Chapter 45: First Kiss at 1st Day of Valentine's Day

9.7K 272 15
                                    

Maddy's POV

I woke up so early this morning! 2:12 AM palang ngayon at i am going in our booth at 3:00 AM kasama sina Yue at Zarah. Im so excited dahil first time kong mag-effort sa booth na ito.

I went to the kitchen. Hindi pa sila gising. Hay naku! Habang nagluluto ako ay may naramdaman akong lumabas sa kwarto niya. Si Bianca lang pala.

"Bore Da!" Bati saakin ni Bianca. *Translation: Good Morning!*

"Magandang umaga din! Aga mo ata ngayon?" Sabi ko habang niluluto ang ramen na kinuha ko sa cabinet.

"Oo eh. May booth kasi kami which is the jail booth and ako ay isa sa manghuhuli dahil i can control their body by their shadow. One of my abilities" sabi niya.

"Galing naman! Magkano bayad?" Tanong ko sa kanya.

"Uhmm.. Two pieces of gold ata. Ayun sabi ni Jannah at Val saakin eh." Sabi niya. Tatlo kasi silang naka-isip nun.

"Gusto mo ramen?" Tanong ko sa kanya.

"Ay! Sige lang! Thank you!" Sabi niya at nag-cellphone. Kumuha pa ako ng ramen at niluto ito.

"Luto na!!" Sigaw ko kay Bianca. Shet! Baka magising sila!

Anyways, si Zarah, Elya at Ella ang nagtayo rin ng MARRIAGE BOOTH. So de bale ay dalawa na ang booth ni Zarah. Baka naman mahirapan siya dahil sa dami ng booths na hawak niya.

"Thank you, Madison" sabi niya. Tumango lang ako at kumain na rin. Super gaan ng loob ko sa kanya pero di ko alam kung bakit! Relax, Madison!

"Mauna na ako. Maliligo na rin ako" sabi ko. 

"Ok. Ako dun" sabi niya at tumayo na rin at pumunta sa kwarto niya.

Pumasok nalang ako sa kwarto ko at pumunta na sa banyo para maligo dahil maaga dapat ay maayos na ang booths. Naligo at nagbihis na ako bg simpleng red na dress na below the knee at may gold na highlights.

"Good morning!!" Sabi saakin ni Zarah na kakalabas lang ng kwarto niya at nakabihis na. Si Yue din ay nakaporma na at i admit na gwapo siya. Ship ko kasi sila ni Valentine.

"Good morning din!! Ready na ba kayo?" Sabi ko habang sinusuot ang sandals ko.

"We are born ready!" Sabay na sabi nila kaya napatawa kaming tatlo.

"Hahaha! Lets just go" sabi ko. Lumabas na kami at may iilan na din na students ang gising. They are looking forward to this day and so was I.

"Lets clean and put some small appeal!" Sabi ko at nauna na sa booth namin.

I went to the kitchen and saw them talking. I even saw Yue smirked. Ano ba sinasabi nila?

"Ehem!" Pekeng ubo ko dahil parang i am a nobody here.

"Ay sorry! Sige! Mamaya Yue ah!" Sabi ni Zarah at tumawa silang dalawa na parang kinikilig. May something ba sa kanila?

"Ano ba yun?" Sabi ko. I am really curious. Ano ba kasi yung pinagkakaabalahan nila?

"Wala man!!" Sabi nilang dalawa. Tumawa sila pero mahina lang. Pumunta na sila sa kanilang mga trabaho at nagsimula na.

Exactly 7:00 AM ay nagbukas na kami at super daming tao ang dumagsa. Half day lang ang booth namin ngayon at bukas ay whole day na. Medyo busy rin kami dahil Superiors kami eh.

Super dami ng umoorder saakin. Ginamit ko na rin ang aking earth power para mapadali ang aking trabaho. Ang earth vines ko ang gumagawa ng mga orders nila at ako mismo ang kumukuha ng orders nila. Ayan ay isang advantage ng aking earth vines and i am happy about it.

Lost Princess: Madison Emerald (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon