Maddy's POV
Pumasok na kami sa portal at pumunta na kami sa office ni HM. Siguradong madaming kapangyarihan naubos ni Kuya Ash dahil napaupo siya sa upuan at nakapikit lang. Nakakaubos naman talaga ng energy ang paggawa ng portal.
"Why did you call us here?" Bungad ni Damon kay HM. Wala pang musta or hi manlang, Damon? Grabe naman siya kay HM.
"I called you here dahil may bagong propesiya. Aria ilabas mo ang libro" sabi ni HM. Nilabas naman agad ni Aria at umiilaw ito. Meron ngang bagong nilalaman ang propesiya.
"Basahin mo" sabi ni HM. Kinakabahan man kami pero isang propesiya ang kumokontrol sa buhay namin kaya walang kaming laban kahit na baligtarin ang tadhana.
"Eto ang nakasaad sa bagong propesiya:
Ang katotohanan ay nabunyag na
Ang lahat ngayon ay nangangamba na.
Sa kanyang pagbabalik,
May kapalit.Digmaa'y magpaparamdam
Sikat ng araw ay magiging bughaw
Mapapaaga ang digmaan,
Sa huling linggo ng buwan.Maraming dugo ang lalaganap,
Mga hangin ay sana malanghap.
Isang buhay para sa lahat
Sa kabilang buhay ay kakalat.Ano ba ang papairalin?
Puso ba o isip?
Kapayapaan sa lahat
Siya kaya ay dapat?Isasakripisyo
Ang salita
Na mahirap talagang ialintala
Sa hinaharap magpakasaya na.Siya kaya ay babalik?
Sa mundong kanyang iniligtas?
O magtatago sa isang lugar?
Kung saan siya ay nag-iisa.Ayan po ang nakasaad sa propesiya. Malalim ang kahulugan ngunit hindi natin alam ang dahilan." sabi ni Aria. Sana walang makahalata ng sakripisyo na nakaukit sa propesiya. Tatanungin nila ako kapag nangyari man.
"Sakripisyo? Ni Azelleah?" Naiiyak na tanong ni Zarah kay Aria.
"Pasensya na at hindi ko pwedeng sabihin dahil mababago ang kapalaran. Hindi lamang si Azelleah pati narin tayong lahat." sabi ni Aria at tumingin saakin. Napangiti naman ako sa kanya
"Thank you" telephaty ko sa kanya. She just nodded. She knew it and I am glad na tinago niya ito.
"Malapit na ang digmaan! Kailangan na nilang magsanay simula bukas palang. Hindi ko kayang may mawala saatin ng hindi handa." sabi ni HM sa gitna ng katahimikan.
"Ako bahala sa beginners. Baka sila pa ang makatulong saatin kapag nagkataon." sabi ko. Tumango naman si HM.
"Pag-usapan niyo nalang ito sa dorm niyo. Earl at Ian ay nasa kabilang dorm dahil hindi na kayo kasya pa sa dorm ng Royalties." sabi ni HM. Sayang naman at nahiwalay pa sila saamin.
"Ok lang yun. Magkatabi lang naman, diba Aria?" Nakakaasar na sabi ni Earl kay Aria. Hmm... something is fishy between these two. Ano kaya yun? Super lansa eh.
"Tse! Tara na nga!" Sabi ni Aria at ako pa ang pinagdiskitahan na hilahin papunta sa dorm. Nagiging lubid na ba ako? Hindi ko tanggap na magiging lubid ang tadhana ko.
"I want to cry" bulong niya saakin habang naglalakad. Nauuna kasi kami kaya walang nakarinig sa sinabi niya. Bakit nanaman ba siya malungkot? Nakakahawa siya kaya naluluha narin ako.
BINABASA MO ANG
Lost Princess: Madison Emerald (Completed)
FantasyAnong mundo nga ba ang kinabibilangan talaga ng isang Madison Emerald Sanchez? Ang mundong kanyang kinalakihan o ang mundo kung saan talaga siya nagmula? Dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay napadpad si Maddy sa lugar kung saan namulat siya sa ka...