Capitulo XXI

345 10 0
                                    

Chapter 21: Bisita







-----Samantha's Point of View-----





Iniisip ko pa rin hanggang ngayon kung sino 'yong lalakeng nagmamatyag sa akin. Sino kaya iyon? Ano kaya ang balak niya? Napabuntong hininga lamang ako sa kakaisip tungkol doon.



"Something wrong?" Tanong niya sa akin habang nag dra-drive pauwi.



"Ano kasi Alex may napansin ako kanina sa Grocery Store." Sambit ko sa kaniya at kaagad naman kumunot ang kaniyang noo sa pagtataka.



"Anong napansin mo?" Simple niyang tanong.



"May nagmamasid sa akin at nakita ko siyag nakatingin sa akin. Muntik ko na sana siyang hinabol ngunit pinigilan mo ako." Tugon ko sa kaniya.



"Huwag mo na iyon pansinin Samantha. Mabuti nalang at pinigilan kita baka may mangyari pa sa iyo ng masama." Sabi niya sabay hawak niya sa aking kamay at ngumiti sa akin ng pilit.



May dahilan din pala kung bakit niya ako pinigilan. Mas mabuti na siguro 'yon kahit papano ay ligtas ako mula sa kapahamakan. Doble ingat na rin ako sa susunod.



"Anyway, I have something to tell you." Sambit niya.



"Ano?"



"I want to meet your family." Nang-gigil niyang sabi sa akin. Halata sa boses niya na siya ay nasasabik na makikita ang aking pamilya.



"Ha? Hindi mo sila pwede makilala." Diretso kong tugon sa kaniya.

"Why?" Nagtataka niyang tanong sa akin. At doon ay bigla akong kinabahan sa magiging usapan namin ngayon.



"Ano kasi, nasa malayo silang probinsya ngayon. Kaya hindi muna natin sila makikita sa ngayon." Tugon ko saka ngumiti ako ng pilit sa kaniyang mukha.



Bahid sa kaniyang mukha ang pagtataka. Kailangan kong itago sa kaniya ang aking lihim. Ayokong malaman at makilala niya ang pamilya ko. Hindi pa ako handa na ipakilala siya sa mga demonyong iyon.



"May problema ka ba talaga Samantha? Kanina ka lang kasi nakatulala diyan eh." Naiinis niyang sambit saka niya e-off ang engine ng kaniyang kotse.



"Ayos lang ako, marami lang kasi akong naiisip ngayon." Sabi ko sa kaniya at ngumiti.



"Sure ka ha? Baka gusto mo nang magpahinga." Sambit niya sabay himas niya sa aking ulo.



"Ayos lang ako Alex, 'wag ka nang mag-alala." Sabi ko sabay labas ko sa kaniyang kotse, lumabas na rin siya at agad naman naming kinuha sa likod ang mga grinocery naming pagkain.



Pagpasok namin sa loob ay nanlaki agad ang aking mga mata sa aking nakita. May lalakeng nakatayo sa sala na nakapamulsa lamang, kamukhang-mukhang niya si Alex. Agad naman akong bumaling kay Alex at halata sa kaniya na siya ay nagulat din. Pero hindi agad naman niyang binalik ang kaniyang seryosong mukha.



"Anong ginawa mo rito? Akala ko ba next week ka pa uuli?" Malamig niyang sambit at kaagad naman siyang tumungo sa kusina upang ilagay ang mga nabili namin sa mesa.



"Well, e-surprise kita Kuya, suprise." Nakangiti niyang nakakaloko. Biglang tumayo ang aking mga balahibo sa kaniyang sinabi. Parang kakaiba ang taong ito.





"By the way, this is Samantha. Samantha, this is Axel my twin brother." Pag-pakilala ni Alex sa kaniyang kapatid, nginitian ko lang siya.



"Oh, so you are the girlfriend? Nice meeting you." Sambit niya at agad naman niya inabot ang kaniyang kamay para mag shake hands kami. Hahawakan ko na sana kamay niya ngunit kaagad naman dinampot ni Alex ang aking kamay at hinawakan ito.



"Problem bro? Hindi ko naman siya aagawin." Kanchaw niya sabay upo niya sa couch.



"Gutom ka na ba? Anong gusto mong kainin?" Pag-iba niya ng topic.



"No need. Kumain na ako kanina lang." Walang gana niyang sambit.



"Ganoon ba, kapag gusto mo nang magpahinga punta ka lang sa isa pang guest room." Malamig niyang sabi at kaagad naman niya akong kiniladkad patungo sa kusina.



"Saan ba kayo nang-galing at ang tagal niyo? Kanina pa ako nag-aantay dito sa loob." Inaantok niyang tugon kay Alex.



"Nag grocery kami." Simple niyang sagot saka inilagay niya na ang mga pagkain sa refrigerator, tinulungan ko nalang siya sa pag arrange ng mga grinocery namin.



"Saan mo ba iyan nakilala Kuya?" Sabi niya sabay nguso niya sa akin.



Imbis na sagutin niya ito ay abala lang siya sa pag arrange ng mga pagkain na aming bilhin.



"Hey Samantha? Saan ba kayo nagkakilala ng kapatid ko?" Kumunot noo niyang tanong.



"Ahmm. Sa parke kami nagkakilala, tinulungan niya kasi ako." Sagot ko sa kaniya sabay ngiti.



"Ganoon ba? Maganda ka." Seryoso niyang sabi sabay tingin niya sa akin mula ulo hanggang paa.



Napayuko lamang ako dahil sa ilang. Agad naman ako niyakap ni Alexander mula sa likod.



"My wife is so beautiful Axel, don't you dare touch her." Naiinis na sambit ni Alexander sa kaniyang kapatid at tumawa lang ng malakas si Axel sa sinabi ni Alex sa kaniya.





"Commin' Alex, hindi ko naman lalandiin si Samantha. Don't worry hindi ako magpapahuli." Biro niya at nanlaki ang aking mga mata nang bigla niyang kwenelyohan si Axel.



"I said, don't you dare touch or even come near her or else I will kill you." Mariin niyang sabi, habang si Axel naman ay tawa lang ito nang tawa.



"Chill Alexander, hindi ko naman siya aagawin sa iyo." Then he smirked habang tumitingin sa akin. Agad ko naman nilapitan si Alex upang tigilan siya sa kaniyang ginawa.



"Alex, tama na." Pag-alala ko sa kanya sabay hawak sa kaniyang braso.



"Listen to her bro." Halakhak niya.



Agad naman niyang binitawan si Alex at itnulak niya ito papalayo.



"Maakyat na nga, baka masuntok mo pa ako." Kanchaw niya sabay punta niya sa itaas.



"Huwag kang lalapit sa kaniya Samantha, okay? Hindi ko gusto mawala ka." Malumanay niyang dabi saka hinawakan niya ako nang mahigpit.



Anong ibig niyang sabihin? Sino ba talaga si Axel?

The Birth of SILENT MAFIA KILLER (SMK#1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon