Capitulo VIII

472 16 0
                                    

Chapter 8: Mascara Ball Part I



----Samantha's Point of View----

Nanlaki agad ang aking mga mata sa aking nakita. Hindi ako maka paniwala na ang kaharap ko ngayon ay si..



"Kuya Stane?" Gulat kong tugon. Agad ko naman siyang niyakap ng mahigpit.

"Bakit ka nandito?" Nagtataka kong tanong sa kaniya.

"May inaasikaso lang ako rito. Ikaw kumusta ka na?" Pag-alala ng kapatid ko.



"Namiss kita kuya." Malungkot kong sambit.



"Bakit kasi naglayas ka pa? Nag alala na si Mommy sayo." Naiinis niyang tugon.

"Si Daddy? Ayos lang siya? Hinahanap niya ba ako?" Suno-sunod kong tanong sa kaniya.


"Hindi ka niya hinanap pero halata naman sa kanya ang pag-alala niya sayo." Sagot ni Kuya saka ngumiti ito ng napaka-lapad.



Napayuko na lamang ako sa balita. Sabi na nga ba, wala talaga siyang pake sa akin.



"Siya nga pala. Bakit ka nandito?" Nagtataka niyang tanong sa akin.



"May trabaho ako rito. Bale sales agent." Pagsisinungaling ko.

Ayokong malaman ni Kuya na nakituloy ako kay Alexander. I'm sure lagot ako pag malaman niya.

"Kailan ka pa babalik sa bahay?" Naka simangot niyang sabi.



"Hindi ko pa lubos naisip 'yan Kuya. Pero 'wag kang mag-alala, babalik din ako kapag handa na ako." Nakangiti kong tugon kay Kuya saka niya ako niyakap ng mahigpit.



"Mag iingat ka palagi ha?" Seryoso niyang sabi sabay gulo niya sa aking buhok.



"Ikaw din Kuya mag-iingat ka." Nakangiti kong sambit sa kaniya.



"Baka gusto mong may mag babantay sayo? Padalhan kita ng private assassin natin." Seryoso niyang pagkasabi.

"Huwag na Kuya, kaya ko naman sarili ko. 'Wag mo na akong isipin pa." Masigla kong pahayag.

"Sure ka?" Paninigurado niya.

"Sure na sure."

"Basta kapag may kailangan ka, sulatan mo lang ako." Tumango lamang ako bilang pag sang ayon saka hinalikan niya ako sa noo.

Parang gusto ko nang umiyak kasi masyado ko na siyang namiss.



"Mag-ingat ka." He smiled at doon ay mas lalo akong napa lungkot nang umalis na siya sa aking paningin. Isa-isang nagbalik sa aking alaala ang mga masaya at malungkot naming pagsasama. Ngumiti lamang ako ng mapait, magiging maayos din ang lahat.

Pagkatapos ay agad naman akong lumabas ng comfort room saka nag tungo sa table namin kung saan tanaw ko sila habang kumakain.



"Bakit ang tagal mo?" Naiinis niyang tanong sa akin pero mahina lang.

"Ano kasi maraming naka cr kaya pila lang kami roon." Sabi ko sa kaniya habang pilit akong nakangiti.

"Kumain ka na." Seryoso niyang sambit saka siya uminom ng wine.



Agad ko naman sinimulan ang pagkain. Maraming iba't ibang klaseng pagkain na nakahain sa mesa. At 'yon nga, halatang hindi namin ito maubos.



The Birth of SILENT MAFIA KILLER (SMK#1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon