Chapter 12: Magicing

11.3K 341 6
                                    

Maddy's POV

Di parin maalis sa isip ko ang nangyari. Nakakainis. Pero nagmomove on na ako. Naalala ko ang pagligtas ni Damon saakin. Napangiti naman ako. Nandito ako sa field dahil Magicing na ngayon. Im nervous dahil wala pa akong powers.

"Alam mo ba na may nakakulong ngayon sa Dungeon? Lalaki raw! Gwapo din pero rapist ata!" Rinig kong bulungan ng dalawang estudyante kaya nakinig muna ako.

"Nakakatakot naman yan! Sino ba humuli? Dapat lang nasa dungeon ang mga rapist gaya niya!" Sabi naman ng isang babae na kasama niya.

"Yung Royalties ata ang may pakana kung bakit siya naghihirap ngayon. Binangga ba naman yung si... Ate Maddy ata. Buti nalang safe siya bago siya tuluyan ng lalaki. Pinasara pa ng buong Academy yung business niya na Icecream Shop! Buti nga sa kanya!" Natuwa naman ako sa narinig ko dahil nandyan ang RS para saakin.

"Ate Maddy? As in yung nasa Beginners?" Tanong naman ng kasama niya ulit.

"Tangina! Kakulit! Oo nga! Yung maganda na sexy! Hayst! Basta! Tara na nga! Baka malate pa tayo!" Sabi ulit ng babae. Napangiti naman ako. Lumakad na sila palayo kaya naman naupo na ako sa seat na para saakin na may pangalan ko pa.

"Good Morning Academy! Today we will start our Magicing to find your uppowerful path. Your goal is to destroy that barrier that is hundred times thick in 2 minutes!" Sabi ni HM. Kinabahan kaming lahat pwera nalang sa RS dahil alam naman ng lahat na makapangyarihan sila. Nagsimula na at ang Royalties ang nauna.

Si Elya ang nauna. Nagpalabas siya ng earth ball at may kasamang ipo ipo na gawa sa earth power hinagis niya ito at malaking crack ang umalingawngaw. Nabasag naman kahit papano

Si Ella na ang sunod. Gumawa ng earth giant vines. Pinagsama niya ang powers niya na vines and balls kaya malaki ang damage at nabasag naman ito.

Si Jannah naman ang sunod. Nagsummon siya ng water dragon at inatake ang barrier. Nabasag ang barrier dahil sa impact.

Si Zarah naman ang sunod. Nagpalabas siya ng air bomb na may blades sa gilid. At boom!!!! Basag ang barrier!

Si Bryan na. Naglabas ng water droplets with poisonous veins si Bryan. Wasak talaga ang barrier dahil sa lakas pero may hindi parin nabasag..

Si Damon na ang next. Nagsummon siya ng five headed air and fire breathing dragon. Umatake ang dragon sa barrier. Super lakas kaya wasak agad in 34 seconds!?!

Si Tyler naman ang sunod. Nagpalabas siya ng fire shaker na parang earthquake. Nawasak ang barrier in 38 seconds?! What the hell?!

Si Ace naman ang next. Nagpalabas siya ng fire phoenix na may water summoner or power. Wow super galing! Nawasak ang barrier in 18 seconds?! Record breaker na ata siya eh.

Si Yue na ang next dahil tapos na ang royalties. Nagdilim ang paligid at pagbukas ay wasak na ang barrier. Ah yung night reflection ang ginawa niya. Galing!!! Kahit na nasa beginner palang siya ay alam mo ang taglay ng kapangyarihan niya.

Si Valentine naman ang next. Hinagisan niya ng 1000 poison bar with balls ang barrier kaya nawasak! May improvement siya! Di na ako magtataka kung Superior na sila ni Yue! Ako? Nganga nalang muna ako sa ngayon dahil wala pa akong powers.

Si Wendy na. Naghagis siya ng madaming higanteng plant breaker. Nawasak ang barrier. Ang galing nila at sana kayanin ko rin

"Next is Ms. Madison Emerald Sanchez!" Sabi ng emcee. Shet! Ako na.

"Go bessy ko"
"Go Maddy!"
"We love you!"

"Goodluck cupcake" May bumulong na tinig saakin. Sino yun?Kanino galing.

"Feel the presence of your surrounding and focus" bulong ng isang tinig saakin.

Nasa gitna na ako. I closed my eyes and focus. I feel na may energy na gustong kumawala sa akin.

I open my eyes dahil nalabas ko na ang enerhiya na iyon. Nakita kong basag na ang barrier bago ako mawalan ng malay.

Wendy's POV

So eto na nga, nagfofocus si Maddy sa gitna. Biglang lumakas ang hangin at aura niya. Nagpalabas siya ng earth power pero nakakapagtaka dahil iba ang kulay ng nature niya or ng powers niya. Kung kulay green ang normal, sa kanya ay may halong red, green and blue. Astig! So earth pala powers niya

Bumagsak na siya at sinalo siya ni Ace. I really ship them! Ok guys, Damon or Ace. Ako kasi Ace eh.

Pumunta na kami sa clinic. Dinala siya ng mga doktor sa isang room. After 20 minutes to be exact, lumabas na ang doktor.

"As i told you, nanghihina ang puso niya! Napalabas niya na ang kanyang kapangyarihan kaya mag-iingat!" Sabi ng doktor, napailing siya saamin at umalis na.

Pumasok na kami sa room niya. She is so pretty as always. Lumabas na si Ace at Damon. Im kenekeleg. Di ko naman crush si Damon eh! Nakita ko ang gwapong nurse na nakatalikod saamin at siya ang crush ko.

Siya si Clark. Ang crush ko. 18 years old at mabait. Siya ay isang ice mage at hindi na ako magtataka kung maraming nahuhulog na babae sa kanya at isa na ako doon. Umalis na siya kaya sira nanaman ang tanawin ko.

Ako ang nagprisinta na bantayan si Maddy dahil ako lang ang avail ngayon.

"Sana di ka masaktan sa mangyayari." Sabi ko sa isip ko.

Lost Princess: Madison Emerald (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon