Chapter 59: Comeback

10.2K 260 4
                                    

Maddy's POV

Here i am nasa True Paradise parin dahil hindi pa ready na bumalik sila Val. Val nalang daw tawag ko sa kanya, Bianca ang tawag ko ulit sa kanya at Kiara ulit ang tawag ko sa kanya dahil mas sanay sila sa fake name nila. Sasama rin saamin si Aria dahil duty naman niya yun.

Andito ako ngayon sa kwarto ko at nag-iimpake dahil nga babalik na kami bukas. Excited na akong makita ang reaction nila kapag nakabalik na ako este kami kasama na si Aria.

Ano kaya reaction nila? Paano ba nabuhay ang namatay na?

"Bianca!! Ibigay mo saakin sng ice cream ko!!!!" Rinig kong sigaw ni Aria.

Mabunganga talaga ang isang to. Hindi na ako magtataka kung ang buong paradise ay sasabog sa super lakas ng boses ng babaeng ito.

"Ano ba kayo! Ingay niyo!!" Rinig kong sabat sa kanila ni Val. Medyo maka-nanay ang attitude nitong si Val eh. Siya lagi ang sumusuway at nagbabawal sa tropa namin.

"Sorry na MOMMY" sabi ni Bianca. Kahit hindi ko sila nakikita ay naiimagine ko na ang mukha ni Val. Hula ko namumula na ito sa galit dahil sa kakulitan ng dalawa. Parang kasi hindi matured at mga dalaga kung umasta.

"Hindi namin kayo isasama pabalik sa academy bukas kapag hindi niyo ititigil ang kabaliwan ninyo!!" Sigaw ni Val. Galit na siya nyan. Lumabas ako dahil tapos na akong mag-impake.

Halos lumabas na ang lalamunan ko sa kakatawa dahil ang buhok ni Bianca at Aria ay gulo gulo, hula ko dahil sa paghahabulan neto dahil sa icecream.

Si Val naman ay nagagalit at nanlilisik ang mga mata na nakatingin sa dalawang makulit. Parang nanay na sinesermonan ang mga anak na makukulit.

"Sorry naman po, Valentine or Blis!!" Sabi ni Aria at umirap.

"Tigilan niyo na nga ang kabaliwan ninyo. Akala niyo na hindi kayo mga dalaga dahil sa pagiging isip-bata ninyo" sabi ko sa kanila.

"Tama si Madison! Tigilan ninyo yan" sabi ni Val.

"Fine!" Sabi nilang dalawa at lumabas na ng sala papunta sa kitchen. Doon kasi ang puntahan ng dalawa kapag wala sila sa mood. Dalawang Weirdo.

Ano kaya nangyayari ngayon sa academy? Alam na ba nila ang katotohanan? Kamusta na kaya si Ace? Alam ko kasing nasa spell siya kaya ganun and i wont let that fake princess steal him away from me.

Be ready, Rean Yutho. You will meet the real princess soon and you will not gonna like it.

Ella's POV

Nandito kami ngayon lahat ng RS sa kusina at naghahanda ng kakainin for dinner. Ito na ang chance namin ni Zarah na ibalik sa dati si Ace.

We already have a plan. Si Zarah ang manggugulo kay Rean or so called fake princess habang nandito pa kami para hiwalayan niya saglit si Ace.

"Ready?" Sabi ko kay Zarah dahil magkatabi kami.

"Im always ready" sabi niya. Napatawa naman kami pero mahina lang. Baka mahalata nila kami at tanungin pa. Hahaba pa ang gagawin namin.

"Anyways, Emerald. Hindi pa kita nakikilala ng maayos. Ano hobby mo? Malay mo same tayo ng hobby!" Sabi ni Zarah. Ang galing niya sa acting! Nakakabilib din siya.

"Im glad that you asked, Zarah. Ang hobby ko ay archery and swimming" sabi niya at tumawa ng mahinhin. Akala mo naman inosente siya. Hindi bagay sa kanya.

"We are same in swimming pero wala ako sa archery eh" sabi ni Zarah. Nadismaya siya kunwari.

Tumayo na ako at pumunta sa kusina dahil nasa dining area na sila. Kumuha ako ng mga mangkok at nilagyan ko ang para kay Ace ng liquid na magpapatanggal sa spell na ginamit sa kanya. Nilagay ko na ito sa tray at sinerve ko sa kanila.

Lost Princess: Madison Emerald (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon