Maddy's POV
Nandito ako ngayon sa kwarto ko sa palasyo at nag-iimpake. I am very happy dahil nandito na muli ako sa palasyo at buo na muli ang aking pagkatao at ang aking pamilya. Medyo kinakabahan parin ako dahil sa hindi mapaliwanag na dahilan.
"Madison, can i come in?" Rinig kong sabi ni Zarah sa labas ng kwarto ko.
"Yes you can" sabi ko dahil medyo busy ako sa pag-iimpake for our vacation.
Narinig kong bumukas ang pinto at sumara ulit tanda ng pagpasok ni Zarah sa aking kwarto. Umupo siya sa sofa na nasa harap ng bed ko at tumingin sa aking mga mata.
"What do you need?" Sweet na sabi ko dahil bati naman kami eh.
"I just want to say thank you and sorry" sabi niya. Mukhang hahaba pa ang oras ah.
"Para saan naman?" Sabi ko at zinipper na ang backpack ko dahil marami naman akong damit sa mortal world.
"Sa lahat ng nagawa ko at hindi man lang kita pinaniwalaan noong oras na kailangan mo ako" umiiyak na sabi niya. Ayan nanaman po ang iyakan. Pagod na ang mga mata ko.
"Ano kaba Zarah! Ayos lang yun dahil mahal ko kayo and hindi ko kayo masisisi dahil sadyang nasa propesiya ang pangyayari na iyon at sadyang naloko kayo ng peke na iyon" sabi ko at niyakap ko siya.
"Maraming salamat, Madison este Princess Azelleah. Hindi parin ako makapaniwala na isang prinsesa ang matalil kong kaibigan" sabi niya saakin. Natawa naman kami sa inaasal namin.
"O sya! Baba na tayo at magbabakasyon pa tayo" sabi ko. Tumango siya at lumabas na dahil kukunin niya ang backpack na dala niya.
Napailing nalang ako at natawa. Nagmumukha nanaman akong baliw eh. Sabi nila mamayang konti pa alis kaya nagpunta naman ako sa garden. Ang garden kung saan ako laging nagpupunta. I feel peace everytime I am here.
Umupi ako sa damo para langhapin ang sariwang hangin. Sana ganito parin ang malalanghap ng mga lightians kapag tapos na digmaan. Sana mabuhay ako pero parang malabo.
"Hindi ko mapapangakong mabubuhay ako. Patawad" sabi ko at tumulo nanaman ang luha ko.
Ayokong mamatay pero kailangan ko na lumaban at magsakripisyo para saating lahat. Mas pipiliin ko ang kapakanan ng aking nasasakupan lalo na ang mga lightians kaysa sa aking sarili. Mahalaga sila para saakin.
"Mahal na prinsesa. Aalis na raw po kayo" sabi ng isang katulong sa palasyo. Tumayo na ako at sumunod sa kanya dahil dala ko naman na ang bag ko.
"Maraming salamat" nagpasalamat ako sa katulong na iyon. Tumango na lang siya at nag-bow as a sign of respect at umalis na.
"Mag-iingat kayo" sabi ni mommy. Niyakap ko sila ni daddy.
"We will, mom and dad" sabi ko. Tumango sila at hinalikan ako sa noo.
"Ace. Take care of my daughter" sabi ni dad kaya nahiya nanaman ako.
"I will...with all my heart" proud na sabi niya at hinila na ako sa kamay.
Feeling ko ako na ang pinakamapulang tao sa buong mundo. Nag-paalam na ako kila mom and dad. Pumunta kami sa academy dahil doon lang pwede ang lagusan ng portals dahil may barrier ang Magical Kingdom.
"Ako na ang gagawa ng portal" sabi ko at alam na nila ang gagawin.
Tumabi sila dahil medyo malakas ito dahil marami kami kasama na si Earl. Oo, kasama siya para mapanatili naming ligtas ang kalagayan niya dahil hindi siya titigilan ng mga darkians hangga't hindi siya nakukuha.
"Lets go" sabi ko dahil tapos na akong gumawa ng portal papunta sa mortal world. Medyo maraming enerhiya ang naubos saakin dahil sa paggawa ng portal pero ayos lang.
BINABASA MO ANG
Lost Princess: Madison Emerald (Completed)
FantasyAnong mundo nga ba ang kinabibilangan talaga ng isang Madison Emerald Sanchez? Ang mundong kanyang kinalakihan o ang mundo kung saan talaga siya nagmula? Dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay napadpad si Maddy sa lugar kung saan namulat siya sa ka...