Chapter 5: What Really Happened

13.6K 383 3
                                    

Zarah's POV

2 araw ng tulog si Madison. Nakakalungkot lang na aabot pa sa puntong ito dahil sa mga darkians. Miss ko na siya. Sobrang-sobra. Andito kami ngayon nina Val, Wendy and Royalties sa kwarto ni Maddy. Namumutla parin siya at medyo mataas ang porsyento na pwedeng mamatay siya. Umiiyak nanaman ako. Hindi ko ito palalampasin.

"Andrama mo naman!" Sigaw ni Kuya Damon saakin. Nakita nila tuloy ang kahinaan ko. Kaibigan at pamilya.

"Bakit ba Kuya!? Bestfriend ko to eh! Ikaw kaya magkaroon ng bespren na nasa hospital bed!" Pagmamaktol ko.

"Tsk" tanging sabi nalang niya. Hindi siya mananalo sa laban namin. Tarayan ko pa siya.

"Oh! Ano ba!" Sigaw ni Jannah. Naghaharutan kasi sila ni Ella. Masyadong childish.

"Can you shut the fuck up!?" Sigaw ni Tyler. Wala kasi si Elya. Masyadong masungit dahil wala si Ate! Balik ka na Ate Elya.

"Eto na! Wag mainit ulo! Tawagan ko nga si Ate!" Panunukso ni Ella kay Tyler. Lumabas agad si Tyler. Baka kinikilig na yun dahil kay Ate Elya.

After 10 minutes, bumalik siya kasama ang isang nurse. Nurse ba to?! Mukhang malandi dahil maigsi ang uniform at makapal ang make-up. Akala naman niya na maganda siya! Pwede na siya sa circus at maging clown tutal naka-costume siya at kulang nalang ay performance.

Si Bryan o si crush ay nasa couch na at nagbabasa ng spellbook. Tumingin naman ang nurse ng nakakaakit kay Kuya Damon. Napairap nalang. Kung sa tingin niya ay malalandi niya si Kuya ay wag na dahil baka tumalsik pa siya sa lakas ng hangin.

Chineck niya si Maddy. Nakita ko siya na kumindat kay Kuya at tuluyan itong nilapitan at malanding hinawakan. Seriously? Hindi niya ba kami kilala at kung makaakto ay hindi niya kami sinasanta.

"What the fuck! Get off me!" Sabi ni Kuya na tinulak-tulak siya pero matigas. Hindi na ako makatiis. She is over the belt na!

Hinila ko ang makapal at pink na buhok. Napasigaw siya sa sakit. Umiiyak na nung kinaladkad ko palabas. Wala na akong pake kung may umawat basta lumabas siya sa lugar namin.

"Tama na po!" Nagmamakaawang sabi niya. Di ko siya pinansin. Kung wala siyang sinasanta ay dapat galangin niya kami dahil mga prinsesa at prinsipe kami. Wala siyang modo kung ganun naman pala ang ugali niya.

"Kung nurse ka, dapat gawin mo ang trabaho mo! Huwag yung kukuyabit ka sa mga prinsipe na type mo! Dahil nurse ka! Hindi ka stripper!" Sabi ko. Iyak siya ng iyak. Masyadong iyakin at kulang nalang ay ilubog ko na siya sa bowl ng restroom.

"Ano pong nangyari?" Tanong ng isang nurse. Si Dett ata yun, yung nurse ni Maddy.

"Pagsabihan mo yang kasama mo na huwag lalandiin ang mga lalaking nasa paligid niya. Mukha na nga siyang sipsip dumagdag pa ang pagiging ahas niya!" Sigaw ko.

"Paumanhin po, princess Zarah." Sabi niya at hinila ang malanding nurse na yun. Nakita ko ang mga hibla ng buhok niya sa sahig. Super hinatak ko kaya nalagas. Baka may germs pa ito kaya nag-alcohol muna ako bago bumalik sa room ni Maddy.

Bumalik na ako sa kwarto ni Maddy. Tahimik at gulat parin ang iba. Hindi nila ako sinundan dahil laban ko ito at ayokong may makikialam pa!

"Your awesome Zarah!" pamumuri ni Val. Nginitian ko lang siya. Ganyan dapat ang intro para nakakagaan ng pakiramdam.

"Tanong lang! Paano niyo nalaman na nasa panganib ang buhay ni Maddy?" Takang tanong ni Wendy.

Bumuntong-hininga ako at sinabi ang lahat.

Flashback

Naglalakad kami sa office ni HM para makapag-paalam na susundan namin si Maddy dahil wala pa siyang powers. Ibinigay niya saamin ang mga cloak para di kami pagkaguluhan.

"Mag-iingat kayo!" Sabi ni HM at inihatid kami sa Magic Mall.

Nakita ko na nasa Magic Wheel sila ngayon. Masaya silang naglalaro. May napansin ako sa lalaking nagpapalaro sa kanila. Isang.. Darkian! A intermediate one! Malakas din naman siya dahil intermediate.

Nakita ko na umalis na sina Maddy. Binunutan ako ng tinik sa dibdib dahil sa kaba. Pumunta sila sa Jean's Cafe. Pumunta kami at umorder na. Ilang minuto ang nakalipas at may kinuha si Maddy sa bag niya.

Tumayo siya at nakisama sa isang grupo ng lightians. Busy sina Val kaya di siya napansin. Sinundan agad namin siya at nakarating kami sa Hindered Forest.

Natagpuan namin siya na may mga sugat. Siya ay namumutla. Buti naagapan namin dahil baka namatay na siya dahil sa hina ng katawan niya.

End of Flashback

Pagkasabi kong iyon ay umiiyak si Val at Wendy. Ano nanaman ba ang kadramahan nila?

"Bakit kayo umiiyak?" Tanong ko na nakatingin sa likod ko.

Lumingon ako at may isang anghel ang nakangiti saamin. Si Maddy! Niyakap agad namin siya maliban kay Ace at Damon. Manhid nga talaga sila.

"So kaya pala may kumakain sa cafe na iyon na naka-cloak!" Tawang sabi ni Maddy. I miss her!

"Kanina kapa gising?" Tanong ko. Ngumiti siya. She nodded.

"Simula nung magkwento ka. Nagugutom ako!" Nakapout na sabi niya.

"Sige! Diyan ka lang neh! Bibili kita!" Sabi ko. Lumabas ako.

Dumeretso ako sa cafeteria ng hospital at bumili ng mushroom soup and fries.

Bumalik ako at nakita ko silang nagtatawanan maliban sa DALAWA! Si Bryan ko ay tinulungan ako magbuhat ng foods ni Maddy.

Mapanukso ang tingin nila Val, Wendy at Maddy ang ipinukol nila saakin. Walanghiya talaga sila kahit na kakagising palang ni Maddy ay masarap ng patuligin ulit.

"Kumain ka! Napagod ako diyan ah!" Sigaw ko para matauhan sila.

"Change topic? Wag ganyan pero joke lang!" Sabi ni Maddy. Kilala niya talaga ako at super blessed ko dahil doon na may kaibigan akong gaya niya.

"Basta kumain ka na diyan!" Sabi ko at kinuha ang cellphone ko at naglaro ng candy crush.

"Sarap!" Agaw-pansin na sabi ni Maddy. Napaiwas nalang siya ng tingin at patuloy na nagmuni-muni.

"Mukang tanga ka diyan! Tumigil ka!" Cold na sabi ni LEADER ACE! Siya lang naman eh! The one and only! Bansagan na ngang YELO kahit na mas cold siguro siya sa Ice Prince.

"Excuse me! Ikaw ang tumigil dahil di ikaw kausap ko!" Pambabara ni Maddy. Nasamid naman ang iba dahil sa sinabi ni Maddy. Wala pang sumasagot kay Ace ng ganyan kaya bilib ako sa kanya. Hindi ba siya natatakot?

"Tsk! Stupid!" Sabi niya at lumabas ng room. Hay naku leader! Kailan ka pa ba magbabago?! Baka hindi na bumalik si Azelleah pero dapat positive vibes lang muna.

"Guys, kailan ako makakalabas?" Tanong ni Maddy.

"Baka bukas ng gabi o tanghali na ata eh! Titignan pa kasi ang results mo sa Magicus Laboratory. Kaya bukas pa." Sabi ko.

"Hay ok! Nakakainip kasi dito! Sarap matulog sa mga cloud siguro noh!" Sabi ni Maddy. Hindi na namin siya pinansin at nagkulitan nalang.

Nagkukulitan lang din kami at tawanan.!

Sana walang makalimot ng isa't isa!

Lost Princess: Madison Emerald (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon