Capitulo XIV

377 11 0
                                    

Chapter 14: Phone Call









-----Samantha's Point of View------



Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay agad naman akong yumuko, pasimple kong pinahid ang aking mga luha. Hindi ko mapigilan ang pag-iyak dahil sa sobrang pag-alala ko kay Kuya Stane. Hindi ko kakayanin nang makita siyang nakahundusay sa sahig na puro sugatan at naghihina. Napabaling lamang ako kay Alex nang hinawakan niya ng mahigpit ang aking kamay.

"Nandito na tayo sa bahay." Tipid niyang sambit. Tumingin naman ako sa labas at nandito na nga kami sa labas ng bahay.

Napabuntong hininga lang ako at lumabas na rin ako sa kotse. Hindi ko mapigilang malungkot, ano na kaya nangyayari kay Kuya? Ayos lang kaya siya? Hayss.

"Ayos ka lang, Sam?" Biglang tanong ni Alex sa akin.

"Ayos lang ako." Sagot ko naman sabay ngiti ko sa kanya nang pilit.

"Bakit umiiyak ka?" Tanong niya ulit sa akin.

Kumunot bigla ang aking noo nang makita ko ang malaking hiwa sa kanyang braso na kanina lang niya hinahawakan.

"May sugat ka Alex." Nataranta kong sambit sa kanya.

"Hindi, okay lang ako." Seryoso niyang sabi at napangiwi siya sa sakit ng kanyang sugat.

"Baliw ka ba?" Naiinis kong tugon saka ko kinuha ang first aid kit.

Agad ko naman kinuha ang bimpo sa mesa at binasa ko ito ng kaunti upang malinisan ko ang kanyang sugat. Dahan-dahan ko siyang kinaladkad paupo sa sofa.

"Akin na 'yang braso mo." Seryoso kong sabi sa kanya, agad naman niya itong pinakita sa akin at nilinisan ko ito gamit ang bimpo.

"Aray, dahan-dahan lang." Naiinis niyang sabi.

Dahan-dahan ko naman ang pagdampi ng bimbo sa kanyang sugat upang hindi siya magreklamo sa sakit. Pagkatapos ay agad ko naman kinuha ang cotton at nilagyan ko ng betadine. Dahan-dahan ko namang dinampi ang cotton at napakagat lamang ako sa aking labi dahil sa sighal ni Alex sa sobrang sakit.

"Shh ayos lang iyan." Pilit kong ngiti sa kanya.

Pagkatapos kong nilagyan ay agad ko naman kinuha ang bandage saka ko ito tinakpan sa kanyang malaking sugat. Naka lipas ang ilang minuto ay tapos ko na rin itong ginamot.

"Ayan, tapos na." Ngumiti ako sa kanya ng napaka lapad.

"Thanks." Tipid niyang sambit saka tinignan niya ang bandage kung tama nga ba ang pagka-ayos ko. Kumunot bigla ang aking noo dahil sa kanyang ginagawa.

"Anong tingin mo sa akin, hindi marunong?" Naiinis kong sabi sabay niligpit ko ang mga gamit at nilagay sa loob ng plastic box.

"No, it's fine." Ngiti niya sa akin. Nagulat ako dahil ngayon ko lang siya nakitang ngumiti. But still, ang pangit pa rin niya.

"Sige magpahinga na tayo." Sabi ko sa kanya saka tumayo upang ilagay ang first aid kit sa cabinet which is nandito lang sa sala.

"Bakit ka nga umiyak kanina? And sino 'yong lalake kanina? Bakit gustong-gusto mo siyang tulungan?" Sunod-sunod niyang tanong sa akin.

Hindi ako maka sagot sa kaniyang mga tanong. Hindi ko sasabihin sa kanya na kapatid ko iyon. Baka malaman pa niya na ang sekreto ko. Hindi pa ito ang tamang oras para sabihin sa kanya kung sino nga ba talaga ako.

"Hindi ko kasi makayanan kapag may makikita akong nag-patayan." Sabi ko sa kanya. Totoo naman, ayaw kong may taong masasaktan. Hindi ko gustong may magpatayan sa aking harapan. Simula pa noong bata pa ako, ayaw na ayaw ko talagang makakita ng dugo.

"You are scared? You are scared if someone is died?" Seryoso niyang tanong.

"Syempre naman. Ayokong may mamamatay sa aking harapan." Saad ko sa kanya. Sino namang tao ang gustong may mamatay? Unless masama kang tao.

"May magagawa ka ba kapag may mamatay'ng tao sa iyong harapan?" Seryoso niyang tanong sa akin. Sa tanong na iyon ay bigla ko naalala noong panahon na akoy bata pa. Wala pa akong kamuwang-muwang noon kaya hindi ko kayang tulungan ang babaeng pinatay nina mommy at daddy.

"As of now, kayang-kaya ko na." Tipid kong sagot sa kanya. Napa-langhab lang ako dahil sa antok at pagod ko ngayon. Alas dyes na ng gabi at gustong-gusto ko nang magpahinga.

"Siya nga pala," sabi niya sabay tayo niya at naglalakad tungo sa akin. Ano na naman ang gagawin niya?

"Ano?" Nagtatataka kong tanong sa kanya. Bigla naman akong kinabahan sa kanyang gagawin, kasi lumalapit na naman siya sa akin.

"Bakit mo ako sinusundan kanina?" Giit niya. Napalunok ako bigla sa kaba, expect ko na magtatanong siya tungkol dito.

"Hindi kita sinusundan." Pagsisinungaling ko sa kanya.

"Talaga Samantha? Huwag ka ng magsinungaling. Kitang-kita na kita mula noong pumasok ka sa isang bar." Naiinis niyang sambit, alam na pala niya sinusundan ko siya.

"Alam mo bang delikado iyang ginagawa mo?" Sa oras na iyon at napatingin ako sa kaniyang mga mata. May halo itong pag-alala at galit ang kanyang expression ngayon.

"Inaamin ko, gusto kitang sundan." Pag-amin ko sa kanya at doon ay galit na galit na nga siya.

"Bakit mo naman ako sinusundan? Kung hindi kita nakita kanina, sigurado akong may mangyayari sayo ng masama." Naiinis niyang sabi sabay iwas niya ng tingin.

"Gusto ko lang malaman kung saan ka pupunta at ano ang buhay mo sa labas 'yon lang." Tugon ko sa kaniya at napatingin lang siya sa akin.

"Sa susunod, huwag mo na 'yang gagawin." Utos niya sa akin, tumango na lang ako at yumuko. Nagulat nalang ako nang hinawakan niya ang aking baba at inangat ito ng dahan-dahan para magkatinginan kaming dalawa.

"Mag-iingat ka palagi." Tugon niya sabay akyat niya sa itaas upang magpahinga.

"Magpahinga ka na, halata sa iyo na pagod na pagod ka na." Sabi niya.

At mula sa baba ay muli kong narinig ang pagsara ng pinto senyales na nandoon na siya sa loob. Napabuntong hininga lamang ako at umakyat na rin sa loob ng aking kwarto.


Kakatapos ko lang maligo ay agad naman akong pumunta sa balcony dahil hindi ako makatulog ng maayos. Alang-alala na ako kay Kuya Stane, ayos lang kaya siya? Gustong-gusto ko siyang yakapin kanina. Buti nalang at tinulungan ni Alex sina Kuya. Speaking of Alex, ang galing niyang makikipag-laban. Saan kaya niya 'yon natututunan? Nagtataka na tuloy ako sa kaniya.

Papasok na sana ako sa loob ng may narinig akong nag-uusap galing sa kabilang kwarto. Dahil chismosa ako, kailangan ko marinig anong pinag-uusapan nila.

"Alam ko, maiigi ko nga silang binabantayan." Halata sa boses ni Alex na parang naiinis na ito. Sino kaya ang kausap niya sa cellphone?

"Anong tingin mo sa akin? Hindi ko naman pinabayaan ang misyon ko rito. Tsaka huwag kang mag-alala, malapit ko na itong matapos."

Misyon? May misyon si Alex?

The Birth of SILENT MAFIA KILLER (SMK#1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon