Chapter 11: With Damon

11.8K 347 0
                                    

Maddy's POV

Ayoko nang magchallenge ulit dahil sa bugbog na natamo ko. Saket kaya! Nandito ako ngayon sa veranda ng room ko. Sunday na ngayon at bukas na ang Magicing. 4:34 AM palang kaya masyadong maaga pa. Di kasi ako makatulog.

Ang Magicing ay ginaganap every year para malaman kung ano section mo. 70 pababa ay Beginners, 71-89 ay sa Intermediate at 90-100 ay Superiors. Babasagin mo lang naman daw ang barrier na sobrang kapal na kasing kapal ng mukha ng mga bitches sa school. Paano ako? Di ko pa alam ang power ko?

Lumabas ako at nagluto ng cupcake. Mag-gogrocery ako mamaya dahil paubos na ang stock namin dahil maraming niluluto. After 2 hours ay natapos na din ako. Sakto naman na lumabas si Val. Antukin talaga itong babaitang ito eh. Paglabas niya ay dumeretso siya sa couch at humiga.

"I baked cupcakes!!" Sigaw ko kaya napabalikwas siya ng bangon at nagtungo sa kusina. Kumuha siya at nilantakan niya ito.

"Good morning! Kasarap naman ng cupcake mo!" Sabi niya at kumuha pa ng isa. Mahilig kasi akong magluto kaya ganyan talaga kapag diyosa. Ako ata yung pwedeng maging barrier eh dahil sa kapal.

"Thank you! Parang kailangan mo ng kape ah!" Sabi ko. Tumango siya. Pinagtimpla ko siya ng kape.

"Thank you! Simula nung dumating ka ay may taga-luto na ako! Patuloy mo lang yan!" Sabi niya at ngumiti. Naubos namin ang cupcake. Sarap kaya dahil may mga sprinkles na favorite ko.

"Mag-grogrocery muna ako dahil wala na tayong stock!" Sabi ko.

"Sige! Bili mo ako ng nutella ah!" Sabi niya. Tumango ako at natawa ng kaunti.

"Sige! Basta magpaka-bait ka!" Sabi ko at tumawa naman siya.

Pumasok ako ng kwarto at naligo. Nagbihis ako ng trending na outfit dito sa immortal world. Skirt and tshirt na crop top.

Napakaganda ko talaga! Nagpabango ako at nag-liptint. Super light lang naman na hindi mukhang clown. Anyways, I put my hair in a ponytail para walang problema.

Lumabas na ako at nadatnan ko siyang nanunuod ng tv. Nagpaalam na ako at lumabas na. Pwede namang lumabas ng academy tutal weekends. Kapag weekdays kase hindi pwede kahit gala lang.

"Where do you think your going?" May isang lalaki ang humawak sa braso ko. Si Damon! Nahuli niya ako! Hindi pa naman ako nagpaalam.

"Mag-gogrocery ako dahil out of stock na kami" nakayukong sabi ko. Hinawakan niya ako sa kamay. Umaano naman itong lalaking ito at bigla nalang nanghahawak ng kamay?

"Samahan na kita dahil baka mapano kapa" sabi niya. Why???! Bakit ka ganyan!? Nagteleport nalang kami papuntang grocery store. Katamad naman niya ngayon.

Really?! Grocery ba ito? Parang mall na sa laki eh! Pumasok na ako at kumuha ng cart. Si Damon ay kumuha din ng cart niya at baka out of stock din sila.

Pumunta ako sa meat section. Bumili ako ng madaming meat. Pumunta ako sa  noodles section at bumili ng noodles. Kumuha din akong baking things and tools pati nadin ang ingredients. Kinuha ko ang nutella ni Val na sobrang laki. Este sakto lang, yung kasya na sa kanya sa loob ng isang buwan kung susulitin niya. Bumili din akong cooking spices. Madami akong binili.

Nagbayad na ako. Hindi ko nakita si Damon kaya lumabas na ako. Super dami kong dala! Mabibigat pa!

Nakakita ako ng ice cream shop. Pumunta ako doon. Nilapag ko ang mga pinamili ko sa isang pwesto kung saan ako kakain. Pumila na ako.

"Welcome to Sweets MegaShop! What would you like to order?" Sabi ng cashier.  Gwapo, matangkad, pinkish lip at maputi. Hindi ko naman type. Mahilig lang ako mag-observe.

Lost Princess: Madison Emerald (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon