Chapter 49: Test- Part 1

9K 252 7
                                    

Maddy's POV

Mas naging maingat ako ngayon sa paligid. Hindi ako basta-basta nagtitiwala o kumakausap ng mga tao dahil alam ko na malapit lang saakin ang traydor. Naniniwala ako na kapag sinabi namin ni Elya ang tungkol sa traydor ay malalaman ito ng taong iyon.

Nandito ako ngayon sa dorm room ko at nanunuod ng tv. May tv kase dito. Im super bored dahil Saturday ngayon. Sa Monday ay wala kaming pasok dahil may holiday. Akalin niyo yun! May holiday din pala rito.

Ang holiday na iyon ay ang pagkakatayo ng academy na ito. Wala kaming mga pasok dahil aalis ang mga teachers papunta sa isang conference.

"Madison! Magbihis ka dahil may papagawa daw saatin si HM" sabi saakin ni Zarah sa labas ng kwarto ko.

"I will be there" sabi ko. Tumayo na ako at dumeretso sa banyo dahil hindi pa ako naliligo. After kong magbihis at mag-ayos, magshower and whatever ay lumabas na ako mula sa kwarto ko.

"Lets go" sabi ni Ace at nauna ng maglakad palabas ng dorm namin. Ano paba choice ko diba?

Pagpunta namin sa office ni HM ay tumambad saamin ang mga box at may mga pangalan namin. Pumasok na kami at bumungad saamin si HM na nakangiti.

"Good morning, Superiors! I just want to say sorry for your loss and thank you for your cooperation" sabi ni HM.

"A helpodd e?" Bulong ko para di narin marinig at maintindihan. Hindi narinig ni Bianca dahil malayo siya saakin. It is in neutra language.
*Translate: Tumulong ba siya?*

"Get your box with your name on it" sabi ni HM.

Kinuha ko na yung akin tapos tinignan itong mabuti. Sa labas ay plain color of the box lang siya.

"Open it" sabi ni HM. Pagkabukas ko ng box ay may flower crown ito sa loob. Para saan ito? Kinuha ko ito.

"Flower crown? Ano gagawin namin dito?" Tanong ni Val.

"May ibibigay ako sa inyong TEST. Papasok kayo sa isang dimension which is a sort of forest. Ang forest sa dimension na iyon ay napakadelikado lalo na puno ito ng mga vampires, wolves and demons. Ang mga flower crown na iyan ay magsisilbing weapon niyo. Isuot niyo ito at hilingin ang kahit na anong weapon gusto niyo pero limitado lang ang pwedeng hilingin. 10 weapons lang ang kaya mong isummon dyan. You will leave tomorrow. Ang goal niyo lang ay makalabas ng forest na iyon na buo at walang patay. Understood?" Sabi ni HM. Kinabahan naman ako!

"Understood" sabay-sabay naming sabi.

"Your departure time is at 4:30 AM. 3 araw lang ang ibibigay ko sa inyo para makalabas doon. If you failed to get out of there in 3 days, you failed your all subjects. Dismissed" sabi ni HM.

Lumabas kami at kinakabahan maliban lang ata sa APAT na yelo. Putcha! Dumagdag pa si Ash! May dadating paba? Wag na sana kung meron pa.

"Grabe naman si HM" sabi ni Zarah.

"Wag ka nalang kasi magreklamo" sabi ni Damon sa kapatid.

"Pake mo ba!" Sabi naman ni Zarah. Initin din ng ulo ng putek na ito eh.

"Hanapin mo pake ko" sabi ni Damon.

"San banda!?" Nakalusot pa si Zarah ah!

"Hanapin mo nga diba? Tsk" sabi ni Damon at umalis na sa grupo namin.

"Wag mo kasing iniinis" sabi ni Ella. Really? Something is fishy sa kanila ni Damon talaga. Something talaga!

"Yes Mommy" sarcastic na sabi ni Zarah.

"Tara na nga sa dorm" aya ni Elya. Lumakad na kami papunta sa dorm namin.

Pumasok na kami and i felt dizzy. Something is not right! Napahawak ako sa pintuan at napaluhod.

Lost Princess: Madison Emerald (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon