Chapter 13: Ang Imbestigasyon
------Samantha's Point of View-------
Chapter 13: Ang Imbestigasyon
------Samantha's Point of View-------
"Ikaw na bahala maghusga kung sino nga ba talaga ako." He whispered.
Biglang nagsitayuan ang aking balahibo sa kaniyang sinabi. Napaka seryoso ng kaniyang mukha habang ako ay kumalabog ang aking puso dahil sa kaba. Halos nanginginig ang aking mga tuhod at parang ilang minuto lang ay matutumba ako. Dahan-dahan naman siyang umatras upang maging komportable ako. Muntik na akong matumba at mabuti naman ay kaagad akong napahawak sa lababo.
"Kung ano man ang nasa isip mo, tigilan mo na 'yan." Walang gana niyang tugon saka siya umalis sa kaniyang kinatatayuan.
Hindi ko inakala na ganoon pala siya kung mapikon. Napainom lamang ako ng tubig upang mabawas-bawasan din ang takot ko sa kaniya.
"By the way, aalis ako sa bahay may aasikasuhin ako, dito ka lang." Sabi niya saka siya pumasok sa kaniyang kwarto.
Saan naman kaya ito pupunta? Bigla naman akong nakaisip ng ideya kung paano ko malaman kung sino talaga siya.
-
Mag aalas kwatro na ng hapon at nandito ako ngayon sa labas ng bahay upang antayin si Alex lumabas. Nakatago lamang ako sa mga matataas na halaman, sapat na siguro ito para hindi niya ako makita. Suot ko ngayon ang itim na jeans, damit at denim jacket. Habang may suot din akong itim na sumbrero tsaka shades.
Nagtago ako at doon ay lumabas na si Alex sa mansion habang sinuot ang kaniyang relo, saka siya pumasok sa loob ng kotse. Pagkatapos 'non ay, agad naman niya pinaharurot ang kaniyang sasakyan at umalis na. Diretso agad akong tumakbo palabas at mabuti naman ay may dumaan na taxi. Agad ko naman itong pinara, huminto naman ang taxi saka ako pumasok sa back seat.
"Manong, sundan niyo po 'yang itim na sasakyan." Utos ko sa kaniya.
"Sige po, Ma'am." Sabi ni Manong Driver.
Saan kaya ito pupunta? Susundan ko siya para malaman ko talaga kung sino nga ba talaga si Alexander. Gusto ko rin malaman ang kaniyang kaanyuan. Paano pag masamang tao siya diba? Hayaan niyo na ako para rin naman ito sa sarili ko, sarili kong kabaliwan.
Ilang minuto lang ang nakalipas ay huminto si Alex sa isang bar dito sa syudad. Kita namin mula sa loob ng taxi na nagmamadali itong pumasok papunta sa loob. Sa isang bar? Ano naman ang gagawin niya sa loob?
"Ma'am mukhang pumasok na nga 'yong taong sinusundan natin." Tugon ni manong driver.
"Oo nga Kuya, kita ko nga. Heto na po ang bayad, maraming salamat." Sabi ko sabay bigay ko sa kaniya ang pamasahe ko at lumabas na ako sa taxi.
Maraming tao sa labas na parang mga adik ang dating. Nakayuko lamang akong naglalakad habang nakapamulsa ako sa aking jacket na suot. Sa bandang entrance ay may isang bouncer na nagbabantay. So, kailangan talaga may ticket ka para makapasok sa loob. At buti naman ay nagtatalo 'yong bouncer saka 'yong grupo ng lalake, agad naman akong nagmamadaling pumasok para hindi ako masita.
Pagpasok ko sa loob ay agad naman ako napahawak sa aking dalawang tenga dahil sa ingay ng bar na ito. Agad ko naman inayos nang suot ang aking sumbrero. Maraming tao rito sa loob, may nagsasayawan sa dance floor, may nag-iinoman sa couch at mayroon ding nag va-vape sa gilid. Agad ko naman nahagilap si Alex, nandoon pala siya sa itaas kung saan ay mag-isa lang siyang nakatayo na may dalang isang baso ng alak.
BINABASA MO ANG
The Birth of SILENT MAFIA KILLER (SMK#1) COMPLETED
ActionSamantha Evilana Rutherford, isang dalagitang nabubuhay sa isang magulo at madugong pamilya. Siya ang nag-iisang anak na babae ng dalawang makapangyarihang demonyo sa ilalim ng mundong kaniyang kinatatayuan. Subalit, siya ang naiiba sa mga angkan ng...