Chapter 14: First Reliable Mission

11.5K 321 2
                                    

Maddy's POV

I am here at the kitchen and eating my macaroni spaghetti that is just a noodle. It is baked mac to be exact! Masarap naman eh at type ko ang lasa

"Good morning!" Bati saakin ni Val at naghihikab pa pero halatang excited dahil sa ngiti niya.

"Morning! Ano yang bitbit ko?" Sabi ko nang mapansin ko ang paper bag na dala niya.

"Mga make-ups yan! Binili ko kahapon pero di ko bet kaya sayo nalang! Marami naman yan eh." Sabi jiya at inabot saakin. Tinignan ko ang laman at super daming pampaganda.

"Thank you Val!" Sabi ko at niyakap siya. Niyakap niya din ako.

"Maligo ka na dahil aalis na tayo mamaya!" Sabi niya. Tumango ako at nagpunta sa banyo. Sana gumana ang aking mahika mamaya sa teleportation kung kakayanin.

Pink ang trip kong isuot ngayon dahil full of hope ako para sa birthday ko na sana ay masaya. Sana gumana ang magic naming lahat. Bawal kasing magteleport dito sa Academy papuntang Suera Village.

"Tara na!" Aya ko at lumabas sa kwarto. Nakatulala siya saakin.

"Fudge! Bakit angganda mo!?" Sigaw niya. Naka violet with gold highlights siyang cloak at light make-up. Para kay Yue ba yan?

"Shit! Oo na! Diyosa na ako!" Sabi ko sabay hair flip dahil di ko pa nilalagay ang hoodie ko.

"Hangin bess! Liliparin na ako!" Sabi niya at nag-action pa kaya nainis ako pero joke lang naman yun! Masyadong malaki ang tama nito.... Lalo na sa mahal niyang si Yue.

"Ede hanginin ka diyan! Pake ko ba!?" Sabi ko at umalis ng dorm. Sinuot ko ang hoodie and backpack ko. Hinabol niya ako sabay hawak sa mga bag niya at pagtaas ng hoodie niya.

"Charot lang bes! Maganda ka naman talaga eh!" Sabi niya. Uto-uto talaga.

"Your forgiven! Ayos lang na ang mukha ko ang pinag-uusapan kaysa naman si ice cream ko!" Sabi ko. Tumawa siya ng malakas. Hay naku!

"Tumahimik ka nga Val! May natutulog pa eh!" Sabi ko. Tumigil naman siya at pumunta na kami sa gate ng academy. Wala pa sila dahil 3:56 AM palang.

Umupo kami ni Val sa damuhan at tiningnan ang mga bituwin. Kay ganda at dama mo pa ang simoyng hangin yung malamig ah!

"Ganda noh?" Tanong ni Val habang nakatingin sa taas.

"Oo nga eh. No wonder na magandang place ang Magical World." Sabi ko.

"Asan kaya tunay kong parents neh?" Sabi ko. Tumingin siya saakin at niyakap ako.

"Wag kang mag-alala dahil mahahanap mo din sila. Hindi pa ngayon pero sa susunod. Laging itatak sa isip mo na madaming nandito para sayo!" Sabi niya at niyakap ako. Niyakap ko din siya pabalik.

"Thank you, Valentine. Without your help i will feel empty!" Sabi ko. Niyakap niya ako.

"Just follow what your heart desires, Maddy" sabi niya at nginitian ako. Tumayo siya sa gitna ng garden. Garden kasi ang harap ng gate ng academy.

"Watch" sabi niya. Humarap ako sa kanya. Naglabas siya ng poison ball at naging crystal ito. Tinignan ko ang crystal.

Sa crystal, makikita mo ang mga ala-ala ko na kasama ko ang royalties. Biglang nawasak ang crystal. Binigay niya saakin ang isa na mukhang diamond

"Ang crystal na iyan ang magbibigay sayo ng magagandang ala-ala kapag malungkot ka at wala kami. Ginawa ko ang spell na yan dahil may telekinesis din ako." Sabi niya at kumuha ng isang string na gawa sa poison string but safe at sinabit sa crystal at isinabit sa leeg ko.

Naging kwintas ang crystal. Niyakap ko si Val.

"Maraming salamat,Val." Sabi ko. Niyakap niya din ako.

"Ehem!" Tikhim ni Zarah. Hay naku! Nagseselos ito! Makatingin saamin, wagas!

"Uhmm... Hi guys!" Bati ko. Binati din nila ako maliban kay Ace, Damon at Zarah

"Hi Zarah!" Sabi ko. Nilayasan niya lang ako. Hay naku!

"Dont mind her!" Sabi ni Jannah saakin. Ganun kasi talaga siya kapag nagseselos sa kaibigan or crush. Mapagmahal lang talaga siya. Sana all talaga!

"Tara na! Try natin gamitin ang teleportation para di tayo abutin ng 2 weeks lang. Maghanda kayo dahil kailangan ng malakas na enerhiya." Makabuluhang sabi ni Elya.

We hold each others hands together. Hawak ko ngayon ang kamay ni Damon at Ace. De bale sa gitna nila ako. Gosh! Focus, Maddy!

Ibinigay ko ang aking buong lakas at nakapagteleport kami! Yehey! Nanghihina ako! Naramdaman ko naman na may bumuhat saakin at si Ace yun bago ako himatayin.

Ace's POV

Kinarga ko si Maddy ng bridal style dahil nahimatay siya. Siguro siya ang nagbigay ng napakalakas na enerhiya kapag dating sa teleportation spell. I felt it at sa kanya galing yun. Ganun na ba niya kagusto na matapos ang mission namin? Buti nga pinayagan kaming mag-teleport pero sayang sa lakas.

Pumunta kami kung saan nabibili ang scroll. Nabili na namin ito. Magpapahinga muna kami dito ng 1 araw para marestore ang energy na nawala saamin.

Nagcheck-in kami sa isang Earth Hotel kung saan parang dorm lang ng mortal world. Lets say adaptation ito dahil dito naninirahan ang mga galing sa mortal world pero iba si Maddy.

"Bakit ba inubos niya ang enerhiya niya?" Inis na tanong ni Zarah na halatang nag-aalala.

"Uhmm.. birthday niya kasi sa December 10 remember? Gusto niyang magcelebrate agad para hindi abutin ng mission kung sakaling matatagalan." singit ni Val.

"Oh right! Im sorry Maddy! I forgot!" Sabi ni Zarah at pinuntahan ako dahil karga ko ito papuntang hotel room.

Ang hotel na ito ay may katabing dagat kung saan pwede kang lumangoy pero maximum na oras ay 7 hours lamang. Bawal night swimming.

Nilapag ko na si Maddy sa higaan niya st pumunta sa kusina para mag-lunch. 5 hours na pala kaming nandito. I forgot, kapag ginamit ni Maddy ng lubusan powers niya ay nanghihina na ang puso niya kaya kailangan niya laging magpahinga para hindi agad siya mapagod at manghina.

"Thanks sa pagbubuhat kay Maddy" tumabi saakin si Zarah.

"Bakit mo ba siya iniiwasan?" Sagot ko.

"Nagseselos ako dahil baka di na ako ang bestfriend niya..." Sabi niya at kumuha ng cereal sa bag niya.

"Hindi mangyayari yun dahil matagal na kayong magkakilala" sabi ko.

"Thanks sa pagpapagaan ng feelings ko" sabi niya. Tumango ako. Bukas na kami uuwi dahil it is too early to finish the mission. Baka di pa magising si Maddy dahil sobrang daming enerhiya ang inubos niya.

Kapag naglakad naman kami, aabutan si Maddy ng birthday niya na something special. Ok na yan.... Bored ako dito sa hotel eh.

Sino kaba talaga Maddy?

You are giving me lots of questions that make my brain gone wrong.

Lost Princess: Madison Emerald (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon