindi nakukuha ang mga luho dahil sa hirap ng buhay gayunpaman lumaki syang masipag at mabait na bata. Masipag syang magaral at matalino talaga.Masaya at tahimik ang buhay ni Sharina ngun...