Chapter 73: Danger

7.8K 229 7
                                    

Maddy's POV

"Kain na guys!!" Sabi ni Aria dahil siya ang nagluto ngayon. Volunteer daw siya sa pagluluto ngayon.

Bumaba na kami at naamoy ko ang pamilyar na amoy. That is...SOPAS!!

"SOPAS BA YAN?!" Sabay na sigaw namin ni Zarah kaya napatawa nalang kaming lahat.

"Ofcourse! Suit yourselves!" Sabi ni Aria. Agad akong kumuha ng mangkok at kutsara.

"Hinay hinay lang guys! Madami yan!" Sabi ni Jannah at tinawanan kami. Nag-pout naman ako kahit na naiinis na ako sa kaniya ngayon.

"Favorite niya yan kaya pabayaan mo na" sabi ni Kuya Ash. Natawa naman kami sa kakulitan naming lahat. Hindi naman lahat pero halos lahat naman. Ano raw?

"Ok fine! Ako rin kukuha na" sabi ulit ni Jannah at kumuha na rin.

Bumalik na kami sa dining aria. Sanay kaming sabay-sabay kakain kaya hinintay muna namin ni Zarah ang iba kahit na takam na takam kami ngayon. Kulang nalang ay ubusin na namin ang laman ng kaldero na pinaglutuan ng sopas.

"Let's eat" sabi ni Ella. Excited yata siya ngayon. Super daming niluto ni Aria na sopas na hanngang bukas na talaga ang itatagal.

"So anyways. Wag niyong mamasamain. Sino ang magsasakripisyo sa digmaan? Si Azelleah ba?" Biglang open ni Zarah. Natahimik kami sa sinabi niya. Well, i don't want them to be worried about me. Tinignan ko si Aria at tumango siya.

"Well, as you can see. Hindi ko pwedeng sabihin kung sino siya dahil maiiba ang kapalaran nating lahat. Walang sinuman ang makakapagpabago sa desisyon at tadhana na ibinigay ng Propesiya. Si Azelleah ba? Ayan ang tanong na alam kong bumabagabag sa isipan ninyo. Ang totoo ay pwedeng siya o maaaring iba naman. Ayan lamang ang pwedeng sabihin ko para sa ngayon" sabi ni Aria. Haba naman.

"Ah ok. Pero malakas kutob ko na hindi si Maddy yun diba?" Sabi ni Elya. Ngumiti naman ang RS. Napaka-positive naman nila. Nakakatuwa kahit na nakakalungkot.

"Syempre naman hindi siya" sabi ni Ace. Naging madaldal siya ngayon na ikinatuwa ko naman. Nagbago na nga siya.

"Anyways! Pasok na ako sa room ko. Magbabasa muna ako ng spells" sabi ko. Ayaw ko kasing umiyak sa harap nila at baka tanungin ako at wala akong maisagot. Mahirap na at baka paasahin ko sila.

"Sige. Maaga tayo mag-jogging bukas neh?" Sabi ni Zarah dahil bonding daw naming dalawa.

"Sure!" Sabi ko. Pumunta na ako sa kwarto ko at pumunta sa banyo upang maligo.

Habang nasa bathtub ako ay hindi ko mapigilan na umiyak dahil nanaman sa propesiya. Tanggap ko naman na pero ayaw kong sabihin sa kanila dahil baka maging pabigat pa ako sa iniisip nila.

"Magiging ayos din naman sila diba kapag ako ay wala na diba?" Tanong ko sa sarili ko. Lumiwanag ang kwintas na bigay ni Val saakin. Yung crystal na gawa sa poison kung saan nandun ang ala-ala ng aking mga kaibigan.

Pinagmasdan ko ito at napatawa naman ako. Kamusta na kaya si Wendy noh? Antagal narin nung nagpaalam siya saamin. Ipinangako ko sa sarili ko na hahanapin ko ang traydor na pumatay sa kanya.

Meron naman na ako nasa isip pero hindi ko pa napapatunayan na siya nga iyon. Pero I can only do one thing and that is to ask him forcely gamit ang ROPE OF TRUTH.

Ang Rope of Truth ay isang kulay gold na glowing na lubid or rope. Itatali mo ang gusto mong tanungin na tao at itanong ang gusto mong tanungin sa kanya. Magsasabi lamang siya ng totoo dahil ang rope ay para sa katotohanan lamang.

Natapos na ako mag-bathtub at pumunta na ako sa kwarto ko para magresearch. Hahanapin ko yung Rope of Truth pero alam kong nasa academy lang iyon. Try ko sa TechLab.

Lumabas ako at nakita ko na wala na sila sa dining area. Hindi na ako magtataka dahil super nagbabad ako ng sobra sa bathtub dahil sobrang init na mapapaso ka pero hindi naman literal na paso.

It is past midnight na so medyo curfew time na at baka mahuli ako ng guard na magiikot para icheck kung may lumalabag sa curfew namin. Baka mapunta ako sa detention kung nagkataon.

I silently went outside our dorm. Super tahimik at super lamig dahil gabi na. Nakakapangilabit na sa takot kahit na wala naman dapat ikatakot. Ewan ko pero kahit summer ay malamig tuwing gabi. Naka-cloak ako na kulay black para hindi halata sa gabi.

Nasaan kaya ang TechLab. Wala kasi kaming subject na iyon dahil para sa mga technology powers ang room na iyon gaya ng time at bombs. TechLab is one of the most exciting subject sabi ni Earl dahil nga time ang power niya.

Pumunta ako sa malaking map sa loob ng faculty room dahil nandoon ang information na kakailanganin ko for directions na papunta sa TechLab.

Hindi ko pa kasi alam kung saan yun dahil tagong-tago ang lab na iyon dahil sa mga laman na malalakas na techpowers. Baka may magnakaw kasi at mahirap na.

Nasa tabi lang pala ng Swimming Room eh. Kaya pala hindi ko alam dahil nasa dulo. May nakita akong flashlight at ibig sabihin ay nandito na ang guard. May rounding nga naman sa faculty ngayon. Nakakainis naman. Baka mahuli pa ako.

"Sino nandyan sa faculty?" Sabi ni Manong Eddie. Si Manong Eddie ay isa sa kaclose kong guard dito. Wala na akong takas! Magpapaliwanang nalang ako sa kanya.

Lumabas ako sa lungga ko at nakita ko na nagulat siya. Huminto siya sa paglalakad dahil parang nakatulala parin ito saakin.

"Princess Azelleah?" Tanong niya muna saakin. I miss him dahil parang tatay ko narin siya eh. Sobrang bait niya saakin.

"Opo. Pwede niyo po ba akong samahan sa TechLab?" Sabi ko dahil baka maligaw pa ako dahil pina-ayos ang buong academy.

"Sige po. Tara na po" sabi niya. Hinatid niya na ako sa TechLab. Nagpasalamat naman ako sa kanya.

Pumasok na ako at super laki ng TechLab. Parang isang kweba ang lugar dahil sa tahimik at super dilim. Binuksan ko na ang ilaw at tumabad saakin ang naglalakihang sandata. Naalis naman ako.

Napukaw ng atensyon ko ang umiilaw na lubid sa second floor ng TechLab. Umakyat ako at ang Rope of Truth ang nandun. Nag-finger scan ako at nag-green naman dahil lightians at Royalty ako. Tanging kami lang ang required na humawak dito.

Kinuha ko ito at nilagay sa bag na dala ko. Baka kasi mapansin nila dahil umiilaw. Lumabas na ako sa TechLab at baka hinahanap na ako ng mga kasama ko. Masasapito nanaman nila ako kapag nagkataon.

Habang naglalakad ako ay ramdam ko na may sumusunod saakin and I can sense na royalty siya pero dark ang pumapalibot na aura sa kanya! Ibig sabihin lang ay darkian siya! Paano siya nakapasok dahil may barrier naman.

Lumingon ako at nakita ko si...... YUE!! Anong ginagawa niya rito? Lumapit siya saakin at pilit akong gumagalaw para makatakas pero kinokontrol niya ako.

"Yue? Bakit ka nandito?" Sabi ko sa kanya at pilit na hindi mautal. Nakakatakot ang titig niya saakin.

"Well. The name is not Yue. I am the dark prince, Derick and I am here to get you dahil you will marry me whether you like it or not. Your only mine Azelleah and i am the traitor" sabi niya saakin pero may ininject siya saakin at tuluyan akong nakatulog.

Mamatay ka, Yue. Sisiguraduhin ko yun kahit na kaibigan kita. Hindi ko hahayaang may maniwala pa saiyo. Magbabayad ka.

Yue or Prince Derick's POV

Sa wakas ay nakuha ko na ang babae na matagal ko ng minamahal. Sobrang nagseselos ako kapag kasama niya si Ace o kung sino man. Gusto ko ay ako lang! Wala nng iba kundi ako lang!

Hindi ko siya papakasalan dahil sa kapangyarihan kundi sa pagmamahal na meron ako sa kanya. Matagal ko ng alam na siya ang prinsesa KO pero kailangan ko na magplano kung paano siya makukuha and here I am.

Oo, ako ang traydor. Matagal na ako rito at ilang beses ko na siyang pinagtangkaan na kuhanin ngunit kasama niya lagi ang RS at sina Aria. Mahirap magpanggap at mahirap tiisin na masaya. I will never be happy till I get her.

"I will protect you no matter what" sabi ko sa kanya na bitbit ko in bridal style. Hinalikan ko siya sa noo at pumasok na sa portal patungo sa Darklo Kingdom.

No one can take her away from me. They will taste my anger if they will do it.

Lost Princess: Madison Emerald (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon