Epílogo

656 11 1
                                    


Lumalim na ang sikat ng araw at ramdam ko ang ihip ng hangin na dumadampi sa aking balat. Hindi ko kasi akalain na malapit na palang gumabi. Kaya naisipan naming dumarito muna kami at saksihan ang paglubog ng araw. Kay bilis ng oras sa panahon ngayon. Agad naman akong napatingin sa ibaba kung saan nakapatong ang kaniyang ulo sa aking paa. Nakatulog kasi siya dahil sa sobrang pagod niya ngayon.



Dahan-dahan ko namang hinaplos ang kaniyang napaka-gwapong mukha. Para siyang isang anghel na bumaba galing sa langit. Mapupulang labi, sobrang tangos na ilong, mapupungay na mga mata, makapal na pilik mata at kilay. Sobrang perpekto ng kaniyang mukha. Hindi ko maiwasang ngumiti dahil sobrang swerte ko dahil napamahal ako sa isang anghel.



"How are you, my love?" Pilit kong ngiti sabay haplos ko sa kaniyang makapal na itim na buhok.




Nakalipas ang dalawang taon ay nakabalik na rin ako sa Pilipinas. Pagkatapos sa insidenteng iyon ay agad naman akong dinala sa Europe. And finally muli ko ulit siyang nakita, sobrang namiss ko ang matamis niyang mga ngiti. Gusto ko siyang yakapin ngunit hindi ko magawa kasi nga natutulog baka maistorbo pa ako.


"Kumusta ka na? Ayos ka lang ba?" Nakangiti kong sambit sa kaniya. 



Hindi pa rin siya sumagot kasi nga nagpahinga siya ngayon.Napapikit lang ako sa aking mga mata dahil bumalik ulit lahat ang aming mga alaala naming dalawa. Sobrang saya namin sa isa't-isa dahil mas pinili naming magmahalan keysa labanan ang isa't-isa. Napaka swerte ko ngayon dahil nakasama ko ulit ang taong pinakamamahal ko. Buti nalang inantay niya ako pagkatapos kong pumunta sa Europe.



"Sana ayos ka lang." Sambit ko sa kaniya.




Pilit kong pinigilan ang aking mga luha. At imbis na umiyak ay ngumiti nalang ako ng napaka-lapad. Ayos lang kaya siya? Sana okay lang siya ngayon. Sana magiging masaya pa kaming dalawa. Sana hahaba pa ang relasyon naming dalawa. 



"It's been 2 years since you left..." Nauutal kong sabi dahil doon ay nagsibuhusan ang aking mga luha.




Bigla namang naging buhangin si Alex at nagsilipadan ito dala ng ihip ng hangin, saka nawala ito na parang bula.Nabigo ako sa pagpigil ng aking mga luha kaya hindi ko mapigilang umiyak ngayon. Hanggang ngayon hindi ko pa rin tanggap na hindi ko na siya kapiling ngayon. Hindi ko kayang mawala siya sa tabi ko. It's been 2 years and it is still fresh! Napahagulhol lang ako dahil bigla ko na naman naalala ang pangyayaring iyon. 


"Please hold on, hobby please?" Mangingiyak kong sambit sabay sunod ko sa mga nurse at doctor na dinala si Alex sa emergency room.


Kita ko lang siyang pilit niyang minulat ang kaniyang mga mata at hinawakan niya ng mahigpit ang aking kamay. Napaiyak lang ako dahil halata sa kaniyang hitsura na siya ay nahihirapan sa kaniyang kondisyon.


"Hanggang dito nalang po kayo maam." Sabi ng nurse sa akin.



"Please pagalingin niyo siya, nagmamakaawa ako." Pagmamakaawa ko sa kanila at sabay agos ng aking mga luha. Tumango lang sila at kaagad dumiretso sa loob.



"Sana naman masaya ka na ngayon kahit wala ka na sa tabi ko. Kasi ako? Hindi ako masaya, never ako maging masaya." Hagulhol ko sabay nakaluhod sa kaniyang harapan.



Hindi ko siya kayang kalimutan kasi siya lang ang tanging lalake na sobrang pinaramdam sa akin ang pagmamahalan. Hindi ko akalain na dadating pala kami sa puntong iyon. Sa puntong maghihiwalay na talaga kaming dalawa. Sobrang namiss ko na siya, hanggang ngayon hindi ko pa rin tanggap na patay na si Alex.Pahid lang ako ng pahid sa aking mga luha ngunit patuloy pa rin itong umaagos. Hindi ko talaga kayang mawala siya. Ginawa ko pa ring busy ang sarili ko para hindi na ako masaktan. Ngunit hindi pa rin eh, presko pa rin. Bakit pa kasi nawala pa siya? Bakit iniwan niya na ako? 



"Siguro ang saya-saya mo na ngayon dahil nakita mo na ang mama mo diyan. Paki kumusta lang ako sa kaniya ha?" Nakangiti kong sabi ngunit may halong lungkot pa rin.


Kailangan ko na sigurong tanggapin na wala na siya sa piling ko. Tanggapin ko na ang katotohanang wala na siya. Mahirap mang gawin pero kailangan ko ito para naman matulungan ko ang aking sarili. Ngunit dahil sa pangyayari ni Alex ay diko mapigilang makaramdam ng galit. May masama akong kutob na hindi lang iyon ang dahilan ang pagpatay kay Alex. Kailangan kong alamin kung ano ang tunay na pangyayari. Kailangan kong kumilos ng mag-isa marahil ay may mga pekeng taong unaaligid sa akin.



Agad ko naman pinunasan ang aking mga luha gamit ang dala kong panyo at tumayo na rin ako para humandang makaalis na sa sementeryong ito. Tumalikod na ako at sinimulan ko nang umalis sa aking kinatatayuan. Agad ko naman kinuha ang Desert Eagle na isang uri ng baril na galing sa aking beywang at kinasa ko ito.Uminit ang aking pakiramdam dahil sa puot at galit na aking nararamdaman. Ramdam kong parang may sumanib sa akin, ngunit hindi ko lang iyon pinansin. 



Siguro sumanib na ang bagong Samantha, ang masamang Samantha. 



Bakit masama? Gusto kong bigyan ng hustisya ang taong mahal ko. Wala na ang dating Samantha'ng kinikilala niyo noon. 



Dahil ang Samantha'ng nakaharap niyo ngayon ay ibang-iba na.



Diretso naman akong napabaling at agad ko naman binaril ang punong kahoy na may layong anim na kilometro. Napangisi lang ako ng nakakaloko dahil asentado na ako ngayon. Agad ko naman inikot-ikot ang baril at pinaglaruan ito.



Ang puso ko na durog na durog na dahil sa nangyari sa pinakamamahal ko ay tuluyan nang huminto sa pagtibok kasabay ng pagtigil ng puso ni Alex.



Saksihan niyo ang bagong Samantha. Ang Samantha walang kinatatakutan. Dahil ako na ang batas, hinding-hindi na ako magpapatalo.



Hantayin niyo ang matamis kong paghihigante. 



And that was the reason why Silent Mafia Killer was born.

The Birth of SILENT MAFIA KILLER (SMK#1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon