Maddy's POV
Nandito ako sa kusina ng dorm namin at nagpe-prepare ng breakfast for me and Val. 5:23 AM palang at gising na kami dahil lilibot kami ni Val sa mall ngayon. Binigyan kami ni HM ng 1 week vacation dahil buwis-buhay ang mission na yun dahil sa energy namin ang nawala saamin. I am feeling lots of heart ache these past few hours pero i just ignored it.
Nagluluto ako ng egg omelet with fresh milk. Simple lang pero masarap ang recipe na ito. Luto na rin sa wakas!
"Wow! Mukhang masarap yan! I know na omelet yan pero it is different!" Sabi ni Val saakin dahil kanina niya pa ako pinapanood.
"Hindi lang mukhang masarap kundi super sarap! Kaya tikman mo na!" Sabi ko at kumuha na kami ng plato.
Kumuha na kami ng omelet at rice. Nagtimpla na din kami ng milk. Ang milk na ito ay mula sa Garden of Charia. It is where all foods are being made or planted and it is full of nutrients. Pupunta kami dito kapag may time kami sa susunod.
"Yummmyyy! Sarap naman! The best ka talagang chef!!" Sabi niya at sumubo ulit.
Natapos na kaming kumain. Nag-volunteer siya na maghugas ng plato namin kaya pinabayaan ko na muna siya.
"Pasok na ako at maliligo pa ako!" Sabi ko.
"Aayusan kita ng buhok ah!" Pahabol niyang sabi.
"Sige lang!" Sabi ko. Nantritrip nanaman siya ng buhok.
Pumasok na ako sa kwarto ko. Im really excited dahil bukas na ang birthday ko. Ano kaya mangyayari bukas? Gusto ko lang naman na makasama sina mama and papa at ang mga friends ko.
Naligo na ako at nagbihis. Nagpabango rin ako ng super tapanb dahil mahilig ako sa mga amoy na ganoon katindi.
"Val! Pwede mo na akong ayusan!" Sigaw ko pero sure ako na narinig niya ako. Pumasok siya. Naka-ayos na rin siya. Naka-knee length long sleeve dress na color violet at naka-messy bun lang siya and simple make-up kaya natural na ganda ang pinakita niya saakin ngayon.
"Shit! Ganda mo Val!" Sabi ko at niyakap siya. Sarap punitin ng damit niya dahil sobrang ganda talaga. Sana ako nalang siya pero ayos na ako kung ano ang meron ako ngayon.
"Ikaw din naman eh!!" Sabi niya at pina-upo ako sa vanity chair ko.
Ako naman ay nakatingin sa salamin habang inaayusan ni Val. Nilagyan niya ako ng light make-up para may ipagmalaki ako ngayon. Ano kaya ginagawa ng royalties? Pabayaan ko na nga muna sila!
"Yiee! Tapos na! Ganda natin bess!" Sabi niya. Super ganda nga NAMIN eh! Excuse me pero ako lang pero shempre joke ulit yun. Magbibigay space muna ako at dalawa na kami munang maganda sa ARAW na ito. Bukas ay ako lang dapat dahil birthday ko.
Nag-paalam siya na lalabas at mag-aayos ng gamit na pang-alis. Lumabas na siya. Ako ay nag-aayos na ng gamit ko.
After two minutes of preparing my things, lumabas ako at nakita ko siya na nakaupo sa sofa at naglalaro sa cellphone niya.
"Lets go!" Sabi ko
"Yesss! Lets do this!!" Sabi niya at naunang lumabas. Sumabay ako sa kanya pagkalabas ko dahil ayokong maiwan.
"Hintay moko!" Sabi ko sa kanya. Huminto siya at sumabay saakin
"Ano kaya gift ko sayo bukas?" Sabi niya at tinignan ang langit na parang nag-iisip.
"Kahit ano nalang! Im not that special! Wag ka nang mag-abala pa!" Sabi ko.
"Special ka para saakin dahil you are the first one to be friends with me!" Sabi niya at sinukbit ang kamay niya sa balikat ko. Mag-bestfriend talaga ang aakalain mo saamin kapag nakita mo kami!
BINABASA MO ANG
Lost Princess: Madison Emerald (Completed)
FantasyAnong mundo nga ba ang kinabibilangan talaga ng isang Madison Emerald Sanchez? Ang mundong kanyang kinalakihan o ang mundo kung saan talaga siya nagmula? Dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay napadpad si Maddy sa lugar kung saan namulat siya sa ka...