Maddy's POV
Napatingin ako sa tumawag saakin and to my surprise.... Si Ian. Siya ang anak ng may-ari ng beach na ito. Like me, he also have a power at ampon lang din siya. Matagal ko nang alam pero hindi niya alam ang tungkol saakin.
I can sense na lightning mage ito dahil parang ang lalim ng kanyang mata at nakukuryente ako sa mga titig niya. Ang parents niya ay normal na tao lang and i was surprised nung malaman kong ampon lang siya eh.
"I miss you!!" Sabi niya pa at niyakap ako ng maigi kaya ako ay hindi naman makahinga. Baka di ko na maabutan ang sunset eh! Maganda pa naman ang view dito nun!
"I-i m-miss you too" nahihirapang sabi ko dahio super higpit talaga. And alam ko na may masamang nakatingin saamin. Sino kaya?
Buti naman at binitawan niya ako. Nakahiga naman ako ng maluwag dahil pinaghiwalay niya na kaming dalawa. Nagulat ako dahil hinalikan niya ako sa noo. Nanlaki naman ang mga mata ko at natulala sa kanya.
"I miss you Maddy. Musta kana?" Sabi niya at hinawakan kamay ko. Ngumiti naman ako dahil baka mapasama pa ako sa kahihiyan ko.
"Miss din kita. Ayos lang naman ako. Ikaw ba?" Sabi ko. Ngumiti naman ulit siya. Natatakot ako para sa kanya dahil sa titig ni Ace sa kanya. Rest in Peace, Ian kapag napuno na si Ace.
"Ehem" fake cough ni Zarah kaya napatingin ako sa kanila. Nagtataka-look ang binuhos nila saakin. Inalis ko na ang kamay ko na hawak ni Ian.
"Guys. Eto si Ian. Siya ang anak ng may-ari ng buong beach na ito." Sabi ko. Napa-AH nalang sila. Kakabanas naman. Haba ng sinabi ko tapos AH lang sasabihin nila.
"Zarah Aerio"
"Damon Aerio"
"Tyler James"
"Frost"
"Elyanna Earthia"
"Ella Earthia. Me and Elya are sister. Mas matanda lang siya"
"Jannah Walter"
"Bryan Walter"
"Yue Vander"
"Kiara Hoshue"
"Bianca Ennelaiah Hoshue at Bienna nalang para mapadali naman buhay mo"
"Valentine Hoshue. Magkakapatid kaming tatlo pero hindi kami triplets"
"Weshna Ariella Rianna. Aria nalang"
"Earl Travis nalang"
"Ace Firio"
"I am Ian. Ayokong sabihin ang surname ko dahil hindi naman nila talaga ako anak. Atsaka mala-elements ang pangalan niyo neh?" Sabi ni Ian. Napatingin ako sa kanila at halatang nagulat sila. Ano bang pwedeng palusot?
"Tara na, Ian at Guys! You should join us in our hotel room and activities, Ian. Ilang taon narin simula nung nagkita tayo" sabi ko. Napangiti siya at hinila na ako. Ayan nanaman po siya.
Nakita ko pa na blangko ang expression ni Ace at nakatingin pa saamin. Yung iba naman ay nanunukso ng tingin saamin at kay Ace. Baka matusta sila ni Ace!
"Hello Sir Ian. What can i help you with?" Sabi ng receptionist na nasa counter. Maganda at engrande. Two words that can express the hotel.
"Pasensya ka na Maddy. Ngayon lang ulit kami nagkabisita dahil super mahal ng renta papunta sa isla namin for one night only" sabi saakin ni Ian.
Kaya pala super bored ni Ateng Receptionist dahil walang mga customers. Kawawa naman.
"No, its ok. Mas maganda nga na medyo hindi maraming tao eh" sabi ko at napangiti nalang siya kaya napangiti narin ako.
BINABASA MO ANG
Lost Princess: Madison Emerald (Completed)
FantasyAnong mundo nga ba ang kinabibilangan talaga ng isang Madison Emerald Sanchez? Ang mundong kanyang kinalakihan o ang mundo kung saan talaga siya nagmula? Dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay napadpad si Maddy sa lugar kung saan namulat siya sa ka...