Chapter 2: New Friend

20.3K 503 14
                                    

Maddy's POV

KRING!!!

Shoot! I forgot na ngayon na pala kami aalis nila Zarah. It is 5:32 AM na. Mamayang onti pa naman ang alis namin. Nakita kong tulog pa si Zarah kaya nakaisip ako ng plano. Mahirap kayang gisingin to. Tulog-mantika siya lalo na kapag malamig ang silid dahil naka-aircon kami kagabi kaya alam ko na ang mangyayari ngayon.

Pumunta ako sa kusina at kumuha ng whip cream. Dipa gising sila mama kaya ako at si Yaya Bea palang ang gising. Siya ang mayordoma namin at ang pinaka-pinagkakatiwalaan nina mama at papa. Mabait siya at wala kang makikitang kahina-hinala sa kanya.

So back to my room, nakita kong nakalaglag ang isa nitong kamay sa kama. Magandang pagkakataon ito! Ano kaya ang reaksyon niya sa gagawin ko? Talaga bang gising na siya? Wag ko na ngang kwestyunin!

Nilagyan ko ng makapal na whip cream ang kamay niya at kiniliti ang mukha niya dahil alam kong ayun ang weakest part niya lalo na sa kanyang mga mata.

Ako ay natatawa habang kinikiliti ang mukha niya ng feather. Medyo naiirita siya dahil malikot na ang galaw ng mukha niya. Gumalaw kamay niya but.......

SINAMPAL NIYA SAAKIN YUNG KAMAY NA MAY WHIP CREAM! Hindi ko nakita yun! Kung alam ko lang na gising siya ay hindi ko na sana sinayang pa ang oras ko!

I saw her laughing. Yes, she is awake all the time. Napansin niya pala ako. Mundo! Unfair mo naman saakin!

"Sorry bessy! Kala mo na mapraprank moko?! In your dreams! Kanina pa ako gising nung nag-alarm pero pumikit ako hanggat naramdaman ko ang whip cream sa kamay ko. So just saying. KARMA IS A BITCH! hahahahaha" tawang-tawa niyang sabi. Funny! Inirapan ko siya at dumeretso sa banyo para maligo.

After 10 minutes, i went to my walk-in closet and pick my outfit. Simpleng see-through na dress at may sling bag na gold.

So sabi kasi ni Zarah na trending yan sa Magica Academy. Ginagamit nila ito bilang simbolo na may mahika kapag transferee ka sa school nila para makilala kung simo ang bago g mga estudyante mula sa mga hindi. Medyo cute siya dahil may parang sando bra but pang outing talaga siya. It is cute, i admit it.

So paglabas ko, tumawa ako nung makita na may tubig mukha niya dahil pagbukas ko ng pinto, may hawak siya  na baso na may tubig kaya natamaan ko siya at tumapon sa kanya yun! Napatawa ako ng malakas dahil sa katangahan na nagawa ko at nagawa rin naman niya. Tumawa siya bitterly at pumasok ng banyo.

Bumaba ako at nakatingin saakin si mom and dad ng gulat. May dirt ba sa mukha ko?

"Goodmorning anak! Super ganda mo naman! Bagay sayo iyan!" Sabi ni mom. Ngumiti ako at niyakap siya.

"Magpalit ka nga! May boys sa academy na yun! Baka pagtripan ka!" Protective na sabi ni dad. Masyadong protective naman si dad! Tumawa kami ni mommy. I gave him a kiss at his cheek.

"Hon! Ok na yan, Maddy! Bagay naman sa kanya yan eh! Trendy kasi yan dun! Alam mo naman na fashionista yang anak natin! Andyan naman si Zarah para protektahan siya eh!" Pagtatanggol ni mom saakin. Tumango nalang si daddy.

"Hindi naman ako fashionista eh mommy!" Maktol ko at umupo sa tabi niya. She laughed at me.

"Still! Your like my fashion star!" Sabi niya kaya napangiti ako at nagsimula na kaming kumain mg almusal.

Kumakain kami ng dumating si Zarah. Holy carabao! Super cute na!!! Naka red na above the knee dress siya. May ribbon sa likod at high heels! Kabog ako sa kanya!

"Bakit ganyan sout mo!?" Tanong ko sa kanya. She just smiled at me.

"Bakit ba? Prinsesa ako kaya kailangan kong maging maganda! Lalo na sa Bryan ko. Siya pala ang matagal ko ng topic sa iyo! Crush ko yun eh!" Namumula pa siya! Kung ako sa kanya ay mahihiya ako sa pag-amin niya at nasa tapat pa ng mga magulang ko!

Lost Princess: Madison Emerald (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon