Chapter 58: His Remedy- Part 2

9.6K 258 7
                                    

Zarah's POV

Kasalukuyan kaming nasa Forbidden Forest dahil ito ang first destination na papunta sa Harper's Valley. Pagkalabas mo ng forbidden forest ay may makikita kang sign na left or right at piliin mo ang left.

Medyo matagal ang pagbabyahe dahil medyo tago ang lugar na ito. Super laki ng Magical World at parang buong Earth na ito kung tatansyahin.

"May nagmamasid" sabi ni Ella kaya napahinto kami sa paglalakad. Magaling siyang kumilatis ng darkian dahil earth ang power niya. She can easily feel the beat if every mive basta nasa ibabaw ng lupa.

"Darkian ba?" Tanong ko pero bulong lang dahil baka malaman nila o niya na alam namin na nagmamasid siya.

"Oo. Kaya stay close. Tatlo sila at mababa lang ang rank" sabi ni Ella. Isa si Ella sa magaling sa pag-sense sa surrounding kaya kailangan namin siya sa mission lagi and besides, she is a princess.

"Dark Mist" rinig naming sambit ng isa sa darkians.

"Air Protector" sabi ko para mawala agad ang mist dahil baka mamatay kami di oras.

"Magaling. Pero your princess is missing. Whaahhaah!!!" Sabi niya. Lumitaw sa harap namin ang tatlo sa kanila.

"Earth Scale" sabi ni Ella. Lumindol ng malakas pero sa palibot lang naming magkakalaban at bumaon ang tatlo sa lupa.

"Dark Extract" sabi ng isa at tumalsik kami sa puno. Napaubo ako ng dugo pero kakayanin ko dahil saamin nakasalalay ang buong kaligtasan ng mga lightians.

"Masakit ba?" Tanong nila saamin ni Ella. Nainis naman ako sa kanila.

"Hindi naman. Ito ang mas masakit" sabi ko. Sinenyasan ko si Ella na sabay kaming tumira.

"Earth Balls"

"Air Shaker"

Sabi namin at tumalsik sila sa malapit na pader. Medyo madilim pa dahil hindi pa sumisikat ang araw ng masyado pero malapit na.

Nagulat ako dahil patay na ang dalawa sa kasama niya. Well, what do you expect sa mga low rank darkians? They are weak and they will always be. Wala silang karapatan na mabuhay pa. They are ruthless creatures.

"You killed my parents! I will kill you" sabi niya saamin. Nag-summon siya ng dark sword.

"Parents mo pala sila. They are weak so are you" pang-iinis ni Ella sa babae na iyon.

"Argh! I will kill you!" Sabi niya saamin. Tinapunan niya kami ng dark balls. Nadaplisan si Ella sa pisngi at ako naman ay sa binti. Hindi naman masakit dahil daplis lang naman.

"Lets see how strong you are" sabi ko. Ngumisi kami ni Ella. She knew what i mean.

"Air Whip"

"Earth Bow and Arrow"

Nilabas na namin ang aming weapons dahil we will save our powers para sa giants na nasa Harper's Valley. Medyo nanginginig na siya sa takot pero she is tough. I like her attitude but too bad, isa siya sa kampon kung bakit namatay si Wendy at Madison. Ayaw kong umiyak dahil iisipin niya na weak ako.

"Lets settle this" sabi niya at tumakbo saamin.

Sinipa niya ako sa binti kay napaluhod ako. Buti nalang na ginamit ko na ang whip ko kaya nahampas ko siya sa binti. Super sakit nun kaya natumba siya. Dumugo agad iyon dahil this whip us made out of lightning and air blades.

"You think you can handle the two princesses in your own way?" Sarcastic na sabi ko.

"Wala akong pake kung prinsesa kayo basta't mapaghiganti ko ang mga magulang ko" sabi niya.

Lost Princess: Madison Emerald (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon