Maddy's POV
Apat na araw na ang nakalipas mula noong birthday ko. Nagtataka parin ako dahil hindi ko nakita sila mom and dad noong birthday ko. Nalulungkot ako dahil hindi ako sanay na wala sila sa kaarawan ko. Ano kaya ang nangyari at bakit hindi sila nakapunta sa birthday ko?
Nandito kami ngayon sa classroom. Math ang subject namin and I am very bored. Gusto ko kasi power class eh para ma-train ko ng maayos ang abilities and powers ko.
"Ms. Sanchez.. please answer this on the board" sabi ni prof. Napatayo ako. Di pa naman ako nakikinig. Lamunin na sana ako ng lupa kung hindi ko masasagot ito.
Kinuha ko ang chalk ko at nagsagot. Sa totoo lang nalesson na namin ito sa mortal world kaya alam ko na. Kinabahan lang talaga ako at baka hindi ko alam ang ipinapasagot saakin.
"Impressive. Akala ko di ka nakikinig eh" sabi ni prof at nagpatuloy sa discussion. Akala niya lang yun. Advance pa naman ako nag-aral.
Bumalik ako sa pwesto ko at tumingin sa bintana. Sa tabi kasi ako ng bintana tapos ni Wendy katabi ko tapos katabi ni Wendy si Val.
"Kawawa ka naman. Patay na ang mga umampon sayo"
Sino yun? Pa-patay? Sina mom and dad? Shut up! Wag kang maniniwala dyan! Hindi totoo ang naririnig ko ngayon. Tell me!
"Whahaha! Malapit na prinsesa"
Sabi ulit. Shit! Kinakabahan tuloy ako. Don't listen to that voice because it is not true!
"Ayos ka lang?" Tanong saakin ni Wendy. Naramdaman ko na pinagpapawisan na pala ako.
"Ah.. oo naman!" Sabi ko.
Nag-ring na ang bell na ikinatuwa ko. Freshen your mind Maddy! Relax! Walang nangyaring masama ok! Buhay mom and dad ko kaya be happy. Nanginginig parin ako kaya tumayo na ako ng maayos at tuwid.
Lumabas ako at nauna sa kanila. Dumeretso ako sa cafeteria. Gusto ko munang mapag-isa. Ewan ko pero iba ang tibok ng puso ko ngayon.
"Isa nga pong blueberry cake slice at lasagna at coke" sabi ko sa counter. Inabot niya saakin order ko. Muntik ko ng matapon yung mga pagkain ko dahil grabe na ang panginginig ng kamay ko. I decided to use my earth power para dalhin sa garden ang pagkain ko.
Napag-isipan ko na sa garden na ako kakain dahil may mga tables and chairs naman dun. Umupo ako sa table na malapit sa puno para di maiinit. Sarap talaga ng blueberries!
Tapos na akong kumain nang may tumabi saakin. Si.... Xander!?
"Anong ginagawa mo dito?" Biglang tanong ko.
"Tapos na mission ko for three months kaya heto... Bumalik na ako dito" sabi niya at kinuha ang fries niya at sinubo.
"Bakit dito ka? Pwede naman sa cafeteria ah?" Tanong ko. Gusto ko munang mapag-isa.
"Nakita kita dito na mag-isa kaya sinamahan na kita. Kawawa ka naman eh" pang-aasar niya.
"Loko ka!" Sabi ko. Nilabas ko ang earth spear ko at tinutok sa kanya.
"Eto naman, di mabiro!" Sabi niya. Nga pala thunder mage siya.
"Tsk! Bahala ka dyan!" Sabi ko at tumayo na.
"Wag kang umalis!" Sabi niya at nag-puppy eyes. Aba loko to ah!
"Ms. Sanchez. Please proceed to the Academy's Hospital" sabi ni HM. Ano kaya yun? Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko. Kinabahan ulit ako at bumilis ang tibok ng puso ko.
"Mauna na ako Xander ah!" Sabi ko at kumaway.
"Sige! Sa susunod ulit!" Sabi niya.
Pumunta ako sa hospital at nakita si HM at ang RS, Si Val, Wendy at Yue. Kinakabahan ako nung nakita ko ang mugtong mata ni HM at Zarah.
BINABASA MO ANG
Lost Princess: Madison Emerald (Completed)
FantezieAnong mundo nga ba ang kinabibilangan talaga ng isang Madison Emerald Sanchez? Ang mundong kanyang kinalakihan o ang mundo kung saan talaga siya nagmula? Dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay napadpad si Maddy sa lugar kung saan namulat siya sa ka...