Chapter 4: Save Her

14.8K 417 5
                                    

Maddy's POV

Andito kami ngayon nila Wendy at Val sa Magic Wheel. Sa larong ito, pwede kang manalo basta matamaan mo ang isang wheel sa dambuhalang 3D illusion. Grabe pala ang magic world. You can do everything around here with magic! Unbelievable dahil akala ko talaga dati na hindi totoo ang mahika.

Nanalo si Wendy ng malaking teddy bear na kulay green na may red na ribbon sa ulo. Si Val ay nakatanggap ng ticket to Jean's Cafe. 3 tickets for the three of us. Sakto dahil wala kaming masyadong dalang pera.

Ang cafe na iyon ay magaling sa paggawa ng brewed coffee and mocha. Sabi ng iba na masarap ang mga foods nila doon at maging ang mga frappe nila.

Ang napanalunan ko ay isang treasure map. May mga direction kung saan mahahanap ang treasure na iyon. Ewan ko pero parang may mangyayari. Hindi ko alam kung warning ito pero kailangan ko nalang mag-enjoy.

Pumunta kami sa cafe. Madami na ang tao at masayang kumakain. Sikat pala ito. May lumapit saamin na matangkad, maputi at matangos na ilong na babae. Blonde ang buhok niya at nakakamatay na kulay abong mga mata.

"Welcome to Jean's Cafe! Where your favorite frappe and foods will be serve! How many are you, maam?" Nakangiting bati saamin ng waitress.

"We are here to consume our prize. Table for threeplease." Sabi ni Val at inabot ang ticket sa waitress.

"Oh this ticket symbolizes that you are here to eat and drink for free! Sagot lahat ng Magic Wheel!" Masayang bati niya at hinatid kami sa table namin. Maganda ang disenyo ng table at bagay talaga sa lugar na ito o mga cafe style.

"Here are the menus!" Sabi niya at inabot ang tatlong makakapal na menu. Feeling ko may MGA nakamasid saamin pero alam ko na maganda naman ang pakay nila dahil sa pumapalibot na peace na aura sa cafe na ito.

"Maam! Ok na po ang order namin!" Tawag ko sa waitress. Tumango siya at kinuha ang paper niya at kinuha ang orders namin.

"Isang chilled potato chips, and 1 grande chocolate shake with chocolate syrup" sabi ko.

"Isang nachos with onion syrup and 1 grande mocha shake" sabi ni Wendy.

"Isang nochillas de freeza and 1 grande milktea" sabi ni Val. Ang nochilla de freeza ay mga chilled nachos with fries and syrup. Maganda nga ang combination ng mga pagkain dito sa cafe na ito. Nag-thank you kami sa waitress at pumunta na siya sa counter para sabihin ang orders namin.

After 25 minutes ay dumating na ang orders namin. Super sarap na pero amoy palang iyon. Masyadong masarap ang amoy kaya natatakam na kami.

Kumain na kami. Meron kaming napansin na table sa dulo ng cafe na nangaka-cloak na gold or white na may red. Kumakain din sila pero ilan lang sila. Royalties ba iyon!? Maybe i am imagining things again! Or even worse ay nagha-hallucinate nanaman ako.

"Guys, ano nga pala ang tungkol sa mall na ito? I heard that it is magical!" Excited na tanong ko. Tumawa sila pero may halong creepiness.

"Ang mall na ito ay nabuild 13,000 years ago. Isa ito sa tanyag na mall noon. Dumating ang iba't ibang creatures dito para lamang sa mga shop na nandito dahil exclusively delicate ang mga baging stalls and shops. After 7,000 years ng katanyagan ng mall na ito. Sinalakay ito ng Darklo Kingdom sa pamumuno ni King Uklo." Sabi ni Wendy.

"Wait nga lang! Sino si Uklo na yun?" Tanong ko. Kumain ako at sumandal.

"Siya ang hari mg Darklo Kingdom noong ika-pitong siglo kaya matanda na siya nung mamatay ay dahil sa saksak sa puso na parang gawa ng mga lightians" paliwanag saakin ni Wendy kaya napatango naman ako.

Lost Princess: Madison Emerald (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon