CHAPTER 41

2 3 0
                                    

(Now playing: Huling Sandali by December Avenue)

PS:patugtugin nyo while reading this chapter para mas dama yung sakit.

"Yuan..."sambit ko.

Nabigla siya sa pagdating ko, tumayo sya at hinarap ako. Wala pa mang nangyayari ay naiiyak na ko.

"Anong sasabihin mo?"malamig na tanong niya.

"B-bakit ka ganyan?bakit ka nagbago?anong nangyari?"umiiyak na tanong ko.

"I don't know."malamig na sabi niya.

"Bat anlamig mo sakin?Bat ganyan?Bat sinasaktan mo ko?"tanong ko.

"sha..."

"Yuan, nagbulag bulagan ako. Nung una pa lang nagdududa na ko pero dahil mahal kita nagtiwala ako, yung sinabi mo na busy ka at hindi mo ko mahahatid, okay lang yun. Yung busy ka ulit kaya di mo ko masusundo?okay lang din yun. Yung nakita ko kayong dalawa ni Jackie na magkasama sa restaurant na parang ansaya saya niyo, na parang ang sweet sweet niyo, na parang may feelings pa din kayo sa isa't isa, okay lang din yun, yung gabing hinayaan mo ko lamunin ng selos ko, okay lang din yun. Pero yung..."

Napatigil ako sa pagsasalita dahil hindi ko makayanan ang sakit na nararamdaman ko.

"Pero yung nakaya mong tiisin ako, hindi ako kausapin, hindi ako bigyan ng oras, unahin yung iba kesa sakin, iparamdam sakin na parang wala lang ako sayo, na parang hindi mo ko mahal, medyo masakit na yun,pero alam mo ba kung anong yung pinakamasakit at hindi okay sakin?"tanong ko habang tinitignan ang mga mata niyang seryoso.

"Yung dating ginagawa mo sakin, ginagawa mo na din sa ex mo. Yung dating nasakin yung oras at atensyon mo, ngayon nasa ex mo na. Yung dating ako lagi yung nauuna at walang salitang busy sayo pag ako na, ngayon hindi na. At alam mo yung pinakamasakit?Yung gaguhin mo ko harap harapan!ipagmukha akong tanga!halikan mo yung ex mo sa harap ko, yun yung pinakamasakit!"sigaw ko.

Napahagulhol ako sa huling salitang binitawan ko dahil napakasakit.

"Ano bang nangyari?Bakit bigla kang nagbago?dahil bumalik yung una ha?!"tanong ko.

"I'm sorry"sabi niya. "Di ko naman sinasadya, basta nagising na lang ako isang araw..."dagdag niya. "Hindi na ko masaya sayo, satin. Kung tatanungin mo kung kami na ulit ni Jackie, hindi pa. Pero if you're gonna ask me now if I'm still inlove with you?"pabitin na sabi niya at nagiwas tingin.

"Sorry, but not anymore."sabi niya.

Hindi pa sila, hindi pa. Ibig sabihin magiging pa lang or may chance.

Hindi na niya ko mahal?Hindi na niya ko gusto?Bakit anong nagawa ko?Paano niya mabilis na nakalimutan yung nararamdaman niya sakin?

"B-bakit?a-anong kulang?a-anong mali?"umiiyak na tanong ko.

"wala."yun lang ang salitang lumabas sa bibig niya.

Bat ka ganyan makipagusap sakin?Bat parang wala lang ako sayo?

"Yuan, nahihirapan na ko. Yung ikaw na lang yung pahinga ko sa nakakapagod na mundo pero bakit pagdating sayo parang napapagod na ko?"tanong ko.

"hindi ko na kasalanan yan."sabi niya.

Bat di ka makatingin sakin?Nagsisinungaling ka lang ba?Mahal mo pa ba ko?

Fight For You (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon