Chapter 17: Surprise!

10.9K 326 0
                                    

Maddy's POV

Nandito ako ngayon sa kwarto ko at birthday ko na ngayon! I am finally 16! Nahihiya kasi ako sa mga kasama ko. 16 at pataas na sila. Pero ngayon ay kabilang na ako sa mga edad nila.

Sabi nila Zarah ay may pupuntahan kami pero secret lang daw kung saan. Magdamit daw ako ng maganda.

Naligo na ako at nag-hehair-dryer ako. Ang damit ko ay simpleng red and gold na dress pero may shorts naman ako. Naka-doll shoes lang ako na babagay sa suit ko and maganda naman ang kinalabasan. Hindi naman ako nagmukhang halimaw. Sakto lang.

"Pwede pumasok?" Tanong ni Val na nasa pinto. Tumango ako.

"Tara! Upo ka dito!" Sabi niya. Weird! Di man lang ako binating Happy bday...

"Ah sige" sabi ko. Umupo ako at inayusan niya ako. Nilagyan niya akong make-up pero light lang. Inayos niya ang pilik-mata ko at nilagyan ng medyo glitters sa eye shadow ko.

Super simple lang ng inayos niya sa buhok at make-up ko dahil simplicity is the best. I love how simple describes me the best.

"You're  ready! Lalabas lang ako ah" sabi niya. Yeah, she forgot. Nakakatampo naman siya. Sana hindi ganito ang royalties kapag nakita niya ako lalo na si Zarah.

"Ah sige! Lalabas na din ako" sabi ko. Kinuha ko ang doll shoes ko sa closet ko at sinuot

Bigay sakin ni mommy ang mga doll shoes ko bago kami umalis ng mortal world. I miss them already! Pupunta kaya sila dito sa academy para sa birthday ko?

Lumabas na ako at nakita ko siyang may ka-text sa cellphone. Sino kaya yun?! Nevermind!

"Tara na" sabi niya at sabay na kaming lumabas ng dorm.

"Doon tayo!" Sabi niya at itinuro ang portal na kulay pinkish with gray.

Pumunta kami doon. Saan ito papunta? Magtatanong pa sana ako sa kanya pero nagulat ako nung itulak ako ni Val papasok sa portal.

"Kyahhh!!!!!" Sigaw ko. Bumagsak ako sa isang flower garden ng nakatayo at buti nalang ay nabalanse ko ang sarili ko kundi ay matutumba ako sa mga bato. Masakit pa naman na mahulog sa mababatong lugar.

"Valentine!!!! Your gonna pay for that!" Sigaw ko sa kawalan. Sino naman makakarinig sa sigaw ko diba!? Super tahimik kaya at walang makikitang tao.

"Anong lugar ito?" Tanong ko sa sarili ko. Kinausap ko ang sarili ko at nagmumukha akong baliw!

May nakita akong mapa sa harap ko. Kinuha ko ito at may mga destination pa pala. Nilibot ko ang paligid at kulay gray, silver and pink ang mga village at puno. Mukhang dito nalang ako titira pero shempre joke nalang ulit yung sinabi kong dito na ako titira.

First destination ay ang mini mart sa Northwest. Pumunta ako doon. May nagbigay saakin ng flower sa mini mart na yun. Akala ko ay walang tao pero meron naman. Nagpasalamat ako at pumunta sa 2nd destination.

Ang 2nd destination ay ang Claws Shop. Ito ang shop kung saan makakabili ng mga wand ang witch. Pumunta ako doon. Binigyan naman ako nito ng chocolate. Dalawang box agad! Hula ko masarap ito tutal basa Candy Dimension ata ako ayon sa libro na nabasa ko.

Ang 3rd destination ay ang Flowing Garden. Tinawag itong flowing garden dahil sa tubig na pumapagitna sa mga flowers. Cute! Pumunta ako doon at may nagbigay saakin ng bouquet of flowers with truffles. Nagpasalamat ulit ako.

Ang 4th destination ko out of 7 destination ay ang Kyle's Tower. Ito ang pinakamataas na tower kung saan kitang-kita mo ang buong lugar na ito. I am guessing na nasa Candy Land ako ngayon. Wait.... Nasaan nga ba si Val?

Lost Princess: Madison Emerald (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon