Chapter 10: Challenge

12.4K 348 2
                                    

Maddy's POV

Nandito ako ngayon sa garden ng academy. Buti nalang Saturday kundi hindi ako papasok dahil sa pagod sa party nayun. It is fun and exciting at the same time pero nakakapagod din naman. Hindi ko expect nga na bomgga ang mga party dito and take note na MAGIC ang may gawa.

May tumabi saakin. Si Damon lang pala. Super tahimik namin dahil narin sa akwardness

"Pinapapunta tayo ni HM sa office niya mamayang 12:00 PM." Sabi niya.

"Sige. Balik muna akong dorm" sabi ko. Hindi siya umimik. Umalis na ako. 10:48 AM na pala.

"Andyan ka pala! Hinahanap kita eh!" Sabi ni Val. Nandito lang ako bakit hahanapin niya pa ako? Kaliit lang ng dorm namin.

"Bakit mo naman ako hahanapin?" Tanong ko. Kumuha akong cookies at milk. Nagugutom nanaman ako dahil adik ako sa mga pagkain lalo na ang sweets.

"Meron daw tayong challenge nila Wendy, Yue at mga Royalties sa Enchanted forest!" Excited na sabi niya. Ano naman ang excitement sa gubat na yun? Baka mamatay agad ako dahil wala akong powers.

"Ano naman ang enchanted forest na yun?" Takang tanong ko. Humarap ako sa kanya para naman kita ko ang mukha niya.

"Ang Enchanted Forest ay ang isa sa makapangyarihan na forest sa buong Magical World. Dito naninirahan ang mga creatures na magagaling kagaya ng sephoro(bird that has tail and breaths fire and can kill you in a second), willengi(bull na kaya kang saktan with its 10 long horns) at cruxia(isang fairy na kayang ifreeze ang oras at patayin ka). Nandito din ang mga mahihiwagang bulaklak. Masaya ito at sinasabing doon nakatira ang legendary unicorn ni Princess Emerald." Sabi niya. Wow haba ah! Mukhang exciting!

Pumasok na ako sa kwarto at naligo. May challenge kaya pang fight dapat ang damit ko! Alangan namang mag-gown ang isnag tulad ko na minsan ay walang sense ang fashion!

Nag-pony tail nalang ako. 11:43 AM na!!! Lumabas ako pero nagpabango muna ako. Shit! Baka ako nakang ang kulang. Pero alam ko ay hihintayin ako ni Val.

Paglabas ko naka-ganito din si Val pero iba ang design at color.

"Ghad!! Kala ko magde-dress ka eh!" Sabi niya at tumawa. Binatukan ko siya. Tanga naman niya! Akala mo ay hindi mature!

"Bakit ano ba!? Magchachallenge tayo tapos naka dress ako?! Nasaan na yung utak mo?!" Tanong ko.

"Biro lang naman! Inferness ang ganda natin!" Sabi niya. GGSS lang ang peg? Pero, tanggap ko naman na inborn na ang ganda ko

"Tara na nga! Naghihintay na siguro sila!" Sabi ko at naunang lumabas.

Pumasok na kami sa office ni HM. Lahat sila nakatingin saamin at naka warrior suit din.

"Well informed naman pala kayo sa gagawin. Kailangan niyo lang makuha ang hidden stone egg ng dragon sa pinakadulong cave with the help of team work. Merong mga trap kaya pagbutihan ninyo. Automatic kayong babalik dito kapag nakuha na ninyo o isa sa inyoang stone egg na yun. You may proceed sa enchanted forest."

Wag mo akong guguluhin ngayon, heart and mind! Wala akong weapon kaya paano ako makakalaban kung walang sandata! May nag-abot ng fire crystal sword saakin. Nakita ko si Ace pala yun.

"Thank you" sabi ko. I-snob niya ako at pumunta sa loob ng forest. Saksakin ko kaya siya sa utak para tumino naman ang ugali pero hindi ko magagawa yun dahil ayaw kong makulong o patayin ng mga fangirls niya

Tuluyan na kaming pumasok sa forest at naglakad-lakad. Huminto ako dahil may nakaagaw ng atensyon ko sa right side. Di nila ako napansin dahil nauuna sila saakin. Sinundan ko iyon.

Lost Princess: Madison Emerald (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon