Maddy's POV
Heto na ang araw na aking pinakamumuhian ng sobra. Pilit kong tinatanong na kung bakit hindi magkasundo ang dalawang panig at bakit dapat may mamatay pa.
Nagte-train kami ngayon ng beginners sa training field kasama ang iba pang beginners at super hard nilang mag-train. Halatang gusto nila ipanalo ang gaganaping war mamayang gabi.
"Sa tingin mo Maddy mananalo tayo?" Tanong saakin ng kadarating na si Zarah. I looked at her pero tinago ko ang lungkot ko.
"We will. Hanggat nandito ako ay hindi ko sila hahayaan na manaih" proud na sabi ko. Tumawa naman siya kaya napatawa nalang rin ako.
"Hindi ka naman siguro ang magsasakripisyo hindi ba?" Biglang tanong niya kaya napatigil ako bigla pero hindi ko ipinahalata na kinakabahan ako at nalulungkot.
"Ano kaba! Hindi ko rin alam eh. Kung ako ay gagawin ko para sa kapayapaan na hinihiling nating lahat" sabi ko at ngumiti ng mapait sa kanya. Baka biglang bumuhos ang luha ko eh.
"You wont. Proprotektahan kita" sabi niya saakin. Niyakap ko siya at hindi ko na talaga napigilan ang aking mga luha. Tumawa naman siya dahit humihikbi ako.
"Dont cry. I wont let that happen" sabi niya saakin. Niyakap ko pa siya ng mahigpit. Damn! I will miss this girl!
"Tama na nga ang drama! Puntahan mo na si Ace sa kwarto niya" sabi niya saakin. Nginitian ko siya at pinunasan ang luha ko.
"Sige. Mag-ingat ka ha" sabi ko. Hindi na kasi ligtas pa sa ginagalawan namin ngayon. Ang barrier namin ay gawa narin sa kapangyarihan ko kaya malakas naman ang pwersa.
Pumunta na ako sa dorms namin. Nung una ay wala akong nakitang tao sa loob ng dorm pero naaninagan ko ang anino ng isang lalaki at alam kong si Ace iyon.
"Ace?" Paninigurado ko muna. Nasa kusina iyon eh. Lumingon siya saakin kaya alam kong si Ace talaga yun. Tinignan ko ang hawak niya na bote at isang rum.
"Bakit ka umiinom!?" Bulyaw ko sa kanya. Ano nangyari sa kanya? Bakit umiiyak siya? Hinigit niya ang braso ko at hinatak ako kaya napaupo ako sa kandungan niya. Niyakap niya ako ng super higpit.
"Im scared. Nalaman ko kila Earl na ikaw ang magsasakripisyo. Wag mo akong iwan" sabi niya saakin. Nagulat ako kaya napaiyak nanaman ako. Kanina lang eh umiyak ako tapos ngayon parin.
"Dont be scared. Gagabayan ko naman kayo eh. Atsaka ayun na ang kapalaran ko" sabi ko. He hugged me tighter. Ayoko siyang iwan este silang iwan pero hindi na mababago pa ang propesiya.
"Hindi! Hindi ka aalis! Hindi mo kami iiwan!" Sabi niya at umiyal nanaman. Rinig ko na ang pagsinghot niya.
"Promise me na hahanap ka ng magpapasaya sayo na higit saakin ha kapag nawala ako." Madiin kong sabi kahit na nahihirapan ako. Ayaw ko siyang ipagkatiwala sa iba pero walang katiyakan na ako ay babalik pa.
"Hindi ko ipapangako iyan! Babalik ka at malakas ang kutob ko" sabi niya.
Tinaas ko ang ulo niya kaya napatingin kami sa mata ng isa't isa. I smiled and kiss him unconditionally. I love him pero ayaw ko siyang masaktan ng dahil saakin. Habol hininga kami pagkatapos ko siyang halikan.
"Hindi kita pababayaan" sabi niya saakin. I can say na seryoso at matatag siya. Wala atang makakapagpabago ng isip niya.
"It's your choice pero gagawa parin ang tadhana ng daan para matuloy ang propesiya" sabi ko. He smiled but i know its fake deep inside.
"AHHH!!!" rinig kong sigaw sa labas. Napatayo ako at tumingin sa labas. Nandun na ang darkian at sinisira na ang barrier. Nagpalit na agad ako ng outfit into war outfit. Ganun din si Ace.
BINABASA MO ANG
Lost Princess: Madison Emerald (Completed)
FantasyAnong mundo nga ba ang kinabibilangan talaga ng isang Madison Emerald Sanchez? Ang mundong kanyang kinalakihan o ang mundo kung saan talaga siya nagmula? Dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay napadpad si Maddy sa lugar kung saan namulat siya sa ka...