CHAPTER 10:THE DATE PART III

22 4 0
                                    

PS:CHECK NYO PO YUNG MEDIA AT MAKIKITA NYO PO YUNG GANDA NG LUGAR NA PINUNTAHAN NI SHARINA AT YUAN.

Pinagbuksan na niya ko at agad akong bumaba.

Pinagmasdan ko ang paligid at agad akong namangha sa ganda nito.

"yuan, ang ganda dito"namamanghang sabi ko.

"yeah, let's go Sha"Sabi niya.

Agad nya kong hinila sa may damuhan at umupo kami dun.

"Eto yung lugar na pinupuntahan ko kapag malungkot ako"nakangiting sabi niya."Pero ngayong araw na to,hindi ako pumunta sa lugar na to kasi malungkot ako"Sabi niya pa."pumunta ako sa lugar na to kasi kasama ko ngayon yung babaeng pinakamamahal ko"dagdag niya pa at tumingin sakin

Bumilis ang tibok ng puso ko at natatakot ako sa sobrang bilis ng tibok nito.

"sharina, gusto kita."sabi niya."gustong gusto"dagdag niya pa.

"May 20"sabi niya

"h-huh?"tanging sabi ko.Dahil hindi ko siya maintindihan ngunit iba ang naging sagot niya sakin.

"I love you so much sharina"seryosong sabi niya.

Dahan dahang lumapit ang mukha niya sakin, at agad na bumilis ang tibok ng puso ko.

Ginawaran niya ko ng halik sa aking labi.

Sa pamamagitan ng mga halik niya pinaramdam ang pagmamahal niya sakin

Alam ko.
Nararamdaman ko, dahil hindi naman ako manhid.

Dumating na yung pinaka kinakatakutan ko.

At alam ko na hangga't maaga pa kailangan ko nang itigil tong nararamdaman ko.

Dahil alam kong hindi kami pwede at magkalayo ang estado namin sa buhay.
Hinding hindi kami pwede.

Dahil mahirap man na aminin at sabihin alam kong sa sarili ko na unti unti na kong nahuhulog kay Yuan.

At alam kong kailangan kong pigilan to hangga't maaga pa, dahil hindi kami pwede.

Sa ilalim ng mga kumikinang na tala,
andito ako at kasama ko ang taong gusto ko pero alam kong hindi kami pwedeng magkatuluyan.

Tinapos niya ang kanyang halik at agad niya kong tinignan sa mga mata.

Masyadong seryoso ang kanyang mga mata at nakakatunaw ito.

"I'm so damn inlove with you, Sharina Jimenez"seryosong sabi niya at agad akong niyakap.

"at alam ko, ramdam ko na unti unti ka na ding nahuhulog sakin at pag tama ang hinala ko sisiguraduhin ko na hinding hindi ka na makakaahon sa pagkakahulog mo sakin"seryosong bulong niya sa aking tenga habang yakap niya ko ng sobrang higpit.

Tumayo na siya at inalalayan niya na din ako para tumayo.

"Masyado nang lumalalim ang gabi sharina, umuwi na tayo"sabi niya at hinatak na ko papunta sa sasakyan niya.

Habang nagdadrive si Yuan, nakita ko sa mga mata niya ang sobrang pagkaseryoso.

Natatakot ako sa nararamdaman ko kay Yuan, gusto kong pigilan to pero parang hindi ko kaya.

Nakarating na kami sa street ng bahay namin, agad siyang bumaba at pinagbuksan niya ko ng pinto.

Bumaba na ko at nagulat ako nang hawakan niya ang aking bewang.

"Ihahatid kita sa inyo"sabi niya.

"A-andito na tayo Y-yuan"nauutal na sabi ko.

"sa loob ng bahay nyo."seryosong sani niya.

"O-okay"sabi ko

Naglakad na kami papunta sa bahay at huminto kami sa tapat ng bahay.

"Y-yuan p-pasok ka m-muna"nauutal na sabi ko.

"Hindi na, andyan na ba si tita?"tanong niya

"w-wala sa s-sabado pa day off ni mama"sabi ko.

"oo nga pala sabado pala wala sila mommy sa bahay,so ikaw lang magisa dito sharina?"tanong niya

"Oo"sabi ko

Nakita ko ang inis sa mukha niya.Galit na naman ba siya huh?

"Okay,i-lock mo yung pinto,and goodnight sharina"sabi niya at ginawaran ako ng halik sa noo.

"s-sige"sabi ko at sinarado na ang pinto.

Sumandal ako sa likod ng pinto at agad hinawakan ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok.

Napagod ako masyado sa nangyari sa araw na to kaya umakyat na agad ako sa kwarto ko dahil sa matinding pagod at agad na nakatulog.







Fight For You (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon