Pinagbuksan na ko ni Yuan ng pinto, pumasok na agad ako at dumiretso siya SA driver seat.
Habang nagdadrive si Yuan pinagmasdan ko ang features ng mukha niya at hindi na ko magtataka kung maraming babae ang magkakagusto kay Yuan
Kaya di ko alam kung seryoso ba siya sakin o trip niya lang ako.
Ano na naman kasing pwedeng nagustuhan niya sakin?
Di naman ako mayaman.
Hindi kami pantay ng estado ng buhay.Ang kanyang makakapal na kilay na nagkakasalubong pag nagagalit, ang kanyang mga magagandang mata na nakakapangakit, ang kanyang mahahabang pilik mata, matatangos na ilong at mapupulang labi.
Mas lalo akong nahuhulog Yuan, hindi dahil sa itsura mo kundi dahil sa mga pinapakita mo
"Alam kong gwapo ako sharina so please stop staring at me"sabi niya.
"kapal mo!"sigaw ko sa kanya.
"sige sharina mag deny ka pa masyado na kitang nahahalata"nakangising sabi niya.
nahahalata?saan?baka yung nararamdaman ko kay Yuan?baka nahahalata na niya na may gusto ako sa kanya, No, please...
"a-ano?"nauutal na sabi ko.
Shet ka sharina mas lalo kang nahahalata nyan.
"nahahalata ko na, na may gusto ka na din sakin sharina"nakangiting sabi ni Yuan.
"malabo mangyari yun, Yuan"sabi ko. talaga sharina? pinagsasabi mo?bat ayaw mo pa umamin?no, no, no way!hindi ako aamin!
"bakit naman?eh gwapo naman ako at hindi lang gwapo kundi gwapong gwapo"mayabang na sabi niya.
"malabo mangyari yun Yuan, dahil wala naman akong sakit sa pagiisip"sabi ko at agad tumawa ng malakas.
Nakita ko na biglang naging seryoso siya at nakita ko din ang galit sa mga mata niya habang diretso na nakatingin sa kalsada.
Buset ka sharina!ano ba kasi mga pinagsasabi mo?bat di ka kasi nagiingat sa mga sasabihin mo?
Pinagmasdan ko siya at halatang halata na galit siya, kinabahan agad ako.
"y-yuan?"nauutal na sabi ko."g-galit k-ka ba s-sakin?"dagdag ko pa
Ngunit wala akong natanggap na sagot sa kanya.Siguro nga galit siya. Anong pwede ko bang gawin para mawala ang galit niya?
May naisip ako ngunit parang nagdadalawang isip ako na gawin ito.
Sa huli, napagdesisyonan ko na din na gawin na lang yun dahil yun lang ang alam kong natatanging paraan para di na magalit sakin si Yuan.
Mabilis ko siyang ginawaran ng halik sa pisngi at nakita ko ang bigla niyang pagkagulat at pagpula ng kanyang mga pisngi.
Agad akong nilamon ng hiya sa ginawa ko at hindi makatingin sa kanya shet!
Nilingon nya ko at nakita ko ang mga naglalarong ngiti sa kanyang mga labi.
Damn, Yuan!"w-walang i-ibig s-sabihin y-yun"depensa ko sa kanya.
"wala pa kong sinasabi sharina HAHAHA"sabi niya at tumawa ng malakas
"e-eh y-yung m-mga t-tingin m-mo e-eh"nauutal na sabi ko. shit!sharina ayusin mo naman pananalita mabubuking tayo nyan.
"bat ka nauutal?"nakangising tanong niya.
"A-ako?h-hindi kaya!"depensa ko kahit halatang halata naman ako!myghad sharina!
"sige sabi mo eh"sabi niya habang nakangisi at nagpatuloy na siya sa pagdadrive.
Maya maya pa ay nakarating na kami sa restaurant na pinagtatrabahuhan ko
Pinagbuksan na nya ko ng pinto at bumaba na din ako.
Hinatid niya ko sa restaurant habang nakangiti at nakatingin sakin.
"sunduin kita mamaya sharina"nakangiting sabi niya at hinalikan ako sa noo.
THANKS SA SUPPORT PLS VOTE AND COMMENT EVERY CHAPTER!LOVELOTS!♥️
BINABASA MO ANG
Fight For You (On-going)
RomanceLumaki si Sharina na kapos sa buhay, sanay na sya sa hirap at hindi nakukuha ang mga luho dahil sa hirap ng buhay gayunpaman lumaki syang masipag at mabait na bata. Masipag syang magaral at matalino talaga.Masaya at tahimik ang buhay ni Sharina ngun...