Capitulo XVIII

357 6 0
                                    

Chapter 18: Hindi mo Pansin





-----Samantha's Point of View-----









"Bakit hindi mo ako pinapansin? Anong nagyari sa iyo? Kagabi lang ay tawag-tawag mo ang pangalan ko. Tapos ngayon? Para akong sirang plaka?" Galit niyang sabi.



"Ha? Ayos lang ako." Simple kong sambit sa kanya. Kumunot lang ang kaniyang noo.



"Anyway, namiss ko nang mamasyal sa labas. So, I decided na kakain tayo sa labas mamayang gabi. Saan mo gusto?" Sabi niya.



Napataas lang ako ng aking kilay sa kaniyang sinabi. "Lalabas? Bakit mo iyan naisipan?" Nagtataka kong tanong sa kaniya.





"Wala lang, namiss ko lang pumunta sa labas." Nakangiti niyang sabi sa akin.



"Ahmm, sige." Sang-ayon kong sagot niya at doon ay ngumiti ito ng nakalapad.



"Don't worry, magiging masaya ang gabi natin." Masayang sabi niya saka kinusot niya ang aking pisngi. Napa-aray lamang ako sa sakit habang siya ay tumatawa lang.





-





"Saan mong gustong kumain?" Tanong niya sa akin sabay lingon-lingon sa paligid habang namimili ng mga restaurant kung saan kami kakain.



"Ikaw, ikaw bahala Alex." Naiilang kong sabi sa kaniya.



"Dapat ikaw ang mag de-desisyon." Seryoso niyang sambit. Saan nga ba? Agad ko naman natatandaan ang paborito naming pagkain ni Kuya Stane.



"Gusto ko ng hot noddles." Nakangiti kong tugon sa kaniya.



"Hot noddles?" Nagtataka niyang tanong sa akin.

"Gusto ko ng hot noddles. May alam akong lugar kung saan iyon." Nasasabik kong saad sa kaniya saka ko siya kinaladkad tungo sa parke.



Nandito kasi kami ngayon sa isang mall. Ayokong kumain sa mga mamahalin baka kasi isipin niya na pera lang ang habol ko tsaka sayang naman ang pera niya kapag winawaldes lang namin. Sa panahon kasi ngayon kailangan nang magtipid. Since malapit lang naman ang parke rito, nilakad lang namin ni Alex.





"Andito na tayo." Sabi ko sa kaniya.



"Bakit alam mo itong lugar na 'to?" Nagtataka niyang tanong sa akin.



Noong bata pa kasi kami ni Kuya Stane ay dito kami usually kakain kapag birthday ko. Sinamahan lang kami ng aming Yaya Emily dito kaya nagustuhan din namin ang hot noddles na ito. Laking pinagbago ng parke na ito, mas lalong gumanda. Dahil malapit na ang pasko ay may mga christmas lights na pinapalupot sa mga malalaking punong kahoy. May mga parol din na kumikislap na na hang sa ere, mayroon ding fountain sa gitna kung saan mas gumanda dahil sa iba't-ibang kulay nito.





Agad kong binalingan si Alex at kita ko sa kaniyang mga mata na siya ay namamangha sa ganda. Napangiti na lamang ako at agad ko naman ikinaladkad si Alex tungo sa tindahan ng hot noddles. Ilang minuto naming paghahanap ay natagpuan na rin namin. Napangiti lamang ako dahil wala pa ring pinagbago ang hitsura ang tindahan na ito. Kulay pula ang dekprasyon nito at mayroon ding cherry blossoms kada sulok ng tindahan. Amg tindahan na ito ay pang labasan lamang, ang ibig sabihin ay nasa labas ang mga mesa at upuan, habang nasa loob naman nga kalinderya kung saan doon e-seserve ang pagkain.





"Are you sure you want to eat here?" Paninigurado niya.



"Trust me, masarap ang pagkain nila." Nakangiti kong sambit saka hinila ko siya papunta sa tindahan.



Kaagad naman kaming umupong dalawa at lumapit na rin ang waiter.

"Ano pong sa inyo?" Naka-ngiti niyang sabi. Napataas lang ang aking kilay dahil sa kaniyang inaasta. Halata sa kaniyang boses ay parang kinikilig ito. Tinititigan ko lang siya dahil tuloy pa rin siyang nagpapansin kay Alex.



"Dalawang serve ng hot noddles, ate." Sabi ko sa kaniya. Bumaling siya bigla sa akin na may halong galit. Aba't anong problema nito?



"Okay po, ATE." Sabi niya pero mas mariin niyang sinabi ang ATE. Wow, so nainsulto ka ganoon? Mukha ka naman kasing matanda dahil sa makeup mo, mukha ka kasing clown. Pinatulan ko na sana siya kaso pinigilan naman ako ni Alex gamit ang paghawak niya sa aking kamay. Imbis na patulan siya ay inirapan ko nalang siya.





"Napaka maldita mo naman." Pang-aasar niya. Tinitigan ko lang siya ng masama.



"Oh? Bakit sa akin ka nagagalit?" Tawa niya. Aba, mukhang masayahin ang batang ito.



"Shut up Alex, naiinis ako sa babaeng iyon." Naiinis kong sambit.



"Naiinis? Or sadyang nag-selos ka?" Tanong niya sabay halakhak niya.



Napatingin ako bigla sa kaniyang sinabi. "Ako? Nagseselos? Asa kapa!" Galit kong tugon sa kaniya. Masyado namang makapal ang mukha mo hmp.



Ilang minuto lang ang nakalipas ay dumating na rin ang aming order. Napapikit lamang ako dahil nalalanghap ko ang amoy ng noddles. Sa amoy palang ay, parang naakit ka sa sarap nito.



Nagsimula na kaming kumain dalawa, napatingin lang ako kay Alex na nagaganahan na rin siyang kumain. "Sabi ko sa iyo diba na masarap." Masaya kong sabi sa kaniya at nag thumbs up lang ito kasi may nginunguya pa siyang noddles.



Habang kumakain kami ay maraming mga babaeng tumitingin sa kaniya. Hindi ko mapigilang tarayan silang lahat dahil sa kanilang kalandian, habang si Alex naman ay tawa lang siya nang tawa.



Nakalipas ang isang oras ay naka-ubos kami ng tatlong serve. Busog na busog kaming dalawa ngayon. Napahawak nalang kami sa aming tiyan dahil ramdam namin na bumibigat ito.



"Grabe, nakakadik pala ang hot noddles. 'Yan tuloy naadik na rin ako saiyo, ayiee." Banat niya sa akin. Napatawa nalang ako sa kaniyang sinabi.

"Abnormal ka talaga, iba talaga ang epekto ng noddles." Halakhak ko at nagtawana nalang kaming dalawa.





Pagkatapos naming kumain ay kaagad naman niyang binayaran ang kinain namin at umalis na. Naglakad-lakad lang kaming dalawa rito sa parke upang mabilis na matunaw ang aming kinakain kanina. Kaunti nalang ang mga tao rito sa parke kung saan lahat ay may kapares. Ang lugar na ito ay parang dating spot where nandito ang mag jowa na nag da-date.





Tahimik lang kaming dalawang naglalakad. Pasimple ko siyang tinignan at nakapamulsa lang ito habang nakayuko. Ano kayang problema niya?







"Naenjoy ka ba sa date natin?" Bigla niyang tanong.



"Oo na enjoy ako, teka anong date?" Nagtataka kong tanong sa kaniya.



Napakamot lang siya sa kaniyang ulo at napaiwas nalang siya ng tingin. Hindi niya pa rin niya sinagot ang aking tanong at tumahimik nalang ako. Anong date ang pinagsasabi nito?



"Sam, hindi ba halata?" Naiinis niyang sambit. Napakunot lang ako sa aking noo dahil sa kaniyang sinabi. Hindi ko na siya maintindihan at nagtataka pa rin ako sa kaniyang sinabi.





"Anong ibig mong sabihin?"



Napahinto lang kami sa paglalakad nang bigla siyang humarap sa akin habang nakapamulsa.



"Hindi ba halata na.." Bitin niyang sabi. Tinaasan ko lang siya ng kilay at inantay siyang ipagpatuloy ang kaniyang sasabihin.





"Na nililigawan kita?"

The Birth of SILENT MAFIA KILLER (SMK#1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon