Chapter 25: Friendship Bond

10.1K 272 1
                                    

Maddy' POV

Wala kaming pasok ngayong Wednesday dahil nagpe-prepare para bukas sa Magic Festival. Tapos na ang praktis namin ni Ace at maayos na.

"Boring!!!" Sigaw ni Val. Nandito kami ngayon sa dorm at walang magawa. Bawal na daw kasing magpraktis para mapahinga kami para bukas.

"Ano kayang pwedeng gawin?" Tanong ko. Kumuha ako ng libro at nagbasa. Si Valentine naman ay nanunuod ng tv.

Biglang bumukas ang pinto at napakalakas ng kalabog kaya nabitawan ko ang libro na hawak ko at si Val naman ay natapon ang hawak niyang tubig. Sino ba yun?!

Pagtingin namin ay ang RS, Wendy, Yue, at si Kiara. Si Xander ay bumalik na sa village nila at doon nalang daw ipagpapatuloy ang studies niya. Nakakamiss din naman ang lalaking yun!

"Your reactions are so priceless!" Biglang tawa ni Ella.

"Have you ever heard of knocking?" Sabi ni Val habang pinupunasan ang tubig na natapon. Inirapan ko naman sila pero pabiro lang naman yun.

"No. Just barging in!" Sabi ni Wendy na ikinatawa nila. Napailing nalang kami ni Val dahil sa kabaliwan nila na dinamay pa kami.

"Well... Your in our dorm kaya dapat alam niyo ang rules namin dito. Hindi niyo ito dorm na basta-basta niyo nalang papasukin" sabi ko at kinuha ang libro at binalik sa shelf. Natahimik naman sila kaya napa-ngisi ako.

"Sorry naman!" Sabi nila maliban sa mga yelo. Lamig kasi. Buti nalang ay hindi nagyeyelo dito kapag nandito silang dalawa.

"What brings you here?" Tanong ko habang nagce-cellphone.

"Magkakaroon tayo ng Baking Bond together. Magbebake tayo tapos ipapamigay sa mga estudyante pero syempre may bayad. Ngayon natin gagawin ang free taste at may stall na tayo bukas" sabi ni Kiara. Ready na talaga sila at may pa-baking bond pa silang nalalaman.

"Ok. Lets do it!" Sigaw ni Val. Ok narin ito para masanay ako sa maraming tao.

"So... Ito ang partners. Trio tayo:
Ace, Damon and Maddy
Kiara, Yue and Val
Jannah, Ella and Zarah
Elya, Wendy, Tyler, Bryan" sabi ni Zarah. Seriously? Ipapartner ako sa dalawang lalaki at ako lang ang nag-iisang babae?

Hala dalawang lalaki tapos isa pa ako. Baka manigas ako sa lamig netong mga kasama ko. Atleast may kasama silang tagabantay sa gagawin nila at ako iyon.

"Hey! What are we gonna bake?" Tanong ko.

"Lets do a cake" malamig na sabi ni Damon. Sumang-ayon nalang ako. May mga dala silang ingredients at halatang pinaghandaan.

"Ace paabot ng vanilla extract!" Sabi ko at inabot naman niya ito. Nagdedecorate na sila at ako ay nagmimix ng icing. Patapos na din kami dahil nga uso ang paggamit nv powers.

"Putang ina mo Tyler!" Rinig kong mura ni Elya kay Tyler. Grabe naman siya magmura. Tinignan naman namin sila kung ano nga ba talaga ang nangyari.

"Anong nangyari?" Tanong ni Damon.

"Inagaw niya yung cupcake ko!" Inis na sigaw ni Elya. Napa-face palm nalang ako. Minumura niya yung BOYFRIEND niya dahil lang sa cupcake?

"Pakipot ka pa bes! Eh nililigawan ka na ni Tyler!" Sabi ko. Yes alam ko dahil nabasa ko ang isip niya noon. May sikreto pang nalalaman.

"Punyemas ka, Maddy!" Sigaw ni Elya. Sinugod niya ako. Kumuha siya ng icing at pinahid saakin. Ayoko neto! Malagkit masyado!

Pinahiran ko rin siya. Nakisama naman ang lahat maliban sa dalawang yelo. Pinahiran ni Zarah ang kuya niya na si Damon at si Tyler naman kay Ace. Mukhang magkakaroon ng bukol ang dalawang yun ah.

Lost Princess: Madison Emerald (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon