Chapter 22: Pagtataka
-----Samantha's Point of View----
Kasalukuyan akong nag-lilinis ngayon sa sala. Halos one week na kaming hindi nag-lilinis ni Alex, kaya napaka dumi na ng bahay ngayon. Lalo na't nakakahiya kay Axel na sobrang kalat ng bahay.
Si Alex naman ay kasalukuyang nagluluto para sa hapunan namin ngayon samantalang si Axel naman ay nanonood ng TV. Patuloy lang ako sa paglilinis kahit maraming beses na akong tinignan ng malagkit ni Axel. Kahit na iilang ako ay patuloy pa rin ako sa pag-lilinis. Halos magka-pareho silang mukha ni Alex ngunit mayroon siyang kaunting nunal sa bandang pisngi habang si Alex naman ay wala.
"Let's eat." Tawag ni Alexnader sa aming dalawa.
Kaagad ko naman hininto ang pag-lilinis at tumungo na rin sa kusina gayundin si Axel. Tahimik lang kaming tatlo ngayon, kaya agad naman akong nag-sandok ng kanin tsaka ulam.
"Kailan ka ba aalis dito?" Naiinis na tugon ni Alex sa kaniyang kakambal.
"Grabe ka naman, paalisin mo na ako? Kakarating ko lang kahapon ah." Malungkot niyang sabi.
"Ano bang ginagawa mo sa Pinas?" Malamig niyang tanong kay Axel.
"May tatapusin lang ako rito." Seryoso niyang sambit. Agad naman napahinto si Alexander sa kaniyang pag-subo.
"I can manage Axel. Wala ka nang pake doon." Tugon niya.
"You can manage? Matagal na iyan ah? Ang tagal mong tapusin." Naiinis na tugon ni Axel saka siya umiinom ng tubig.
Something went wrong? Hindi ako makapag-salita at patuloy lang ako sa aking kinakain. Ano bang pinagsasabi nila?
"Huwag ka ngang mangealam sa akin Axel? May plano ako, mind your own business." Galit niyang sambit.
"Kung hindi mo kaya ako nalang ang gagawa." Simple niyang pagkakasabi. Mariin naman hinawakan ni Alex ang kaniyang hinahawakang tinidor at kaagad ko naman hinawakan ang kaniyang kamay upang pigilan siya.
"Give me some time." Walang ganang sabi ni Alex sa kaniyang kapatid.
Ano kayang ibig sabihin nila? Tungkol saan naman sila nagtatalo? Hays 'tong dalawang 'to.
"Okay Alex, I give you some time to do that shit." Nakangisi niyang nakakaloko. Agad naman akong kinabahan sa kaniyang ngisi.
-
Alas dyes na ng gabi at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makatulog nang dahil sa pagtatalo nila Alex kanina. Pilit kong pinikit ang aking mga mata ngunit hindi pa rin ito tumalab. Bumangon nalang ako at napakamot nalang sa aking ulo. Kailangan ko nalang siguro mag timpla ng gatas kahit papaano ay makatulog na ako.
Agad naman akong pumunta sa kusina upang magtimpla ng gatas. Kaagad ko naman kinuha ang baso tsaka ang gatas, tinimpla ko na rin ito at dahan-dahan ko itong ininom.
"Gising ka pa pala."
Napatalon ako sa gulat dahil may biglang nagsasalita sa aking likod. Diretso akong bumaling sa aking likod at nakita ko naman si Axel na nakangisi. Kumunot naman ang aking noo at humarap sa kaniya.
"Huwag mo nga akong gulatin." Naiinis kong sabi sa kaniya. Wala talagang hiya tong lalakeng ito.
"Sorry, Miss. Hindi ko kasi akalain na gising ka pa." Sabi niya saka tumabi siya sa akin ng upo.
Tinignan ko lang siya ng walang expression at uminom nalang ako ng aking gatas.
"Matagal na ba kayo ng kapatid ko?" Tanong niya sa akin.
"Hindi naging kami." Simple kong sagot sa kaniya.
"What? Grabe naman 'tong kapatid ko. Akala ko mag asawa na kayo." Pilit niyang tumawa, agad naman akong napalingon sa kaniya.
"Bakit ka pa nandito? Hindi ka rin ba makatulog?" Tanong ko sa kaniya.
"Hindi rin ako makatulog."
"Bakit?" Nagtataka kong tanong.
"Hindi ako makatulog dahil sayo."
Napahinto ako sa pag-inom ng aking gatas. Ano?
"Ano?" Bigla kong tanong sa kaniya.
"Oo, nang dahil sayo ay hindi ako makatulog." He smirked.
"Bakit? May ginawa ba ako?" Kinabahan kong tanong sa kaniya.
"Mukha ka kasing pamilyar." Nakangisi niyang sinabi. Dahil sa ngisi na iyon ay nagsitayuan ang aking balahibo sa kaniyang tono.
"Talaga?" Pilit kong tanong sa kaniya.
"Parang nagkikita na tayo noon." Seryoso niyang sabi sa akin sabay lapit niya sa akin.
"Anong gagawin mo?" Kinabahan kong tanong sa kaniya.
"Wala, wala akong gagawin." Sabi niya sabay tingin niya sa malayo. Agad ko naman sinundan kung saan siyang direksyon nakatingin. Napalunok lamang ako nang nakatingin siya sa bahagi na nandoon ang mga kutsilyo.
"Sino ka ba talaga?" Natatakot kong tanong sa kaniya.
"Bakit natatakot ka? Nakalatakot ba ako?" Kanchaw niya sa akin.
Hindi ako mapakali ngayon, gusto ko nang pumunta sa itaas at magpahinga. Aakmang aalis sana ako ngunit bigla niyang hinawakan ang aking braso.
"Saan ka pupunta? Mag usap muna tayo Samantha." Nagmamakaawa niya.
"Bitiwan mo ako." Naiinis kong sabi, sinubukan kong bumitaw ngunit hindi ko magawa dahil sa higpit ng kaniyang paghawak.
"Dito ka muna." Nakangisi niyang sambit.
Biglang kumalabog ang aking puso dahil sa kaba ngayon. Hindi ko maipaliwanag ang aking hitsura, gusto ko nang umiyak at tumakbo papunta sa itaas. Ngunit masyadong malakas si Axel.
"Bitawan mo siya Axel."
Agad naman akong bumaling at nakita ko si Alexander na nakatayo, bahid sa kaniyang mukha ang galit.
"A-alex.." Nauutal kong sabi.
Agad naman binitawan ni Axel ang pagkahawak sa aking braso at ngumisi.
"Masyado ka namang OA kapatid, diyan na nga kayo." Naiinis niyang sabi saka umalis sa kaniyang kinatatyuan.
Agad naman lumapit sa akin si Alex at niyakap niya ako nang mahigpit.
"Are you okay? Anong ginawa ni Axel sayo?" Nataranta niyang tanong.
"Ayos lang ako."
Mas mabuti nang itago ko nalang iyon para wala nang away. Sino nga ba talaga si Axel?
BINABASA MO ANG
The Birth of SILENT MAFIA KILLER (SMK#1) COMPLETED
AzioneSamantha Evilana Rutherford, isang dalagitang nabubuhay sa isang magulo at madugong pamilya. Siya ang nag-iisang anak na babae ng dalawang makapangyarihang demonyo sa ilalim ng mundong kaniyang kinatatayuan. Subalit, siya ang naiiba sa mga angkan ng...