Chapter 33: Ice Kingdom

9.6K 287 5
                                    

Maddy's POV

Tapos na ang Sportsfest namin at ang pinaghahandaan nalang ay ang ball bukas sa Ice Kingdom. Tomorrow is Christmas Day at doon gaganapin ang ball. Wala pa nga akong dress pero may plano kaming bumili mamaya.

"Pinapatawag tayo ni HM sa office niya" sabi ni Ace saamin pagkapasok niya.

Pumunta na kami sa office ni HM. Nagkakagulo kami este sila kung sino ang unang magbubukas ng pinto. Pati ba naman yun?

"Shut up! Ako na!" Sabi ni Ace. Pumasok na kami at halata ang inis sa mukha ni Ace. Sino ba naman ang matutuwa sa kagagawan nila?! Parang mga bata na nagtatalo pa dahil napagalitan ng nanay.

"Do you know why i called you here?" Tanong ni HM. Halata ba HM? Joke lang at baka ma-kick out ako. Wala pa naman akong planong umalis ng academy.

"Kaya nga kami pumunta dito dahil hindi namin alam" sabi ni Wendy at umirap.

"Ok. As i was saying, you will visit the place on the Ice Kingdom where the ball will be held. Put some decorations there if it is too basic and put a barrier for support" sabi ni HM, ignoring what Wendy said.

"Where is this Ice Kingdom?" Tanong ko. Sumang-ayon naman sila maliban kay Frost dahil galing na siya dun.

"Frost knows. He will take you there in the ice carriage." Sabi naman ni HM. So mas gusto ko na sumakay sa pegasus kaysa sa carriage dahil mamatay ako sa katahimikan doon.

"You may now leave" sabi ni HM. Lumabas na kami.

"And! Your departure time is 12:00 noon today!" Sabi pa ni HM. 20 minutes nalang NOON na! Kung kailan tapat na sa oras ay doon palang pinapatawag. Great. Just great.

Bumalik kami sa kanya-kanyang dorm at nagpalit. Shempre lahat kami nakalong sleeve dahil ICE KINGDOM ang pupuntahan namin.

Medyo kinakabahan ako dahil naging curse ang kingdom na iyon at malay mo may mga patibong doon. Nanindig ang balahibo ko sa kaba at naiisip ko na magrelax nalang.

Lumabas na kami ni Val at pumunta sa labas ng gate ng academy dahil doon kami maghihintay. Sakto naman na dumating ang RS sa pagdating ng carriage.

I have a plan! I will find a pegasus! Super boring kasi sa carriage. I tried talking to Bienna in my mind.

"Bienna! Send a pegasus please!" Sabi ko. Napatingin sila saakin. Nakasakay na pala sila at ako nalang ang hinihintay.

"Come on!" Sabi ni Damon. I trust Bienna. Sorry pero iba ang trip ko ngayon, royalties.

"Mauna na kayo! Susunod ako" sabi ko at pumunta sa isang side at umupo sa bench na gawa sa rock.

"No! Sumama ka saamin!" Sabi naman ni Frost. Lumabas na sila isa-isa sa carriage at tinignan ako ng nakakamatay kaya wala akong nagawa kundi sumakay nalang sa carriage.

Sasakay na sana ako ng bigla akong lumutang sa ere. May isang pegasus ang naglagay saakin sa likod niya. Ang galing talaga ni Bienna!

"Shoot! Slow Down!!!!" sigaw ko dahil bigla itong lumipad pataas at super bilis pa.

Naririnig ko pang sinisigaw ng RS ang pangalan ko. Bakit ba kasi naisipan ko ang sakyan ko ay pegasus!!!

"Humawak kang mabuti, mahal na prinsesa" sabi ng pegasus. Siya ay rainbow color at white ang balat niya. Yung hair and tail and feet niya lang ang rainbow. Ganda naman ng pinili ni Bienna para saakin.

"Sige. Ice Kingdom tayo!" sabi ko at humawak mabuti sa saddle na nasa kanya.

"Sige po" sabi niya. Sumigaw ako nung super bilis niyang lumipad.

Lost Princess: Madison Emerald (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon