Chapter 20: Muntikan
------Samantha's Point of View-----
Kasalukuyan akong naghahanap ng masusuot ko ngayon kasi nga may lakad kami ngayon ni Alex. Pupunta kami sa grocery kasi naubos na 'yong mga stocks ng pagkain dito sa bahay, kaya kailangan na naming bumili. Agad ko namang kinuha ang extra large na Tshirt at maikling maong na short. Pagkatapos ko'ng magbihis ay kaagad kong sinuklay ang aking mahabang buhok. Muli akong humarap sa salamin at naka-ngiti lang ako.
Bumaba na ako sa baba at tanaw ko roon si Alex nakasandal sa pintuan. Napa-ayos lang siya ng tayo nang nakalabas na ako sa aking kwarto. Ngumiti lamang ako at ganoon din siya sa akin. Napaka-gwapo niya ngayon dahil ang suot niya ngayon white tshirt at shorts na hanggang tuhod.
"Are you done fantasizing me?" Nakakaloko niyang sambit, saka tinaas-baba niya ang kaniyang mga kilay. At doon ay natauhan na ako.
"Masyado ka namang assuming." Sabi ko sabay irap ko sa kaniya.
"Sus, sabihin mo nalang kasi na nagwa-gwapohan ka sa akin." He said then he smirked. Aba, ang kapal talaga ng mukong ito.
"Naku Alex, hindi ka gwapo. Tara na at aalis na tayong dalawa." Tugon ko saka ko hinawakan ang kaniyang kamay at kinaladkad tungo sa labas ng mansion.
Huminto lang kaming dalawa nang nakarating na kaming dalawa sa harap ng sasakyan. Kumunot bigla ang aking noo nang tumahimik ang lalakeng ito sabay tingin niya sa ibaba. Agad ko naman sinundan kung saang direksyon siyang nakatingin. Napamula lamang ako at kaagad ko naman tinanggal ang pagkahawak ko sa kaniyang kamay.
Nakanguso lang ito dahil sa pagbitaw ko sa kaniya at doon ay tumawa lang ako. Pumasok na ako sa loob ng kotse at gayun din si Alex.
"Oh? Bakit ka nagdala ng ganiyan?" Nagtataka niyang tanong sa akin at agad naman niyang e-on ang engine.
"Ah, heto?" sabay pakita ko sa kaniya ang sun glasses.
"Ahmm. Mainit kasi kaya kailangan ko itong suotin." Nakangiti kong sabi sa kaniya at kaagad ko naman itong sinuot.
"Hindi bagay sa iyo 'yan." Seryoso niyang sambit at napahinto lang ako sa kaniyang sinabi.
"Bagay naman ah?" Palusot ko naman sa kaniya. Sana papayag siya, para naman hindi ako makakakilala ng ibang kakilala ako.
"No, hindi ko makikita ang maganda mong mga mata. Kaya tanggalin mo na nga 'yan." Naiinis niyang sabi. Nakanguso lang ako sa kaniyang harapan, nagmamakaawa. Para naman papayag siya na susuotin ko pa rin ito.
"Hindi mo ako madadala niyan Samantha." Sabi niya.
Wala akong magagawa at tinggal ko nalang ang suot kong sun glassess and I crossed my arms dahil naiinis ako sa kaniya. Hindi ko namalayan na andito na pala kami ngayon sa isang Grocery Store. Agad naman niyang pinark ang kaniyang sasakyan at lumabas na kaming dalawa.
Medyo hindi ganoong maraming tao rito sa isang Grocery Store at kumalma naman ako dahil doon. Hahawakan niya sana ang aking beywang at kaagad ko naman tinabig ang kanyang kamay, nagulat siya sa aking ginagawa.
"Anong problema mo?" Gulat niyang sabi.
"Excuse me? Hindi pa tayo mag nobyo, so huwag kang hawak nang hawak sa akin." Tugon ko saka ko siya inirapan at umuna nang pumasok sa loob.
Hindi ko mapigilang tumawa sa aking ginagawa. Muli ko siyang tinignan sa likuran, nalungkot lang ito at tahimik niyang kinuha ang cart.
"Anyway, uuwi 'yong kapatid ko by next week galing sa US. Gusto kita ipakilala kay sa kaniya as my girlfriend already."
Nagulat ako sa kaniyang sinabi, uuwi ang kapatid niya? Saka dapat sa pagka-uwi ng kaniyang kapatid ay naging kami na? Hala, napaka demanding namang tao nito.
"Ano? So you mean dapat sasagutin na kita by this week?" Nakataas kong kilay sabi.
"Yup." Simple niyang sagot saka kinuha niya ang mga can goods at inilagay ito sa cart.
"Aba Alex, napaka bilis naman ng pagliligaw mo." Natatawa kong sambit sa kanya at agad ko namang kinuha ang mga chips.
"You should, bilisan mo na sa pag sagot sa akin. Hindi naman kita sasaktan, tsaka ano naman meron kung ngayon mo ako sasagutin?" Tinititigan niya ako ng napaka-seryoso.
Napa face palm lang ako sa kaniyang sinabi. "Bahala ka nga diyan basta pag-isipan ko pang sasagutin nga ba kita o hindi."
Bigla niya akong hinarangan at gad niyang hinawakan ang magkabila kong balikat. Problema nito?
"So e-bubusted mo ako? Imposible! Sa napaka gwapo kong to hindi mo ako sasagutin?" Pagmamayabang niya.
"Aba ang gwapo mo naman Alex, basta pag-isipan ko pa iyan." Nakangiti kong malapad sa kanya saka ko kinuha ang pancit cantoon at inilagay sa cart.
"Paano pag hindi mo ako sasagutin?" Halata sa kaniyang boses ang lungkot.
"Edi hanap ka nalang iba." Iwas kong tingin sa kaniya para hindi ako matawa sa kaniyang expression. Biglang kumunot ang aking noo nang naramdaman kong may nagmamasid sa amin.
"Pero ikaw naman talaga gusto ko." Natawa lang ako sa kaniya dahil sa kaniyang boses na parang bata. Sa pagkakasabi niya 'non ay biglang bumilis ang tibok ng aking puso.
"'Yang banat mo ha? Bentang-benta." Kanchaw ko sa kaniya. Agad ko namang nilibot ang aking tingin kung sakali ay mahahanap ko kung sinong nagmamatyag sa amin ngayon.
"Naman, mahal kaya kita." Sambit niya, saka niya tinulak ang cart tungo sa cashier. Ramdam kong namumula ako kaya napa iwas lang ako ng tingin sa kaniya.
Habang nasa cashier siya ay agad muna siyang iniwan at naglilibot sa store. Hindi naman ito gaanong kalaki ang ganitong uri ng tindahan. Sino kaya nagmamatyag sa akin? Habang naglilibot ako ay parang may nakita ako sa unahan na nakatingin sa akin. Napatigil ako at tinitigan ko lang ito ng napaka seryoso.
May suot itong itim na damit at itim na pantalon. Ano kaya ang pakay nito? Agad ko naman siyang nilapitan at kaagad naman tumakbo ang lalake. Hahabulin ko na sana iyon nang may biglang pumigil sa akin. Tumingin ako bigla kung sinong pumigil at si Alex pala iyon.
"Are you okay?" Nagtataka niyang tanong sa akin.
"Ahm, wala. Ayos na ba?" Sabi ko sabay tingin sa labas kung sakali ay makikita ko ulit 'yong lalake kanina.
"Oo tapos na, uuwi na tayo?" Tanong niya sa akin. Ngumiti nalang ako saka tumango bilang pagsang-ayon.
Sino kaya iyon? Ano kaya ang rason kung bakit nagmamatyag siya sa akin? Something fishy huh?
BINABASA MO ANG
The Birth of SILENT MAFIA KILLER (SMK#1) COMPLETED
ActionSamantha Evilana Rutherford, isang dalagitang nabubuhay sa isang magulo at madugong pamilya. Siya ang nag-iisang anak na babae ng dalawang makapangyarihang demonyo sa ilalim ng mundong kaniyang kinatatayuan. Subalit, siya ang naiiba sa mga angkan ng...