Dinala ako ni Marian sa overlooking cafe at hanggang ngayon ay wala pa ring tigil ang mga luha ko sa pagbuhos.
Napakasakit ng nangyari, hindi ko inaasahan, pinalaya ko siya pero di ko kaya, gustong gusto ko siya habulin pero pagod na ko sa ngayon. Hindi ko maisip kung paano niya nagawa sakin lahat to. Hindi ko makita at mahanap ang tamang dahilan para saktan nya ko ng ganto.
Talong talo ako dahil ako lang yung nagmaha samin kaya ako lang to yung nasasaktan. Tama nga yung sabi nila na pag nagmahal ka dapat mahal lang, hindi mahal na mahal. Para pag nasaktan ka masakit lang hindi masakit na masakit.
Kaya siguro sobra akong nasasaktan ngayon, dapat pala nung una pa lang pinigilan ko na, dapat pala di na lang ako sumugal. Dapat pala hindi ko hinayaan na mahulog ako sa kanya. Dapat pala hindi ko na lang sya nakilala at minahal.
"Sha..." sabi ni Marian.
"Y-yes?"tanong ko habang umiiyak.
"Kain ka muna, lumalamig na yung pagkain mo."sabi niya
Gusto kong kumain pero wala akong gana, kaya gusto ko na lang umiyak ng umiyak.
"Sha, move on."biglang sabi ni Marian.
"Paano?kung sa bawat sandali sya lagi yung naaalala ko?"
"Paano?simple. Bitawan na ang dapat bitawan, tanggapin na ang dapat tanggapin, palayain na ang dapat palayain, kalimutan na ang dapat kalimutan, dahil bakit ka pa lalaban kung yung pinaglalaban mo may mahal ng iba?"sabi niya.
Tama. Bakit nga ko lalaban?Dahil mahal ko si Yuan. Kahit masakit Yuan, lalaban pa din ako, hindi ko maisip na pinalaya kita kanina, hindi ko matanggap na ganon lang kita kabilis binitawan kanina. I'm sorry Yuan, kahit ayaw mo na sakin, paglalaban pa din kita, lalo na nararamdaman ko na mahal mo pa din ako.
"I can't. Gusto ko siyang habulin Marian!nabigla lang ako sa sinabi ko kanina!hindi yun totoo!mageexplain ako sa kanya!"sabi ko.
"Wag ka ngang tanga!Ang gandang babae pero napakatanga!"inis na sabi niya.
"Okay lang maging tanga, basta si Yuan ang dahilan."umiiyak na sabi ko.
"tumigil ka nga sha!bitawan mo na yon!"inis na sabi niya.
"Kung kaya ko lang eh, pero hindi."sabi ko at umiyak.
"Kaya mo. Ayaw mo lang subukan. Wag masyadong maging tanga sha, dahil baka isang araw magulat ka na lang na yung mga bagay na takot kang bitawan noon, wala ka ng pake ngayon."makahulugang sabi niya.
"Bakit kailangan nating masaktan kapag nagmamahal?hindi ba pwedeng magmahal na lang tayo ng hindi nasasaktan?"tanong ko.
"Love?There's pain, sadness, and rejection. You don't live in a dream."sabi niya at uminom sya ng kape.
Humigop muna ako ng pake at pinunasan ko ang luha ko.
Tama.Kakambal nga ng pagmamahal ang sakit dahil ako mismo ay nararanasan yun ngayon.
"Pero bakit lagi na lang ako sinasaktan?"tanong ko.
"Simple. Because you expect that love in a dream. That true love that exist way back 1890's. It's 2020 sha, wala ng matinong lalaki."sabi niya.
"ang sakit sakit na, ang hirap hirap na. Nakakapagod din palang magmahal noh?"umiiyak na sabi ko.
"Sobra. Pero dahil sa pagmamahal natin sa tao okay lang na mapagod tayo kaya di na natin napapansin na nauubos na tayo."nakangiti man pero bakas sa mukha nya ang lungkot.
"Marian, tulungan mo ko pls, gusto kong bumalik si Yuan, di ko kaya na wala sya."umiiyak na sabi ko.
"Huwag na huwag mong pipilitin na bumalik yung mga taong pinili ka lang saktan at iwan."sabi niya. "Duh, maganda tayo di dapat tayo naghahabol dapat tayo yung hinahabol."maarteng sabi niya.
"sanaol hinahabol, sanaol minamahal, sanaol hindi sinasaktan, sanaol pinipili."malungkot na sabi ko.
"Pinili ka naman ah."sabi ni Marian.
"duh, hindi nga ako pinili!nakita mo naman diba Jackie pa din amp!"sabi ko.
"hindi kase yun yung ibig kong sabihin."sabi niya.
"Eh ano?"inis na sabi ko.
"Sa part na pinili kang iwan at saktan."sabi niya at nagpeace sign.
Di naman masakit, promise, di talaga. Sobra lang, sobrang sakit.
"Ansakit mo magsalita!"inis na sabi ko.
"Mas okay na yun, para magising ka naman sa katotohanan na hindi na ikaw!"maarteng sabi niya.
Magising sa katotohanan?Paano yun?Kung sya talaga yung gusto ko?Kahit hindi na ako yung gusto niya.
"Alam mo sha, Nung una ko kayong nakita ni Yuan, Nakita ko kay Yuan na parang mahal na mahal ka nya. Kaya akala ko di ka nya iiwan at di ka nya sasaktan."biglang sabi niya.
Magsasalita na sana siya pero naunahan ko siya.
"Akala ko din eh."sabi ko at ayan na naman ang mga luha kong naguunahang tumulo.
"hayaan mo na lang, ngitian mo na lang yan, problema lang yan, balang araw tatawanan mo na lang yang kagagahan mo!"sabi niya at niyakap ako.
"Tara na nga!Umuwi na tayo."sabi niya at hinatak ako palabas sa cafe na yon at hinatid sa bahay.
Sa sobrang pagod at sakit na nararamdaman ko, di ko namalayan na nakatulog na pala ako.
DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT EVERY CHAPTER! THANKS FOR YOUR SUPPORT!LOVELOTS!GODBLESS YOU!
BINABASA MO ANG
Fight For You (On-going)
RomanceLumaki si Sharina na kapos sa buhay, sanay na sya sa hirap at hindi nakukuha ang mga luho dahil sa hirap ng buhay gayunpaman lumaki syang masipag at mabait na bata. Masipag syang magaral at matalino talaga.Masaya at tahimik ang buhay ni Sharina ngun...