CHAPTER 34

3 3 0
                                    

Seryosong nakatingin sakin si Yuan habang ako ay lumuluha dahil sa sakit.

"Sha..."sambit ni Marian.

Nabaling ko kay Marian ang atensyon at nakita ko sa mata nya ang awa,wag mo ko kaawaan Marian, deserve ko to.

"Are you okay?baka ate nya lang yan"sabi niya.

"okay lang ako,at saka ex girlfriend nya yan,hayaan na lang natin mukhang masaya sila"sabi ko at muli silang sinulyapan gamit ang mga lumuluhang mata.

Seryoso pa ring nakatignin sakin si Yuan ng hindi ko makayanan ay agad kong kinuha ang bag ko at nilagay sa balikat ko.

"I'm sorry Marian, uuwi na ko"

"okay lang,halika na hatid na kita"sabi niya at bakas sa mukha ang pagaalala.

"hindi na,okay lang kaya ko naman,sige alis na ko"sabi ko at dali dali ng umalis.

Hindi ako sigurado kung hanggang sa pagalis ko ay nakatingin sakin si Yuan,sana naman ay hindi. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan nyang magsinungaling siya na busy sya pero kasama nya lang yung ex. Hindi ko maintindihan kung bakit parang ang sweet sweet nila at parang wala lang ako sa kanya. Hindi ko maintindihan kung bakit umiiyak ako dahil sa kanya. Hindi ko maintindihan kung bakit ang sakit sakit. Hindi ko maintindihan kung bakit biglang may gumuhong parte sa puso ko dahil sa nangyari at mas lalong hindi ko maintindihan kung bakit durog na durog na ko ngayon.

Tinakbo ko palabas ng restaurant kahit na napakalakas ng ulan ay wala akong pakialam, dahil ang mahalaga ay makatakas ako sa lugar na yon dahil di ko na kaya, durog na durog na ko.

Kahit mabasa ako sa ulan ay okay lang, dahil mas gusto kong umiyak habang naliligo sa ulan. Dahil kahit umiiyak ako ay hindi mahahalata, napakasarap maligo sa ulan habang umiiyak.

Bakit kapag nagmamahal tayo kailangan natin masaktan?Hindi ba pwedeng magmahal lang ng hindi nasasaktan?Bakit kailangan nating masaktan?Bakit tayo umiiyak kapag nasasaktan tayo?Bakit tayo nagpapanggap na okay kahit hindi naman?Bakit kahit ang sakit sakit na handa nating tiisin?

Simple lang, dahil mahal natin.

Ang hirap pala magmahal, hindi pala to katulad ng mga napapanood natin sa tv na pag nakita na ng princess ang prince charming niya ay happily ever after na agad, hindi pala ganon yon.

Dahil laging sa gitna ng Love Story nandyan ang mga challenges and trials, na dyan mapapatunayan kung kayo talaga ang para isa't isa. Kung kayo talaga ang para sa isa't isa kahit anong pagsubok ang dumating, kahit magkahiwalay pa kayo dahil sa pagsubok na yan, kung kayo, kayo talaga.

Pero kung hindi talaga kayo ang para sa isa't isa kahit anong gawin nyo, kahit ipaglaban nyo pa ng sabay ang isa't isa, kung hindi talaga kayo para sa isa't isa, hindi talaga.

Pero sa isang banda naniniwala din ako na hindi dapat iasa sa tadhana ang lahat, dahil minsan kailangan mo din kumilos at gawin ang mga nararapat na gawin.

Minsan kasi may mga taong sila talaga yung para sa isa't isa pero wrong timing, kaya hindi dapat minamadali ang pagmamahal.

Kaya kahit mahirap, kahit masakit susugal ako kasi dalawa lang yan eh, take a risk o loose a chance, kasi lagi lang tayong mamimili dahil laging nasa atin ang desisyon.

Kung naging mayaman ba ko may hahadlang pa ba satin?O kung naging mahirap ka na din kagaya ko,wala na bang hahadlang satin?sa sitwasyon natin ngayon Yuan, napakahirap.

Sana enough na lang ako para hindi na hanapin sa iba yung wala sakin, bakit ba kasi kailangan na maging kulang ako para sa kanya?Alam kong kulang ako sa buhay ni Yuan, kulang na kulang.

Tama pala sila minsan hindi ang kilig o saya ang nakakapagpatunay na inlove ka, minsan kapag nasasaktan ka na. Hindi mo naman kasi matatawag na love yun kung hindi ka nasasakatan, dahil sabi nga nila kapag nagmahal ka asahan mong masasaktan ka dahil laging kakambal ng sakit ang pagmamahal.

DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT EVERY CHAPTER! THANKS FOR YOUR SUPPORT!LOVELOTS!GODBLESS YOU!

Fight For You (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon