Nang dumating ang tanghalian ay agad kong naramdaman ang pagkapagod ko, wala naman akong masyadong ginawa pero ewan ko ba bakit napagod ako.
Inayos ko na muna ang mga gamit ko para makakain na dahil gutom na gutom na ko at ang sakit sakit na din ng likod ko.
"Sharina!"
Napatalon ako sa gulat dahil sa pagtawag sakin ni Luke, nasa likod ko na pala siya.
"Lunch tayo?libre ko!"anyaya niya.
Hindi ko alam kung sasama ako dahil sinabi sakin ni Yuan na pagluluto niya ko. At merong may parte sa utak ko na nagsasabi na wag sumama kay Luke, na antayin si Yuan.
Pero sa isang banda nagsasabi na hayaan na si Yuan at sumama na kay Luke.
Bago pa ko makapagdesisyon, naaninag ko na si Yuan na palapit dito at bakas sa mukha niya ang galit na expression.
Masama ang tingin niya sakin, hindi ko alam kung bakit. Pero mas masama ang tingin niya kay Luke.
Oh, here we go again.
"Ehemm."parinig ni Yuan.
Ngunit hindi natinag si Luke wala syang pakialam sa presents ni Yuan, nanatili lang syang nakatingin at nakangiti sakin.
"Ano Sha?Tara na?"yaya ni Luke. Hindi ako makapagsalita.
Napabaling ako kay Yuan na galit pa din ang ekspresyon. Myghad Yuan!Sa ekspresyon ni Yuan parang handa na siyang manuntok ng wala sa oras!OMG!
"I'm sorry Luke, pero dinalhan na kasi ako ng lunch ni Yuan."sabi ko.
"Okay lang. Hatid na lang kita mamaya?"anyaya niya.
Magsasalita na sana ako ngunit naunahan na ko ni Yuan.
"Hindi sya pwede. May gagawin kami mamaya."malamig na sabi ni Yuan.
"Sharina?"parang paghihiwatig ni Luke kung totoo.
Ewan ko ba kung bakit ako natatakot kay Yuan kung magalit man siya, eh wala naman na kong pake sa kanya, kaya idedeny ko yung sinabi niya.
"Ah oo!may gagawin pala kami!"sabi ko. Potek? sabi ko idedeny ko e. Anyare girl?
Umalis ng bigo si Luke, ewan ko kung bakit.
Agad kong binalingan si Yuan, galit pa din sya!Ano na namang nagawa ko?bat ka na naman galit?kupal to!
"Ano na naman yon?"sabi ko.
"Wala, kumain ka na."malamig na sabi niya at binigay sakin ang paper bag.
"Galit ka?"curious na tanong ko.
"Hindi."malamig na sabi niya.
"Galit galit ka pa dyan, bustedin kaya kita dyan!parang tanga to!"pangaasar ko.
"Kumain ka na nga lang."inis agad na sabi niya.
"Fine."sabi ko at kinuha ko na ang mga Tupperware na nasa paper bag.
Wow, sinigang na baboy!Alam na alam talaga yung favorite ko!sa isang tupperware nakalagay ang kanin, sa isa naman ay may mga prutas na nakahiwa na, at sa isang tupperware ay may graham cake na nakalagay.
Nagsimula na kong kumain at binalingan ko si Yuan na nakatitig lang sakin.
"Kain tayo?"anyaya ko.
"Kumain na ko."pagtanggi niya.
"Ang arte mo naman!"sigaw ko sa kanya.
"Parang hindi ako hinalikan dati."bulong ko.
Pero sadyang napakalakas nga talaga ng pandinig ng kupal narinig pa talaga.
"Kakain ako, basta halikan mo lang ulit ako."pangaasar niya.
"Kapal mo!Kahit mamatay ka pa dyan sa gutom, bahala ka dyan!"sabi ko at nagsimula ng kumain.
Ang kaninang galit na Yuan ay tumatawa tawa na ngayon, o diba baliw na tong kupal na to!
"Tawa ka ng tawa dyan muka kang tangang ewan."inis na sabi ko.
"Napakapikon mo naman Sha."sabi niya at tumawa na naman ng malakas, hays!
Maya maya pa ay natapos na ko sa pagkain. Nakita ko si Yuan na balisa, Ewan ko kung bakit.
"Hoy!anong nangyayari sayo?"nagtatakang tanong ko
"Kailangan ko kasi munang umalis, hinahanap ako sa kompanya kaso di kita maiwan dito dahil sa unggoy na yon!"inis na sabi niya.
Bahagya akong natawa.
"Sige na, pumunta ka na muna."mahinahong sabi ko.
"Ayoko! landiin ka pa nun e!"inis na sabi niya.
Ang cute nya talaga, kaso sinaktan nya ko e kaya di na lang.
"Di naman ako papalandi."sabi ko.
Bahagyang nagulat si Yuan at agad na napabaling sakin.
"B-bakit kanino ka na lang ba p-papalandi?"nauutal, kinakabahang tanong niya.
Sayo!charot!di na ko marupok duh!
"Secret."Sabi ko. "Sige na pumunta ka na don."dagdag ko.
"Sandali lang ako. Wag kang papalandi sa mga pangit."Sabi niya.
Pangit ka din naman pero bat nagpapalandi ako sayo?charot HAHA.
Lumapit sya sakin at hinalikan ako sa noo.
Tumalikod na siya at sumakay sa elevator.
DONT FORGET TO VOTE AND COMMENT EVERY CHAPTER!THANK YOU SA SUPPORT GUYS!LOVELOTS!GOD BLESS YOU!
BINABASA MO ANG
Fight For You (On-going)
RomanceLumaki si Sharina na kapos sa buhay, sanay na sya sa hirap at hindi nakukuha ang mga luho dahil sa hirap ng buhay gayunpaman lumaki syang masipag at mabait na bata. Masipag syang magaral at matalino talaga.Masaya at tahimik ang buhay ni Sharina ngun...