Chapter 74: She's Only Mine

8.8K 216 1
                                    

Zarah's POV

Gising na kami at lahat kami ay nasa sala. Nagluluto si Kiara ng breakfast na omelet at may natira pang sopas dahil marami talaga ang niluto namin. Nasaan na si Madison? Usually mas maaga siyang nagigising kaysa saamin. Baka naman napuyat.

"Breakfast is ready!!!" Sigaw ni Kiara. Nagugutom naman na ako eh kaya sakto lang ang tawag ni Kiara saamin.

Umupo na kami sa dining area at kumain. Napaligiran kami ng katahimikan. Nasaan na kaya si Maddy?

"Uhm!! I just talk about this topic. Kiara, bakit nung nabagok si Madison sa bato nung may love spell si Bryan ay sinabi mo na nasa Darklo Kingdom ang pamilya mo?" Sabi ni Jannah. Well, that is a huge question. Why?

"Well.. ayun ang ginamit kong dahilan para subukan si Maddy dahil alam kong siya ang prinsesa. Ayun ang sinabi ko dahil hindi pwedeng malaman na anak ako ni Goddess Mira. " sabi ni Kiara. Napatango naman kami. Kaya naman pala.

"Sarap mo naman magluto!" Sabi ni Bryan. May narinig kaming lumabas sa isang kwarto. Akala ko si Maddy pero si Yue pala. Nasaan na ba kasi ang babaeng yun? Tagal naman niyang magising.

"Nasaan kaya si Maddy?" Sabi ko. Napatingin sila saakin na nagtataka look ang gamit.

"Baka late lang yun magising. Baka naman kasi napuyat siya. Hayaan muna natin." sabi naman ni Elya kaya napagaan naman ang loob ko kahit papaano.

"Whats for breakfast?" Masaya na tanong ni Yue. Nabigla ako dahil super tahimik niya at hindi masyadong nagpapakita ng emosyon. Iba na ang Yue na nasa harapan namin. Something is off.

"Uhmm may omelet at sopas pa" nag-aalinlang na sabi ni Tyler. Nakakapanibago kase eh.

"Okay thanks!" Sabi ni Yue at nilantakan ang sopas at omelet. Weird naman ng kinikilos niya.

"Pwedeng makihingi ng sopas na nakabalot? May pagdadalahan lang ako?" Sabi niya. Napatigil kami. Baka may nililigawan siya.

"Sure. May i ask why you are so happy?" Tanong sa kanya ni Ella. Nag-iimbestiga nato hula ko.

"Dadalhan ko fiancè ko" sabi niya kaya nabuga ko yung kape na iniinom ko. Nagulat din ang iba pero as usual ay walang pake si Ace. Nakatingin lang siya sa pinto ng kwarto ni Madison.

"Meron kang fiancè?!" Gulat na tanong ni Kiara na tumayo pa at hinampas pa ang table namin kaya nagulat nanaman kami. Seriously? Topak ba nilang manggulat ngayon?

"Yes. Hindi ko sinabi dahil hindi niyo naman kailangan malaman pa" sabi niya. Nagbalot siya ng isang bowl ng sopas at lumabas ng dorm. Nagmamadali nanaman siya. Sino ba kasi yun?

"Sundan kaya natin siya?" Sabi ni Frost. Oo nga pala, inamin na nila ni Bienna na nililigawan siya ni Frost. Napangiti naman ako sa kawalan dahil sa iniisip ko.

"Sige. Pero dapat itago natin ang mga aura natin" sabi ni Elya. Magiging reyna ito sa loob lamang ng dalawang buwan and i am proud of her. It will be a dream come true for her.

"Lets go" sabi ni Ace. Nauna siya at sumunod kami nung sinenyasan niya kami. Umaga naman na at puro training ang lightians ngayon. Nakakabagot na sa dorm.

Nakita namin na pumunta sa exit gate ng academy si Yue. May bitbit siyang sopas at omelet. Nagbalot rin pala siya. Nagulat kami nung nagtransform siya sa form na hindi namin aakalain. Ang form ni Derick, ang prinsipe ng Darklo Kingdom.

"I know your following me, Royalties. Come out" sabi ni Yue or Derick saamin. We came out and he is evilly smirking at us. He is the traitor. He is the freaking TRAITOR!! I cannot believe this is happening! No! No! Sana hindi tama ang hinala ko!

Lost Princess: Madison Emerald (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon