CHAPTER 47

5 1 0
                                    

Nakita ko na tapos ng umorder sila Yuan at naghahanp sila ng bakanteng upuan. Napaingon din ako sa paligid ngunit wala akong nakita kung di ang katabi naming lamesa. Great!

Lumapit sila papalapit don at nagangat ako ng tingin kay Yuan at nakita ko ang seryosong tingin niya.

Tinignan ako ni Marian at sinenyasan ko na lang siya na pwedeng eto na yung time na magusap kami ni Yuan. 

"Uhm Sha, may hahanapin lang ako ah."

"Ah sige sure."sabi ko.

Nagulat ako ng bigla syang lumapit kay Jackie.

"What?"mataray na sabi ni Jackie.

"Sorry sa ginawa ko sayo ah."nakangiting sabi ni Marian.

"It's okay."plastic na sabi ni Jackie.

"Can we talk?"tanong ni Marian.

"Sige."naiilang na sabi ni Jackie. 

"Tara!"excited na sabi ni Marian at hinatak si Jackie palayo samin ni Yuan.

Umupo si Yuan at tumingin sa malayo, sinamantala ko ang pagkakataon para tignan siya. Namimiss ko na siya pero wala na kong rason pa para bumalik pa.

Hindi ko na nakayanan kaya lumapit na ko sa kanya.

(Now Playing: Hanggang dito na lang by Jaya)

PS:play nyo to while reading this chapter para dama

"Pwede ba tayo magusap?"tanong ko.

"Tungkol san na naman?"malamig na tanong niya.

"Don't worry hindi naman matagal, mabilis lang promise."sabi ko.

"Magsalita ka na."malamig na sabi niya.

Lumingon ako sa paligid at nakita ko na madaming tao, nakakahiya naman.

"Uhm, pwede bang sa tahimik na lugar sana?"tanong ko.

"Fine."sabi niya at nauna ng maglakad.

Maya maya pa ay nakarating kami sa isang tahimik na lugar, may bench dun at umupo kami dun, pero may space, hindi magkadikit.

"Nung una nalilito pa ko, kasi I'm stuck between lalaban pa ba o susuko na. Pero ngayon nakapagdesisyon na ko. Mas pipiliin ko na lang sumuko muna kaysa magpakatanga at maghabol sa taong hindi naman ako pinipili at hinahayaan lang akong masaktan."sabi ko.

"Narealize ko na kahit anong pilit mo sa isang bagay kung ayaw, ayaw talaga and natutunan ko din na kapag ayaw na sayo, wag mo na pilitin." humanga ako sa sarili ko dahil wala ng luhang tumutulo sa mata ko.

"Totoo pala na kahit sobrang mahal mo yung tao, kahit gustong gusto mo siya ipaglaban, dadating din pala sa point na susuko ka na lalo na kung yung pinaglalaban mo masaya na sa iba."sabi ko at ngumiti sa kanya.

"Alam mo sa totoo lang gusto ko pa sana magpatuloy sa pagaayos sa kung anong meron satin kaso inaayos na ng iba e, saka pinagod mo din ako ng sobra."sabi ko at tumawa.

"I'm sorry kung napagod ako ha, di mo kasi ako binigyan ng dahilan para lumaban pa. Gusto pa sana kitang ipaglaban pero pagod na ko. Gusto pa sana kitang mahalin kaso ansakit mo mahalin."sabi ko at malungkot na tumingin sa kanya.

"Mahal na mahal kita Yuan pero tama na."

"Marami akong natutunan dahil sayo, like pag nagmahal ka wag mo ibibigay lahat dapat magtira ka sa sarili mo kasi pag iniwan ka ng taong mahal mo sarili mo lang din yung tutulong sayo. Marami pa kong natutunan sayo Yuan, salamat sa lahat ng aral na binigay mo sa buhay ko, salamat sa experience, sa pagmamahal mo, sa lahat lahat."sabi ko at tinignan siya sa mata.

Nakita ko sa mga mata niya ang mga luhang gustong bumuhos pero buong lakas nyang pinipigilan. Nakita ko din ang sakit pero hindi ko mahanap ang dahilan kung bakit sya nasasaktan.

"Maraming Salamat Yuan!Gusto ko lang sabihin sayo na isa ka sa mga pinakamagandang nangyari sa buhay ko."(isa din sa pinakamasakit)"Salamat sa pagmamahal na binigay mo."(kahit mas lamang yung sakit)"Salamat dahil naging inspirasyon kita sa buhay ko."(kahit puro sakit lang yung binigay mo.)

"Papakawalan kita kasi deserve mong maging masaya, kasi alam kong hindi mo mararamdaman sakin yun. Papakawalan na kita hindi dahil sa hindi na kita mahal, kasi papakawalan kita para rin yun sayo at lalo na sa sarili ko, simula kasi nung minahal kita nakalimutan ko ng mahalin yung sarili ko. Di ko alam kung ano ang pinakatamang gawin pero sa nakikita ko ngayon, kailangan ko na talaga siguro pakawalan ka ng tuluyan. Papakawalan din kita dahil gusto kong hanapin ulit yung sarili kong nawala simula nung nakilala kita, kailangan kong gawin to kahit masaktan pa ko. Siguro nga hanggang dito na lang tayo kasi wala din namang mangyayari kung patuloy pa din akong lalaban, mas lalo lang ako masasaktan, kaya tama na."

"Balang araw, maaalala mo kung paano kita paulit ulit na pinili na kahit kailan hindi ko ginawa sa iba. At maaalala mo din kung paano kita pinaglaban ng paulit ulit na kahit nasasaktan na ko ng sobra, okay lang. "

"Pangako, hinding hindi na ko mangungulit."sabi ko

"Babe!"sigaw ni Jackie sa malayo.

"Mauuna na ko ha, sana mahalin ka nya higit pa sa pagmamahal na binigay ko sayo. Tapos na ko, alagaan ka na lang nya."sabi ko at ngumiti sa kanya.

Tumalikod na ko at lalagpasan na sana ako ni Jackie pero hinawakan ko ang braso niya.

"Wag na wag mo syang sasaktan ha, wag na wag mong gagawin yung ginawa nya sakin,mahalin mo sya ng sobra. Iparamdam mo sa kanya na mahalaga siya. Ingatan mo yan, iniwan at sinaktan kasi ako nyan para sayo eh, hindi na ko manggugulo sa inyo, I'm happy for both of you. Goodbye."sabi ko at tinalikuran sya.

Nakita ko si Marian sa malayo at nakangiting tumitingin sakin.

From masaya ako sayo to masaya ako para sa inyo.

DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT EVERY CHAPTER!THANKS FOR YOUR SUPPORT!LOVELOTS!GODBLESS!

Fight For You (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon