Chapter 26: Magic Festival- Day 1

10K 278 3
                                    

Maddy's POV

Kakagising ko lang ngayong 3:56 AM dahil kinakabahan ako dahil ngayon na kami kakanta pero alam ko na magagawa namin yun. May tiwala ako sa aming dalawa ni Ace na magagawa namin iyon. Hindi ko nga alam kung kakanta siya sa maraming tao pero I hope so.

Nagpunta ako sa kusina at nagluto ng breakfast namin. Nag-grocery na kasi si Val at super duper daming binili! Magkano kaya nagastos ng babaeng yun? May kasama pang nutella na malaki. Hindi talaga siya mauubusan nun.

Nagluto ako ng spaghetti na kasya lang para saamin ni Val. Nagtimpla ako ng gatas, for my tummy. Kapag sumasakit kasi tyan ko, gatas ang iniinom ko. Kapag wala ako sa mood ay coffee naman minsan.

"Good morning!" Sabi ni Val na bagong gising lang. Halata kasi eh dahil pupungay-pungay pa.

"Aga mo ata?" Tanong ko sa kanya.

"Syempre! Kakanta tayo eh!" Sabi niya. So same pala kami. Paranoid nga naman kami dahil sa aga namin.

"I cooked spaghetti. Hope you like it!" Sabi ko. Kumuha siya neto at kinain.

"Wahh! Sarap! Walang makakatalo sayo!" Sabi niya saakin. Natuwa naman ako sa sinabi niya.

"I know right!" Sabi ko. Nahanginan ata. Nabilaukan eh. Buti nalang at may tubig sa gilid niya kaya nakainom siya.

"Hangin! Nakasara ba yunh bintana?" Tanong niya habang may hangin talaga na acting!

"Nakasara! Kaya wag kang overreacting!" Sabi ko. Kumain narin ako.

"You know?" Hindi niya na natuloy sasabihin niya nang sumabat ako.

"Ay! Hindi ko pa alam!" Sabi ko. Tinignan niya ako ng masama kaya napatahimik ako ng di oras.

"As i was saying, bagay kayo ni Ace!" Sabi niya. Nabulunan ako sa sinabi niya. Kumuha agad siya ng tubig at pinainom saakin. Bumalik ata saakin yung nangyari sa kanya.

"Putek ka! Akala ko pa naman kung ano! Magtigil-tigil ka nga!" Sabi ko. Bakit ba maraming nagsasabi na bagay kami? Hindi nga kami bagay dahil sila ni Princess Azelleahang bagay sa isa't isa!

"Gusto mo naman eh!" Sabi niya. Binatukan ko siya kaya napahawak siya sa batok niya. Deserves her in no time!

"Maliligo na ako!" Sabi ko at pasok sa kwarto ko at nagtungo sa banyo. 5:42 AM na. Ang simula ng Magic Festival ay 6:30 AM kasi may parade pa.

Nagsuot ako ng maganda na babagay sa kanta namin. Isang white na cocktail dress na may blue na petals na designs. Super ganda at may free flower crown pa kaya sulit naman.

Nagmake-up ako kahit konti lang. Magpapa-ipit ako kay Val kahit naiinis ako sa kanya. Love ko naman siya eh kaya ayos lang.

"Valentine! Pwede paipit?" Nag-puppy eyes pa ako para mapapayag siya. Sana gumana! Sana! Sana!

"Sige tara dito ka sa kwarto ko!" Sabi niya. Pinaupo niya ako sa vanity niya. Maganda din siya! Natural lang!

"Im done!" Sabi niya. "Pasok muna ako cr neh!" Sabi niya pa. Tumango ako at humarap sa salamin. Halos masampal ko na yung sarili ko sa harap ng salamin.

Wait-- is that me? I cant believe it! Ang ganda ko! Bagay saakin ang hairstyle and make-up ko at ang lovely na damit ko!

Lumabas nako sa kwarto niya at nagsuot ng sandals. Shit! 6:21 AM na! Baka ma-late ako! Correction! Kami pala ni Valentine!

"Valentine! Male-late na tayo!!!" Sigaw ko. Nakita ko siyang mag-suot ng sandals niya at kumaripas ng takbo papunta saakin.

"Tara na!" Sabi ni at lumabas na kami. Tumingin kami sa baba ng dorm at super daming estudyante na ang nandoon. Kami nalang ata wala eh. Buti nalang at nakarating kami ng sakto sa oras.

Lost Princess: Madison Emerald (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon