Maddy's POV
1:21 AM ako nagising at nandito ako ngayon sa balcony ng aking kwarto. Masyadong malaki ang balcony na ito na kasing laki lamang ng kwarto ko sa mortal world. Magkakape muna ako dahil inaantok pa ako dahil mamaya pang three ang alis namin.
Bakit ba kasi super aga akong nagising? Yung tipo na gusto mong matulog kaso hindi ka na makatulog.
Lumabas ako at dumeretso sa aming napakaganda at malawak na kitchen na kasya ang twenty na tao sa laki. Parang kitchen ng exclusive restaurants sa mortal world.
Kumuha ako ng mainit na tubig at black coffee powder at sugar. Gumawa na akong kape. Mas gusto kong manual ang paggawa ko nito dahil hindi sakto sa mood ko kapag coffee maker kasi minsan sobra at minsan kulang.
"Your awake" sabi ni Val na tumabi saakin. Kaaga naman niyang nagising.
"Yes, I am awake. Nakita mo naman siguro na nagkakape ako dba?" Tanong ko dito. Sumimangot siya kaya natawa ako.
"Oo naman. Nakikita ko dahil may mata ako" sabi niya na nagngingitngit ang mga tingin saakin.
"Sinabi ko bang wala kang mata?" Pang-aasar niya saakin. Aasarin ko pa ito. Hehe!
"Wala. May sinabi ba ako na sinabi mo?" Sabi niya na nanlilisik ang mata saakin. Ayoko pang mamatay at kung sakali man ay gusto kong mahanap ang mga magulang ko noh!
"Bakit tinanong ba kita?" Tanong ko at cool na tumingin sa kanya.
"May sinabi ba ako?" Taning niya ulit. Well, paulit-ulit nalang kami rito ng sinasabi.
"Lets just stop dahil baka malate tayo sa sharp na 3:00 AM na yan. Letse!" Sabi niya at kumuha ng gatas sa ref.
"Ok. Maliligo na ako. Bye" sabi ko. Tumango siya bilang oo at nagpunta na ako sa akung kwarto at pumasok sa banyo dahil maaga pa kami.
After 20 minutes ay salamat! Natapos na rin ako! Super tagal kong nakipagtitigan sa aking repleksyon sa mirror eh.
Nag-blower ako at nagsuot na ng outfit ko. Naka-black cloak ako na may white na croptop tshirt at blue na pants. Yung komportable naman ako.
Simple lang dahil umiinit na ang panahon dito. Iba iba ang mood ng season nila. Hay naku! Baka nahawa kay Val sa pagiging bipolar niya.
"Good morning!" Bati saakin ni Zarah at Elya. Mga inaantok pa dahil pumipikit pa. Super aga kasi ng alis namin. Ewan ko ba kay HM. Siya nalang kaya ang mag-mission para the feeling is mutual.
"Morning" sabi ko at ngumiti. Kami palang ang nandito at wala pa ang mga asungot este boys! Baka masunog at magyelo ako nito ah!
"Gusto kong humiga pa sa kama!" Reklamo ni Zarah. Tulog mantika yan guys kaya kapag ginising mo yan ay parang beauty and the beast ang peg pero siya ang beast.
"Edi humiga ka! Wala namang pumipigil sa kaligayahan mo" sabi ni Ella at sumubo ng oatmeal na instant na.
"Pake mo ba?!" Sabi naman ni Zarah. Baka magpatayan na sila!
"Stop it guys! Baka kulang nalang ay gumuho itong pader na ito sa bangayan ninyo" sabi ni Wendy. Buti nalang ay nandyan ang dakilang momny ng grupo si WENDY. Nanahimik nalang silang dalawa.
"May bubuga ba kayo?" Tanong ni Elya. Magsisimula na naman sila.
"Argh! Fuck you!" Sigaw ni Zarah at umalis sa kusina papunta sa veranda niya sa kwarto niya. Alam ko ugali nun.
"Love you too! Sucker!!" Sigaw na nang-aasar na si Elya. Natawa nalang ako sa kakulitan nila.
"Wag mo ng galitin!" Sabi ni Jannah. Nanay din namin yan dahil minsan childish at minsan parang nanay namin dahil strict saamin.
BINABASA MO ANG
Lost Princess: Madison Emerald (Completed)
FantasyAnong mundo nga ba ang kinabibilangan talaga ng isang Madison Emerald Sanchez? Ang mundong kanyang kinalakihan o ang mundo kung saan talaga siya nagmula? Dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay napadpad si Maddy sa lugar kung saan namulat siya sa ka...