Maddy's POV
Merry Christmas Magical World!! I am really excited for the night Christmas Ball!
Ito na ang araw na pinakahinihintay ng lahat kapag pasko na. Ito ang gaganaping Christmas Ball dito sa Ice Kingdom. First time gaganapin dito sa Ice Kingdom ang Christmas Ball dahil sa sumpa na natamasa nila.
Nandito ako sa kwarto na nakalaan para saakin. Sakto ito para saakin dahil may golden colors ito. Depende daw kase ang powers mo sa kulay ng kwarto mo kapag nasa Ice Kingdom. Kapag may black, ibig sabihin ay masama ka.
"May I come in?" Sino ito? Baka naman si Wendy lang ito. Kaboses niya eh. Papasukin ko na nga.
"Yes you may!" Sigaw ko para marinig. Pumasok ang lahat ng girls sa barkada namin. May nga dala silang gowns and I believe na sama-sama kaming mag-aayos ng sarili para sa ball.
Nilock ni Zarah ang pinto at nilaglag ni Val ang mga kurtina. They opened the lights at nilagay nila ang mga damit nila sa bed ko. Akala nila ay sa kanila ang kwarto na tinatapakan nila ngayon!
"We are getting ready for the ball! I know na mamayang gabi pa ito pero lets start doing our make-up ngayong lunch time!" Sabi ni Val. Super daming make-up kit ang lumitaw sa kanilang mga kamay. Napanganga nalang ako dahil sa nangyayari.
"Lets start!!!" Sigaw ni Wendy. Nagmamadali ba sila? Nakakairita dahil natataranta sila kahit wala namang dahilan para mataranta but I just let them be like this.
Hinila nila si Elya at nilagyan ng make-up. Inipita nila at pinasuot ng dress. Sunod-sunod kaming naayusan at ako ang pang-last na inayusan. Ako yung may ari ng kwarto tapos ako pa ang huli. Super nice naman!
"We're done!" Sigaw ni Zarah at tumingin kami sa glass mirror na ginawa ni Val out of poison. Natulala ako sa nakikita ko este namin ngayon.
"Wahhhh!!!!!!!" Sabay sabay na sigaw namin. Baka narinig kami ng mga boys.
Nakarinig kami ng yabag papunta dito kaya nagtago kami using invisibility. Dapat surprise ang looks namin. Bumukas pinto namin at tumambad lahat ng boys. Tinignan nila ang paligid at wala silang nakitang trace namin ni isa. Umalis sila and after twenty seconds to be exact ay tinanggal na namin ang spell namin.
"That was close" sabi ni Jannah.
"Guys, it is 5:29 PM na at 6 na ang start." Sabi ni Ella. Tagal naman ata naming nag-ayos. Bumaba kami at nakita namin ang mga boys na nakatingin saamin. They are stunned. Speechless is the correct word to describe us.
"You all look gorgeous!!!!" Sigaw ni Tita Stella na kakarating lang pala. Hinatak niya ako at nire-touch pa.
"Hehe... Thank you tita" sabi ko. Nakiki-pagdaldalan ang iba sa mga boys kaya nagpunta na ako sa venue dahil ako ang magiging introduction speaker sa party dahil request ni Tita Stella.
Lahat ng kingdoms at lightians ay nandito. Lahat din ng queens and kings ay nandito. Something caught my attention. A girl wearing gold and light cloak. Bienna!? What is she doing here?
Tumakbo ako sa babaeng yun at nakita ko siyang nasa isang puno at nakaupo. She is eating apple na nasa punong iyon. Hindi ba siya nilalamig este nangingilo sa kinakain niyang frozen apple? Diyosa nga naman siya.
"Bienna! Is that you?" Sabi ko sa kanya. Tinignan naman niya ako. Bumaba siya at niyakap ako. She likes hugs now, I see.
"The one and only Bienna came to see you!" Sabi niya at halatang na-miss nga ako dahil nakayakap parin siya saakin.
"I miss you!" Sabi ko. Ayokong masira ang moment naming dalawa dahil minsan lang kaming magkita.
"I miss you too, silly!" Sabi niya at pinisil ang aking pisngi. Medyo masakit yun ah!
BINABASA MO ANG
Lost Princess: Madison Emerald (Completed)
FantasyAnong mundo nga ba ang kinabibilangan talaga ng isang Madison Emerald Sanchez? Ang mundong kanyang kinalakihan o ang mundo kung saan talaga siya nagmula? Dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay napadpad si Maddy sa lugar kung saan namulat siya sa ka...