Maddy's POV
Andito ako sa dorm ko. Kakauwi ko lang mula sa hospital at sa Tuesday na ako papasok pero magpapraktis parin kami ni Ace ng kanta namin. Serious parin siya pero close na kami.
"Hi Maddy!" Sabi ni Val saakin. Ngumiti naman ako sa kanya.
"Hello? Anong meron?" Sabi ko.
"Punta tayo sa Twinkling Falls! Kasama ang lahat pati si bitch este Kiara and Bryan and Zarah." Sabi niya. No choice ako kundi sumama. Ayoko namang maiwan mag-isa dito.
"Sige. May choice pa ba ako?" Sabi ko. Pumasok na ako sa banyo ko at naligo. Shempre alangan naman na mag-swimming ako sa banyo diba? Joke lang!
Hindi parin ako kinakausap ni Zarah kaya medyo wala ako sa mood na makipag-usap. Lumabas na ako at nagbihis. Eto ang damit ko:
Ki-nurl ko nalang ang baba ng buhok ko. Nagdala rin ako ng one piece para sa swimming at extra clothes. Nilagay ko ito lahat sa aking backpack.
"Are you ready?" Biglang tanong ni Val saakin.
"Yes! Two piece susuotin mo? Hula ko lang naman!" Sabi ko.
"Ofcourse! Ako paba?!" Sabi niya. Tumawa naman kami at parang baliw na kami. Lumabas na kami dahil baka kami nalang yung hinihintay nila.
Nadatnan ko silang nagtatawanan kasama si Kiara. Happy si Zarah na kausap si Kiara. Para namang sinaksak ako sa puso dahil parang iba na siya ngayon simula nung dumating si Kiara. Nakakainis siya! Malas ako kapag nandyan siya. Naramdaman ko naman na sumimangot yung mukha ko.
"Bebby ko!!" Sigaw ni Elya saakin at niyakap ako. Na-miss ko rin naman siya eh kahit hindi ko sabihin o ipahalata.
"Hello atee kong dyosa!!" Sabi ko. Tumawa naman siya at inakbayan ako. May katangkaran naman ako at mapagmamalaki ko yun.
"Tara na nga!" Nagpunta na kami sa loob ng hindered forest. May permission naman kami kay HM tutal malakas kami sa kanya.
After 30 minutes of walking ay nakarating na kami sa Twinkling Falls. Super lawak neto at may mga glitters pa sa tubig. May napansin ako na bata sa ilalim na parang lagusan eh. Nevermind. I will just check it later.
"I am excited to swim!" Sigaw ni Wendy.
Absent sila para saakin este sa outing namin. Buti nga ay pumayag si HM. Strikto pa naman siya minsan saamin.
"Ako din! Tara na palit na tayo. Maddy, Val!" Sigaw ni Ella. Pumunta kami sa tent na ginawa ko gamit ang earth power ko.
Lumabas na kami. Topless ang boys at lahat kami ay naka two piece maliban saakin na one piece lang. Nakakahiya.
Namula ako nung nag-lip bite si Ace habang nakatingin sa legs ko. Pervert! Manyakis!! Hugutin ko yang mata mo eh! Nakakainis naman! Sino ba kasi ang nagbigay ng suot ko? Masapak ko nga!
BINABASA MO ANG
Lost Princess: Madison Emerald (Completed)
FantasyAnong mundo nga ba ang kinabibilangan talaga ng isang Madison Emerald Sanchez? Ang mundong kanyang kinalakihan o ang mundo kung saan talaga siya nagmula? Dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay napadpad si Maddy sa lugar kung saan namulat siya sa ka...