Maddy's POV
Nandito ako ngayon sa hospital room ko at inaayos ko ang mga gamit ko para bukas ay papasok nako. Dapat noong Monday pa pero nakalatay ako sa hospital bed ng 2 days. Kaya eto Wednesday na ako makakapasok.
Hula ko mahihirapan ako na makahabol sa lessons. May pumasok sa aking kwarto. Si Damon lang pala. Umaano kaya siya dito?
"Are you feeling well?" Tanong niya habang nakatingin sa aking mata. I can feel my cheeks blush.
"Y-yes! No need to worry!" Sabi ko at umiwas ng tingin.
"Tsk. I am not worrying" sabi niya. Nagpanting naman ang tenga ko sa dahil sa narinig ko.
"Eh bakit ka nagtanong!?" Naiinis na sabi ko. Maayos na ang umpisa eh bakit ganito pa umabot sa dulo?
"Kase may bibig ako" pilosopo to ah! Baka masapak ko ng wala sa oras kaya kalma muna ako.
Tapos na ako mag-impake kaya lumabas ako at iniwan ko siya. May klase na pala ngayon pero lunch break. Pwede kaya pumasok?
"Oo pwedeng pumasok" Hanggang dito ba naman, Damon!? Binlock ko mind ko.
"Ok. Mauna na ako" sabi ko. Pumunta ako sa dorm at nagbihis ng pang-school. Washday kase araw-araw kaya makikita ko na rin ang fashion sa school na ito kahit minsan.
Kinuha ko ang schedule ko at and first subject ng hapon ay combat class. I hate combat class! Tiningnan ko ang mapa ng school at sa ground pala ang training. Ang section ko kase ay beginners. Kasama ko si Val dito.
"Maddy dito!" Kumakaway na sabi ni Val. Pumunta ako sa kanya.
"Buti pumasok ka na?" Tanong niya habang naglalaro ng poison balls.
"Kase ok na ako" sabi ko. Nag-indian sit kami habang wala pa ang teacher namin.
Maya-maya may dumating na isang gwapong lalaki. Mga nasa 20's lang siya hula ko. Gwapo, matangkad at pinkish. Handsome.... Wait! What the hell! Bawal ako sa ganyan! Good girl ako remember?
"Fantasizing about me?" Biglang lumapit saakin yung lalaki.
"Oh Yue! Siya sa Madison Emerald Sanchez at 15 years old siya. Siya yung sinasabi kong naka-hospital bed!" Pagpapakilala ni Val saakin. Ganda naman ng pagkilala niya saakin. Nasa hospital bed agad.
Oo nga noh! 2 araw pa lang ako dito na-hospital bed agad ako! Inunahan pa ako ni Val na magpakilala
"Hi! Ako si Yue Vander. Isang night mage. One of the rare!" Sabi niya at inilahad saakin ang kamay niya.
"Hi! You know me kaya di na ako magpapakilala!" Nakangiting sabi ko. Dumating na si Sir or yung combat teacher namin. Halata namang magaling dahil maskulado ang katawan.
"Ok class! I am your combat teacher. Ako si Mr. Andrei. Ok! Maghanap kayo ng partner niyo!" Utos niya. Naghanap na akong partner. Si Val may partner na, yung boyfriend ata niya na sinasabi. Magbe-break din kayo! Bitter ako dahil inaamin ko na!
May humawak sa balikat ko. Napatingin ako. Si Yue pala
"Tayo nalang. Kayo lang kasi kakilala ko dito dahil kakatransfer ko palang" sabi niya. Tumango ako at kumuha na nga weapon.
Kinuha ko ay sword at siya ay sword din. Magkalaban kami pero walang sakitan.
Naglaban na kami. Napapmura nalang ako dahil sa irap. Super hirap. Atras lang ako ng atras habang sinasangga ang tira niya.
"Fight Maddy!" Sabi niya at inatake ako ulit
Nilabanan ko siya at nagawa ko siyang ilatumba sa loob ng 10 minutes. A+ kaming dalawa sa finals namin dahil nagawa namin kontrolin ang paggamit ng sword.
"Tara kain tayo sa canteen!" Sabi niya at basta-basta nalang akong hinatak sa kamay. All eyes are on us at masarap mandukot ng mata.
"What do you want?" Tanong niya.
"Isang fries, coke at mushroom soup!" Masayang bati ko. I love foods at isa sa way ko na gumaling sa sakit ay mga soup lalo na ang sopas.
"Ok! Diyan ka lang ah!" Sabi niya at pumila na. Sana ganyan din ang mga lalaking royalties. Nasanay kasing pinagsisilbihan sila.
Dumating na siya kasama ang orders namin. Sa kanya ay lasagna, fries, coke and chocolate drink.
"Mauubos mo yan?" Takang tanong ko.
"Oo! Kulang pa nga yan eh!" Naka-pout na sabi niya. Mukhang bibe.
"Stop that! You look like a duck!" Natatawang sabi ko. Gwapo talaga ng lalaking kaharap ko.
"Maddy!!!!!" Malakas na sabi ni.... Zarah! Lahat kami ay naagaw ang atensyon niya. Kumpleto silang royalties. Lumapit sila saamin.
"Oh I see! You made a new friend!" Excited na sabi ni Zarah at Ella. Sabay talaga sila o scripted?
"Ahh oo! Siya si Yue Vander. Night mage." Maigsing sabi ko. Baka mamatay agad ako dahil sa tingin ng mga tao.
"Ah! Kilala na namin siya. Kasabay pa nga namin siya noong first day eh!" Sabi ni Ella. Kaya pala makangiti sa isa't isa na parang alam na at kilala na ang isat isa.
"Oh siya! Sabay na kayo saamin!" Sabi ni Yue. Umupo naman sila sa mga vacant na upuan.
"Wag kang tumanga diyan!" Sabi ni Ace. Panira talaga siya ng trip na kinaiinisan ko sa ugali niya.
"Tsk! Wala kang pake!" Sabi ko at inirapan siya. Umorder na sila at umupo sa tabi ko si Damon at sa kabila si Ace. Nasa harap ko naman si Yue na palaging nakangiti na lalong nagpapagwapo sa kanya.
"May tanong lang ako!" Sabi ko na umagaw sa atensyon nila.
"May iba pa bang royalties?" Tanong ko. Feeling ko kasi kulang sila ng walang dahilan.
"Ah oo! Si Princess Azelleah Emerald Smith! The lost princess ng Magical Kingdom!" Sabi ni Ella. Mukhang nalungkot si Zarah sa balita niya. Mahahanap pa kaya siya kung lost na siya?
"Ah ok. Sorry kung nagtanong ako" sabi ko.
"Ah ok lang yun! Ano kaba! Kumain ka nalang!" Sabi ni Zarah. Ngumiti ako.
Bumalik na kami ni Yue sa room at ang class namin ay Chemistry. Nandun kami sa lab ngayon. Gumagawa ng body shrinking potion.
Natapos ang araw na iyon at umuwi na kami ni Val sa dorm. Maaga kaming umuwi para hindi kami gabihin masyado.
"Val! Anong gusto mong dinner? Magluluto ako!" Sabi ko. Lumiwanang ang kanyang mukga nung marinig yun! Dali-dali siyang pumunta sa harap ko
"Kahit ano?" Tanong niya at nag-smirk. I nodded at nag-smile sa kanya.
"Oo! Kahit ano!" Sabi ko.
"This!" Pinakita niya ang picture. Simple lang pala dahil sopas lang ito at lagi ko itong niluluto kapag nahiligan ko.
"Sige ba! Kumpleto naman tayo ng ingredients!" Sabi ko. Ngumiti siya at pinanood akong gumawa ng sopas. Nangamoy na ang sopas. Feeling ko na umamoy ito sa girls dorm.
"OH MY G! Sarap! Sa amoy palang ah!" Sabi ni Val. Matakaw talaga tong babaeng ito. Nagmana lang pala saakin.
After 30 minutes ay tapos na with the help of Val's magic. Telekinesis din kasi siya eh. Madali lang ang pagluluto lalo na kapag may kasama kaZ
Kumuha na kami. Di pa kami nakaka-upo ay may kumatok. Sino naman kakatok sa pinto namin ng 7:45 PM?!
Pagkabukas ko ng pinto ay......
BINABASA MO ANG
Lost Princess: Madison Emerald (Completed)
FantasyAnong mundo nga ba ang kinabibilangan talaga ng isang Madison Emerald Sanchez? Ang mundong kanyang kinalakihan o ang mundo kung saan talaga siya nagmula? Dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay napadpad si Maddy sa lugar kung saan namulat siya sa ka...