Chapter 8: Fun

13.4K 412 4
                                    

Maddy's POV

Bumalik na ang royalties sa dorm nila kaninang umaga dahil may pasok pa. Today is Thursday at bukas na ang aquaintance party for transferees.

Nandito ako ngayon sa kwarto at nagbibihis. Naka-red ako ngayon dahil feel ko may mangyayaring maganda ngayon. Ganon ako. Depende sa mood ko ang gusto kong suotin.

Lumabas na ako at nakita ko si Val na nagtatali ng buhok. Pagtitripan nanaman niya siguro ang buhok ko dahil nakalugay.

"Pwede ba kitang ipitan?" Nagniningning ang mata niyang tanong saakin.

"May choice paba ako? Sige na!" Sabi ko at pinaupo niya ako. Maaga panaman eh. Anyways, may mga dress na kami sa bawat dorm. Automatic kasi nagkakaroon ng dress kapag party depende nalang kung gusto mong bumili.

Talagang kinulot niya ang aking buhok. Pwede na siyang maging hair artist kapag nasa mortal world siya.

Lumabas na kami. Lahat ng mata ay nasa amin---este saakin lang pala. Baka ngayon lang sila nakakita ng diyosa na tulad ko.

"Daming tumitingin sayo noh?" Biglang sulpot ni Wendy na ikinagulat ko.

"Hehe baka naman sa iba yan nakatingin! At wag ka ngang nanggugulat!" Sabi ko. Tumawa naman siya. Dumeretso na kami ni Val sa room namin. Si Wendy naman ay sa Superiors naman pumunta.

Habang nagkwekwentuhan kami ni Val ay sumulpot bigla si Yue. Bakit ba ang hilig nilang manggulat?!

"Hi! Bukas na pala ang party neh?" Tanong ni Yue at umupo sa tabi ko. Yieee! Beke nemen? Char! Wag kang maglandi Maddy!

"Ah oo!" Sabi ni Val. Halata kasing gusto niya si Yue kaya magpaparaya ako. Andyan naman sila papa Ace at Damon. Wait what!? No! Erase that! Hayst!!!!

"Anyways may partner ka na, Yue?" Tanong ni Val.

"Ah..eh... Wala pa! Pero kung gusto mo tayo partner?" Aya sa kanya ni Yue! Wahhh!

"KYAHHHHH! SIGE NA BESSIIIEEE!!!" sigaw ko kaya napatingin saamin ang mga kaklase namin. Napayuko naman kami ni Val sa hiya.

"Oh sige!" Sabi ni Val at ngumiti ng matamis. Ayieee!!!

"Congratulations!! Kailan ang kasal?!" Excited na tanong ko.

"Wah! Bessy naman eh! Wala kalang kasing partner!" Pagpapangaya niya. Tama bang ilampaso sa mismong mukha ko na WALA AKONG PARTNER!? Kung di lang kita mahal baka nakita mo na nasa heaven ka na! Tsk!

Dumating na si prof. kaya pumunta na kami sa proper seats namin.

"We are going to discuss about the history of Magical World! Open your books on pages 345-356." Sabi ni prof. This looks exciting! May automatic na book kami pag pumasok ang subject teacher namin depende sa subject nila.

"Magical World was divided into 6 kingdoms. The Fire Kingdom, Water Kingdom, Air Kingdom, Earth Kingdom, Magicia Kingdom and Darklo Kingdom. Ang pinakamalakas ay ang Magicia Kingdom kung saan mula ang nawawalang prinsesa na si Princess Azelleah Emerald Smith. Siya ang pinakamakapangyarihang nilalang dito sa Magical World. Siya ang itinakda na tatapos sa kasamaan. Hawak niya lahat ng kapangyarihan maliban sa dark powers."

"Ipinanganak ang prinsesa noong December 10 at doon din napunta ang prinsesa sa mortal world. Pinapatuloy parin ang paghahanap sa kanya dahil kapag nahanap na siya ng Darklo Kingdom ay matatalo tayo sa digmaan."

"Si Prince Niccolo Ace Firio at si Princess Azelleah Emerald Smith ay nakatakda sa isa't isa at sila dapat ang magkatuluyan bandang huli."

"Class dismissed! Maaga ang uwian para yung iba ay mapaghandaan ang party para bukas." Sabi ni prof at umalis.

Lost Princess: Madison Emerald (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon