Chapter 76: The Lotus Flower

8K 226 2
                                    

Aria's POV

Nandito kami ngayon sa palasyo at hinihintay na magising si Maddy. Tinali namin ang kamay at paa niya para hindi siya makagamit ng kapangyarihan at hindi rin makatakas.

"Papatayin ko talaga si Derick" basag ni Ash sa katahimikan. Tama naman ang sinabi niya at dapat kay Derick na yun.

"Sama mo naman kami sa Operation: Kill Derick" pambibiro naman ni Jannah. Mahirap kaming patawanin pero ayaw kong mapahiya siya kaya ngumiti nalang rin kami.

After some minutes ay pumasok si Tita Irra and Tito Andrew kasama si Doc Paul. Siya ang family healer or doctor ng pamilyang Smith.

"I have news" sabi ni Doc Paul. Magaling siyang doctor pero mas magaling parin si Maddy dahil sariling healing ability mayroon si Maddy pero siya ay technology.

"What is it?" Tanong ni Bryan. Ngayon ko lang ito ulit narinig magsalita ah! Nakakapanibago naman.

"There is a cure for her" sabi ni Doc Paul kaya napatingin kami sa kanya ng deretso.

"Ano iyon?" Sabi agad ni Ian.

"The Lotus Flower is the Twin Mountain. Sa gitna ng dalawang twin mountain ay nandun ito. Kailangan ninyo agad itong mahanap dahil isang araw nalang ay ganap na darkian na siya" sabi ni Doc Paul. I hate darkians! I hate it when someone talked about darkians. Nakakainis.

"We will do it. We are gonna leave later after lunch" sabi ni Ace. Desidido talaga siya. Alam ko na malayo ito sa Magical Kingdom eh.

"Saan ito matatagpuan?" Seryosong tanong ni Tyler kay Doc Paul. Napaisip naman si Doc Paul.

"Alam ko. Malapit lang ito sa Kingdom namin. Alam ko kung saan ito matatagpuan" sabi ni Elya. Malapit lang ang Earth Kingdom dito sa Magical Kingdom kaya mabilis lang ito. Mamayang gabi na siya sasakupin ng dark liquid na yun.

"Lets get ready. Malapit lang pala" sabi ni Zarah. Tumayo na kami.

"Thank you. Sorry kung nakakaabala kami sa inyo" sabi ni Tita Irra. Niyakap siya ni Zarah at Bienna dahil close naman sila pati naman kami.

"Its ok tita. Kami rin naman ang nagpabaya eh" sabi ni Bienna para mapagaan ang loob ni Tita Irra.

"Ok. Mag-ingat kayo and don't blame yourselves for whatever happened" sabi ni Tito Andrew naman.

"We will." Sabi ni Kiara. Lumabas na kami sa kwarto na tinutuluyan ni Maddy.

Nagpunta kami sa sariling mga kwarto at naligo at nagbihis ako. Mainit ang pinaligo ko dahil mag-wiwinter na agad. Bago-bago talaga ang season dito.

Bumaba na ako at pumunta sa garden dahil dito ang meeting place namin. Kumpleto na sila at kulang nalang ay ako at si Jannah. Mabagal talaga kumilos si Jannah eh

"Is Everyone ready?" Sabi ni Ace dahil nandito kami sa garden.

"We are born ready!!" Sabay-sabay na sabi namin. Nga katagang nagpapatibay sa loob namin at sa aming tiwala sa sarili.

"Then lets go. Elya at Ella, lead the way" sabi ni Ace. Tumango ang magkapatid at naglakad na kami.

Hindi na kami nahatid ni Tita Irra at Tito Andrew dahil binabantayan nila si Maddy at ang kaharian. Alam kong mahirap na makita ang anak nila na nasa peligro ng buhay niya pero kailangan natin kumapit sa isang hope and faith.

"Dito papunta sa Twins Mountain. Mag-iingat tayo dahil maraming creatures ang nagbabantay sa mga bundok na yun" sabi ni Ella. Nabasa ko na ang libro na yun at eto ang natatandaan ko:

Ang Twins Mountain ay pinamumunuan ng isang cyclop na makapangyarihan at isang air winder na first class.

Ang Twins Mountain ay isa sa magandang lugar sa buong Magical World dahil dito naninirahan ang maraming legendary species. Mahirap pasukin pero sadyang maganda talaga

Lost Princess: Madison Emerald (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon