"Luke."sambit ko ng makita ko si luke na nasa tabi ko na pala, ni hindi ko namalayan.
Napatingin ako sa kanyang kanang kamay na may dalang bouquet of roses. Siguro para sa girlfriend nya yun, yiee HAHA.
"kanina ka pa dyan?"tanong ko.
"kakarating ko lang naman."sabi niya.
"ikaw ah,para kanino yan ha?sa girlfriend mo?andaya mo naman!di mo sinasabi sakin na may girlfriend ka na!"pagmamaktol ko.
Napakadaya kasi ni Luke e, ayaw pa sabihin kung sino yung special someone niya.
"I don't have a girlfriend."tanggi niya.
"E para kanino yan?"tanong ko. "Ah siguro para sa nililigawan mo?sino ba?yiee."tukso ko sa kanya.
"di mo kilala sarili mo?"diretsong sagot niya.
"h-huh?"nauutal na tanong ko.
"Sharina, nung sinabi ko sayo nung grumadate tayo ng college, seryoso ako dun. Nung sinabi kong gusto kita, totoo yun."seryosong sabi niya.
"Kala ko nagbibiro ka lang."di makapaniwalang sabi ko.
"Palabiro akong tao, pero seryoso ako sa nararamdaman ko."sabi niya. "Pinangako ko sa sarili ko na saka lang kita liligawan, pag parehas na tayong successful, at ngayon ready na ko, so sharina, can I court you?"tanong niya habang seryosong nakatingin sa mga mata ko.
Hindi ko alam. Parang gusto ko na parang ayaw naman ng puso ko, dahil sa hindi malamang kadahilanan biglang sumagi sa isip ko si Yuan. Binigyan ko siya ng chance pero hindi ako seryoso don, dahil minsan nya na kong niloko at hindi ko na kayang maniwala pa.
Pero di ko alam kung bakit nasasaktan ako sa tuwing iniisip ko na masasaktan si Yuan, baka kaya mahal ko na ulit siya?OMG!hini pwede!sinaktan na nya ko noon, sapat na yon!hindi na kailangan maulit pa.
Dati sigurado ako na wala na kong nararamdaman kay Yuan, na hindi ko na siya mahal, pero ngayon, ngayong bumalik siya, ngayong sinabi niyang mahal nya pa rin ako, ngayong nalaman ko na yung dahilan,hindi ko na alam kung hindi ko na ba talaga sya mahal. Hindi na ko sigurado kung nakamove on na ba talaga ako.
Dahil kahit ayaw kong aminin, na kahit sa mismong sarili ko hindi ko maamin, na kahit paulit ulit na kong nagsisinungaling sa sarili ko na hindi ko na sya mahal, na nakamoveon na ko at hindi na siya.
Dahil ngayon aaminin ko, na mahal ko pa rin pala si Yuan, na siya pa rin pala, na di pa rin pala ako nakakamove on, na natakpan lang pala ng galit ko yung lahat ng pagmamahal ko sa kanya at ngayong bumalik siya, unti unting nalusaw yung galit ko na dinala ko ng ilang taon, na parang gusto ko na agad bumalik sa kanya.
Pero alam kong mali yon, dahil sinaktan at niloko na nya ko, na trauma na ko at natatakot na kong maulit pa.
Yes, everyone deserve a second chance, pero pano kung palpak pa rin sa pangalawang pagkakataon, paano kung hindi pa rin mag work?paano kung hindi worth it yung secong chance na yan?paano kung maulit na naman yung nangyari?paano kung masaktan lang ulit ako?
Pero hindi ko yan lahat malalaman kung hindi ko susubukan, pero natatakot naman akong sumugal ulit kay Yuan, hindi ko na alam gagawin ko.
Magsasalita na sana ako ngunit naunahan na ko ng lalaking mahal ko.
"hindi pwede."malamig na sabi ni Yuan.
"Hindi kita kausap."inis na sabi ni Luke.
"I know pero pagaari ko yang kinakausap mo."mayabang na sabi ni Yuan.
"Pag-aari?"sabi ni Luke at tumawa siya."Paano?e hindi naman kayo kaya wala ka namang karapatan sa kanya."sabi ni Luke.
Nakita ko ang galit sa mukha ni Yuan dahil sa sinabi ni Luke, agad akong tumayo at humarang sa gitna nila.
"Nauna ako sayo at ikaw sapaw ka lang, paepal ka lang, kaya tumigil ka na sa trip mo di na ko natutuwa sayo."galit na sabi ni Yuan.
"Bakit kala mo ba natutuwa ako sayo?hindi din, kaya wag kang mag alala, parehas lang tayo."pangaasar pa ni Luke.
"Hindi tayo parehas, dahil ako mahal niya ikaw hindi, malaki pagkakaiba na tin."pangaasar din ni Yuan, ayaw talaga patalo ng kumag na to!
Nakita ko ang galit sa mukha ni Luke.
"Hindi ba kayo titigil?"inis na sabi ko.
"Pagsabihan mo kasi yang manliligaw mo na masyadong mayabang na feeling nya e sa kanya ka."sabi ni Luke.
"Wow?!talagang akin naman na talaga siya."pangaasar pa ni Yuan.
"Yuan!"inis na saway ko.
"What?"painosenteng sabi niya.
"Tumigil ka na."sabi ko.
"Fine."tamad na sabi niya.
"Aantayin kita sa baba, bilisan mo, paalisin mo na yung unggoy na yan."bulong niya sakin at naglakad na palayo.
"I'm sorry."agad na sabi ni Luke.
"For what?"tanong ko.
"Sa nangyari, masyado kasing mayabang yung Yuan na yun."sabi niya. "Pero seryos ako sha, gusto kitang ligawan."seryosong sabi niya.
"Pagiisipan ko."sabi ko dahil nagmamadali na kong bumaba, kinakabahan kasi ako kay Yuan e.
Kinuha ko na ang bag ko at agad na tumalikod ngunit napahinto ako ng hawakan ni Luke yung kamay ko.
"b-bakit?"nauutal na tanong ko.
"flowers for you."nakangiting sabi niya.
"thank you."sabi ko at tinanggap ang flowes na binigay niya at tumalikod na.
Sumakay na ko sa elevator dahil kinakabahan na ko kung magtatagal pa ko.
DONT FORGET TO VOTE AND COMMENT EVERY CHAPTER!THANK YOU SA SUPPORT GUYS!LOVELOTS!GOD BLESS YOU!
BINABASA MO ANG
Fight For You (On-going)
RomanceLumaki si Sharina na kapos sa buhay, sanay na sya sa hirap at hindi nakukuha ang mga luho dahil sa hirap ng buhay gayunpaman lumaki syang masipag at mabait na bata. Masipag syang magaral at matalino talaga.Masaya at tahimik ang buhay ni Sharina ngun...