Chapter 4: Katulong
----Samantha's Point of View----
Kakagising niya lang ngayon at napakaganda ng kanyang umaga. Tanaw niya mula rito ang ganda ng lugar na ito. Para bang nasa ibang bansa ito dahil sa kakaibang tanawin ng lugar. Agad naman siyang tumungo sa terrace at kinikilig siya sa ganda ng kanyang nakikita.
Pumikit lamang siya habang pinakiramdam niya lang ang simoy ng hangin. Ang sarap tumira rito. Pero hindi dapat siya magtatagal nakakahiya naman sa lalakeng 'yon na habang buhay siya titira rito.
"Bakit ka pa nandito?"
Halos napatalon siya sa gulat nang biglang may nagsalita mula sa kanyang likuran.
"Anong ginagawa mo rito?" gulat niyang tanong kay Alexander.
"Ang tagal mo kasing lumabas. And I thought you're asleep balak ko sanang gisingan ka.."
Naalala niya tuloy sa kaniya ang kanyang kapatid na si Stane, napaka-sweet. Kaso mas gwapo yung kapatid niya kompara sa kaniya.
"Gisingin para ibalita ko sa iyo na..." putol niya.
Agad niya itong tinaasan ng kilay at nag-antay sa maaaring karugtong ng kaniyang sasabihin. Napakabitin naman kung makapag salita.
"Here." Napatingin lamang siya sa binigay nitong puting papel at agad niya naman itong tinanggap.
"Ano 'to?" biglang tanong nito sa kanya.
"Just read." Naiirita niyang sambit.
Imirapan niya lang ito saka binuksan at sinimulan niya itong binasa.
Nanlaki lamang ang kanyang mga mata nang wala pala itong laman. Walang ni isang letra na nakasulat sa papel na ito. Pinag-gagawa nito? Ano ba ang trip niya?
"Hayop ka!" Agad niyang binatukan ang binata at mabilis naman itong nakailag.
Napaka-bilis ng flexes niya pero hindi na 'yon ang mahalaga. Sinubukan niya pa rin siyang batukan ulit but this time agad niyang hinawakan ang kanyang braso para tumigil sa kanyang pinag-gagawa. At agad naman niyang tinggal ang pagka hawak niya sa kanya dahil sa inis.
"Ginawa mo akong tanga." Naiinis niyang sambit.
Kainis wala palang laman. Seryoso na nga yung tao ginawa pa akong joker.
"Uto-uto ka naman pala." Pang-aasar nito sa dalaga.
"Ano bang trip mo?! Nang aasar ka na naman. Umagang-umaga." Sabay tinapon ang puting papel sa kanyang mukha.
Walang magawa ang binata kundi ang tumawa. Kumunot naman ang noo nito nang napansin niyang tumawa si Alexander. Kung tumawa kasi siya napaka-rare lang.
"Anyway, since tayong dalawa lang nandito sa bahay gagawin kitang maid bilang kapalit." Seryoso niyang tugon sa kanya.
"ANO?"
Aba't gagawin akong katulong dito? Ni hindi nga ako marunong maglinis ng bahay. Nabuhay kasi ako sa isang mayamang pamilya kung saan marami na kaming tagapag-silbi sa bahay. Kaya hindi ako sanay maglinis ng bahay.
"Huwag kang mag reklamo. Pinatuloy na nga kita rito para gawin kitang katulong. Tsaka naghahanap kasi ako ng taga-silbi sa aking mansion. At laking pasalamat ko, nakita ka namin," Pag amin niya sa kanya. Kaya pala, walang hiya! Sana sinabi palang niya noong simula pa lang.
BINABASA MO ANG
The Birth of SILENT MAFIA KILLER (SMK#1) COMPLETED
AcciónSamantha Evilana Rutherford, isang dalagitang nabubuhay sa isang magulo at madugong pamilya. Siya ang nag-iisang anak na babae ng dalawang makapangyarihang demonyo sa ilalim ng mundong kaniyang kinatatayuan. Subalit, siya ang naiiba sa mga angkan ng...