Napaupo ako sa damuhan sa sobrang sakit na nararamdaman ko, hindi ko matanggap bakit ang bilis bilis nyang makahanap agad?Samantalang ako eto hinihintay pa rin na bumalik sya sakin at sabihin niya na mahal niya ko ulit.
Kailan ka ba babalik sakin?Kailan mo ba sasabihin na ako pa rin?na ako pa rin yung mahal at gusto mo, kung saan masaya pa tayong dalawa, na pag magkasama tayo parang wala tayong pakialam sa paligid, na ang mga pintig lang ng puso natin ang iniintindi natin.
Hirap na hirap na ko, gulong gulo na ko, hindi ko maintindihan kasi dapat wala naman akong karapatan na masaktan, kasi hindi tayo, pero bat ganon?ang sakit sakit, ang hirap hirap.
Ikaw yung pumasok sa buhay ko pero bakit ako pa yung naghahabol ngayon?Nanahimik ako at pumasok ka buhay ko at ginulo mo lang pero bakit hindi ko pa rin magawang magalit sayo?Bakit ikaw pa rin?Kahit hindi na ako.
Sabi mo mahal mo ko, pero bat sinasaktan mo ko?Sabi mo ako yung gusto mo, pero bat siya yung kasama mo?Sabi mo di mo ko iiwan, pero nasaan ka ngayon?I remember the day na sinabi ko sayo na magsasawa ka sakin, damn!di ako nagkamali.
Bakit kung kailan napamahal na ko sayo saka ka naman magbabago at iiwan ako?Bakit kahit sinasaktan mo na ko, eto pa din ako, nagsstay pa rin sayo?
Tumayo na ko sa pagkakaupo ko sa damuhan at nagsimula ng lumabas palabas sa park kahit patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha ko.
Alam mo ba yung feeling na dati ayaw ka nyang mawala,pero ngayon hinahayaan ka na lang nya. Yung feeling na dati takot syang masaktan ka pero ngayon siya pa yung mismong nananakit sayo, Yung feeling na dati ikaw yung mahal niya pero nung bumalik yung una nawala na.
Ako?Alam ko yung feeling ng ganyan, and sobrang sakit nyan, kasi rebound lang ako, panakip butas lang, hindi talaga minahal.
Habang naglalakad ako ay pinupunasan ko ang mga luha sa pisngi ko. Nagulat na lang ako ng may dalawang lalaking humarang sakin, mga halos kasing edad ko lang din.
"Hi miss."bati ng isa.
Hindi ko to pinansin dahil natatakot na ko at kinakabahan, pinagmasdan ko ang paligid at sobrang dilim na,walang mga ilaw, walang mga tao, kaya mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko.
"Ang ganda, pare!"nakangiting sabi ng isa habang pinagmamasdan ako.
"Ang sexy pa!Jackpot pare!"excited na sabi ng isa.
Hinawakan ako sa braso ng chinitong lalaki at agad akong pumiglas.
"Bitawan nyo ko!"sigaw ko.
"Yan yung gusto ko sa babae pare!palaban!at saka kahit anong sigaw mo walang makakarinig sayo dito!"sabi ng matangkad na lalaki.
Hinatak nila akong sa isang mas madilim na parte ng park at patuloy pa rin ako sa pamimiglas pero wala rin dahil sobrang lakas nila!
Ansakit na ng mga braso ko!Akmang tatanggalin na ng chinitong lalaki ang butones ng damit ko ng may kamay na pumigil sa kanya.
Napatingin ako kung kaninong kamay yun, nakita ko sa mga mata nya ang pagaalala at ganon na lang ang biglang pagkawala ng kaba ko ng makita ko siya dahil alam kong ligtas na ko.
"Si Yuan Gutierrez pare!"sabi ng matangkad na lalaki.
"Bakit?Palag?"maangas na sabi ni Yuan.
"Hindi. Gusto mo ba sumali samin?naka jackpot pa naman kami Yuan!Gandang babae neto ansexy pa!"sabi ng chinito
"Di ako katulad niyo, and don't you dare touch my girl!"galit na sabi ni Yuan at sinapak yung chinito.
"Girlfriend mo yan?"tanong ng matangkad na lalaki.
"Oo, pake mo?"tanong niya.
Nagulat ako ng sumagot siya ng OO, hindi ko inaasahan yun.
"Chupi!"sabi niya at agad na umalis ang dalawang lalaki.
"Girlfriend mo pala ako e."pangaasar ko.
"Sinabi ko lang yun para lubayan ka."inis na sabi niya.
Tinignan ko siya sa mga mata ang bakas pa din sa mga mata nya pagaalala.
"may pake ka pa siguro sakin, noh?"tanong ko.
"Wala."
"Eh bakit mo ko niligtas?"tanong ko.
"Kahit sinong lalaki ang makakita nun, gagawin din ang ginawa ko."sabi niya at nagiwas tingin.
"Bakit ba ang hirap aminin Yuan na nagaalala ka sakin?Na may pake ka pa sakin?Na gusto mo pa din ako?!"umiiyak na tanong ko.
"Kasi hindi naman talaga totoo."malamig na sabi niya.
"Pero diba umalis ka na?Paano mo ko naabutan dito?"naguguluhang sabi ko.
"Taga dito lang si Jackie, hinatid ko sya, nadaanan kita."sabi niya.
Nakita ko si Marian sa malayo na papalapit samin.
"Andyan na yung kaibigan mo, mauuna na ko."Sabi niya at tinalikuran ako.
"Hanggang nararamdaman ko na nagaalala ka sakin alam kong may pake ka."sabi ko kay Yuan, huminto sya at kala ko haharap siya pero nagkamali ako dahil nagpatuloy lang siya sa paglalakad.
DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT EVERY CHAPTER!THANKS FOR YOUR SUPPORT!LOVELOTS! GODBLESS!
BINABASA MO ANG
Fight For You (On-going)
RomanceLumaki si Sharina na kapos sa buhay, sanay na sya sa hirap at hindi nakukuha ang mga luho dahil sa hirap ng buhay gayunpaman lumaki syang masipag at mabait na bata. Masipag syang magaral at matalino talaga.Masaya at tahimik ang buhay ni Sharina ngun...