Chapter 75: That's Not Her

8.5K 212 0
                                    

Third Person's POV in Darklo Kingdom

Nagulat ang Dark King nung makita na dala ni Derick ang kanilang matagal ng hinahanap na si Princess Azelleah Emerald Smith. Noong una ay hindi siya makapaniwala pero ngayon ay naniniwala na siya.

"Anak, anong gusto mong gawin sa kanya?" Sabi ni Dark King kay Derick. Nakatingin lamang si Derick kay Azelleah at hinahaplos ang mukha neto.

"Gusto ko siyang gawin na gaya nating mga darkian. Magiging kahinaan nila si Leah kung nagkataon" sabi ni Derick.

"Magaling ang naisip mo! Denio! Gawin ang sinabi ni Derick" utos ni Dark King kay Denio. Si Denio ay isang chemist at malakas na Scientist sa buong Darklo Kingdom kaya malakas siya kay Dark King.

Pumunta si Denio sa harap ni Emerald. Tinanggal ni Derick ang cloak ni Emerald at hinalikan ito sa noo bago ito lumayo ng kaunti.

May nilabas na injection si Denio na may pula at itim na likido at tinurok ito kay Emerald. Ilang minuto lang ay nangisay si Emerald.

Nung nangisay si Emerald ay pinasok siya ni Denio sa isang crystal bed at kinulong ito. Nagkaroon ng usok sa loob ng crystal at ilang minuto ay nawala ang usok.

Nakita nila ang bagong Azelleah. Siya ay may itim na buhok na may pulang highlights . Dumilat ito at pulang mga mata ang tumambad sa kanila. Nakakalunod ang mga titig na pumupukaw sa kanila.

"Nagawa natin. Isa na siya saatin" sabi ni Denio sa mag-ama.

"Magaling. Ilabas mo siya" sabi ni Derick at excited na lumapit kay Azelleah.

Nilabas ni Denio si Azelleah. Inalalayan naman nila ito sa kwarto ni Azelleah na kwarto ni Derick.

"Sino kayo at sino ako?" Sabi ni Azelleah. Natuwa naman silang tatlo sa tanong ng dalaga.

"Ikaw si Leah. Ikaw ang aking asawa." Sabi ni Derick at hinalikan sa labi si Leah. Nagulat man si Leah ay gumanti nalang rin siya ng halik.

"Siya ang aking ama at siya ang kanang-kamay ni ama" sabi ni Derick at tinuro si Dark King at si Denio.

"Kayo ang pamilya ko?" Sabi ni Leah. Tumango silang tatlo. Niyakap sila ni Leah at napangisi silang tatlo.

Hindi na siya ang dating Leah kundi ang masamang Leah. Mababalik pa kaya siya sa dati?

Aria's POV

Kaya pala hindi agad lumabas ng kwarto si Maddy dahil kinuha na pala siya ni Derick. Sobrang kinasusuklaman ko si Derick dahil kinuha niya si Madison.

Si Madison or si Azelleah ang nagparamdam saakin na minamahal ako at dapat na galangin. Isa siya sa nagpakita ng halaga saakin kaya pinapahalagahan ko siya.

"Sobrang lalim ata ng iniisip mo?" Sabi ng kadarating na si Earl. Medyo close na kasi kami eh.

"Yeah. Tungkol kay Maddy if your gonna ask" sabi ko naman. Kaming dalawa lang dito sa library dahil medyo nagbe-brainstorm ako ng tungkol sa powers ko. I need to enhance it for our sake.

"We will get her. May training daw tayo ngayon bago sumugod sa Darklo Kingdom mamayang gabi" sabi ni Earl saakin. Tumango ako at tumayo na.

Mamayang gabi kami susugod sa Darklo Kingdom dahil hindi na makapaghintay si Ace ganun din kami. Inayos ko na ang mga gamit ko at lumabas na ng library.

Pagkarating namin sa training ground ay nandun na silang lahat at kami na lang ata ang hinihintay nila.

"Your late" sabi ni Ace sa harap namin. Nakakagulat naman siya! Wala bang hi or hello man lang?

Lost Princess: Madison Emerald (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon