Chapter 69: Beach- Part 1

8.8K 221 14
                                    

Maddy's POV

Kakagising ko lang dahil medyo late na akong natulog kagabi dahil sa pagmumuni ko sa kawalan. Lumabas din kasi ako kagabi at bumili ng slurpee sa 7 Eleven. Buti hindi ako naabutan ni Ace dahil maaga siyang nagising.

"MADISON!!! MAGBEBEACH TAYO KAYA BILISAN MO!!" Rinig kong sigaw ni Aria. Hindi naman nila sinasabi eh!

"Wait lang!! Hindi niyo naman sinabi saakin eh!!" Sabi ko. Kumaripas ako sa cr at naligo na. Presko lang ang sinuot ko at nag-impake na ng swim suit at pamalit ng madalian dahil baka ako nalang ang hinihintay nila.

Bumaba na ako at ako nalang ata ang hinihintay. Nanlisik ang mata ko kay Aria dahil hindi niya sinabi saakin na pupunta sa beach!

"Bakit hindi niyo sinabi na pupunta tayo sa beach!?" Sigaw ko kaya napapitlag naman sila at tinignan din ako ng masama. Sila pa ang may ganang samaan ako ng tingin!

"Eh! Agad kang umalis nung nag-uusap kami eh!" Sabi ni Kuya Ash. Yung kuya ko na halos sapakin ko na ngayon dahil sa inis. May point naman siya. Kasalanan ko rin naman pero dapat sinabi parin nila.

"Duh. Doon na ako sa sasakyan kakain" sabi ko. Pumasok na kami sa sasakyan. Sila daw nagplano ng trip na ito kaya this better be a good one at kung hindi ay aalis agad ako. Bahala sila dun.

"Here. Mcdo pa yan kaya wag ka ng aangal" sabi saakin ni Damon. Kinuha ko ito.

"Thank you" sabi ko at kinain na ito. Nasa tabi kasi ako ng bintana eh tapos si Ace katabi ko tapos sa harap ko si Damon. Kaya medyo naiilang ako dahil nakahiwalay ako sa girls. Napapalibutan kasi ako ng boys kasi gusto ni Ace na tabi ko siya. Demanding!

Binuksan ko na ang binigay saakin na MCDONALD'S ni Damon. Tumambad saakin ang isang chicken fillet, bff fries and cokefloat. Sarap naman ng binili niya para saakin.

Kumuha na ako ng bff fries at mainit pa. So sa labas pala sila kumain at sa Mcdo pa. Super daya naman nila. Nakakainis na sila.

"Ayos ka lang?" Sabi saakin ni Ace. Tinignan ko siya ng masama pero ngumiti lang siya kaya napangiti nalang din ako.

"Yeah. Im fine. Saan ba punta niyo este natin?" Sabi ko sa kanya. He looked outide the windows.

"Sa La Fuerte's Beach. Doon tayo hanggang bukas. Overnight" sabi niya. Ilang words yun? Hm... Nine words ata ang sinabi niya kaya improving naman siya.

"Ok. Matutulog muna ako" sabi ko. Ang beach na yun ay malayo kaya kailangan ko talagang magpahinga lalo na may car sickness ako minsan. Hula ko inaatake ako ngayon.

"Yeah. Just rest. Malayo pa tayo" sabi niya. Tumango nalang ako at natulog nalang.

After 2 hours of driving ay nakarating na sila sa La Fuerte's Beach

Nagising ako dahil may tumatapik sa pisngi ko. Nagmulat na ako at tumambad saakin ang gwapong mukha ni Ace. Ano pa ba diba?

"Wake up. We are here" sabi niya at tinayo ako. Muntik pa nga akong ma-out of balance pero inalalayan niya naman ako eh. Kinikilig naman ang ate niyo!

"Thank you" sabi ko. Bumaba na kami at nakita ko silang nilalanghap ang sariwang hangin. Ginawa ko rin iyon at super kalma ng aking pakiramdam. Feeling ko nasa isang ulap ako at super relaxing.

"Lovebirds! Dito na tayo sa boat!" Tawag saamin ni Aria. Putek siya ah! Sa oras na magsalita pa siya ay sasapituhin ko na talaga siya. Este papatayin ko na. Kanina pa yang babaeng yan eh.

"Oh! Tutunganga nalang ba kayo dyan?! Papakasal na ata kayo!" pang-aasar ni Aria. Nakayukom na palad ko at buti nalang hindi ko nalabas kapangyarihan ko kundi nalintikan na kami ngayon.

Lost Princess: Madison Emerald (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon